Kabanata 16 : Salvatore

301 10 0
                                    

Luella's POV

"Luna, wala akong oras sa mga kalokohan mo! Sundin mo nalang si daddy. Para rin naman saiyo 'yon," gigil na sambit ko kay Luna na kasalukuyang nakadapa sa kama ko. Nilalaro ang sariling mga daliri. Nakaka-stress siya sa totoo lang. Ilang araw na siyang hindi pumapasok, at hindi alam nina mommy at daddy iyon. Akala nila nag-aaral ng maayos si Luna, iyon naman pala ay palihim na nagre-rebelde. Ewan ko sa kaniya, bakit siya gan'yan. Kung hindi ko lang 'to kapatid baka matagal ko nang ni-sumbong sa parents namin.

"Alam mong ayaw na ayaw ko sa lalaking iyon, Rose. Ang sama ng ugali niya!" inis n'yang sagot.

Napabuntonghininga ako. Hindi ko pa nakita ang mapapangasawa n'ya pero base sa sinabi nina mommy, mayaman daw, gwapo at matalino ito, kasalukuyang nag-aaral sa Canada. Rinig ko din na uuwi na iyon next month kaya kailangan paghandaan ni Luna iyon dahil hindi lang siya uuwi, gano'n din ang Lola nito.

Bakit may mas pakialam pa ako kaysa sa kaniya?

"Hindi mo pa nga nakita," bulong ko.

Humarap siya sa akin. Galit na galit ang mukha.

"Ilang beses ko na siyang naka-usap at nakita, Rose. Hindi maganda ang ugali n'ya! Masama siya! Lagi n'ya akong minumura. Iyon ba ang gusto mo? Ninyo nina mommy? Minumura ako? The hell. Hindi pa kami mag-asawa n'yan ah. I don't like him, Rose. May mahal akong iba!"

Pumikit ako ng mariin. Pinapakalma ang sarili. Mura lang naman iyon at sa pagkakaalam ko, mas malala pa magmura itong si Luna. Tagos hanggang buto. Ang oa talaga.

"So, anong gagawin mo? Tatakas padin? Magbingi-bingihan?"

Bumangon siya mula sa pagkakadapa. Nilapitan n'ya ang maliit na picture frame na nakapatong sa lamesa ko at Kinuha n'ya iyon at tiningnan ng matagal.

"Anong ginawa mo?" kunot noo na tanong ko.

"Ang ganda mo talaga, Rose..."

Maya-maya pa ay bumalik ang kaniyang tingin sa akin. Malaki ang ngisi.

Binalik n'ya ang frame at muling umupo sa kama.

"We're twins, right? How about ikaw nalang ang pumunta sa kanila?"

Nanlaki ang mata ko. "Luna! Alam mong hindi ko magagawa 'yan!"

"Why not? Wala ka namang boyfriend at hindi ka pini-pressure nila mommy at daddy. Hindi nila mahahalata!"

Sinamaan ko siya ng tingin habang hinihilot ang noo ko. Fvck! I can't do that. Kapag malaman ng mga Salvatore ito, mananagot kaming lahat.

"Cut that crap. Ayoko." Pinal na sagot ko pero hindi sapat iyon kay Luna.

Lumapit siya sa akin, knuha ang dalawang kamay ko na nakapatong sa dalawang binti ko at hinawakan iyon. Napasinghap na lamang ako. Napansin ang unti-unting pagbagsak ng kaniyang mga luha sa pisnge. I want to wipe her tears away, pero natatakot ako na baka pagsisishan ko ang desisyong iyon. I want to help her, hindi nga lang sa ganitong paraan. Mananagot kami at mas dodoble ang babayaran namin sa mga Salvatore.

"I know you're against it, Rose. Kapag hindi ako nagpakita sa kanila alam mo na ang mangyayari. Mom and dad can't force me to go there, may lakad ako sa araw na iyon. Anniversary namin ni Louis,"

"Luna...I can't."

"Please...Luella, ikaw nalang ang inaasahan ko. I don't l-love Davian. May iba akong mahal..." nanginginig ang boses.

Muli akong pumikit ng mariin. "Luna, ayokong manloko ng ibang tao."

Ayoko.

But here I am. Facing all the Salvatores.

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now