Kabanata 19 : I Like You

252 7 0
                                    

Luella's POV

"Anong nangyari sa'yo? Ilang araw ko nang napapansin ang pananahimik mo. May nangyari ba sainyong dalawa ni Davian?"

Nasa labas kami ngayon ng cafeteria. Usual, kumakain. Hindi namin kasama si Aia dahil may practice ito sa cheer dance. Gusto ko din sanang sumali kaya lang ay magkaaway kami ngayon ni Dante. Paniguradong hindi n'ya rin ako papayagan. Desisyon siya e, kahit galit iyon, buo padin ang atensyon n'ya sa akin. I'm his wife after all. Sa ganda ko ba namang 'to, sinong hindi mauulol?

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Dante, nilalampasan lang ako nito. Madalang ko na rin siyang nakikita sa mansyon dahil lagi daw itong may lakad sa gabi sabi ni Aling Waning. Inusisa ko pa pero 'yun lang talaga ang alam nito. Ewan ko kung anong ginagawa ni Dante sa gabi, o baka naman iniiwasan n'ya ako. Grabe namang galit 'yan, inabot talaga ng three weeks? Oo tatlong linggong walang pansinan. Sinusubukan ko naman itong kausapin ngunit siya itong laging umaalis.

Napagod ako. Hinayaan ko nalang siya. Naintindihan ko naman siya kaya maghihintay ako kung kailan n'ya ako kakausapin.

Kailan naman 'yon, Luella? Hindi na puputi ang uwak. Imposible namang habang-buhay ang galit ni Dante. Nagtatampo lang iyon dahil iniwan ko daw siya noon—I mean ni Luna. Iniwan siya ni Luna. Isa rin ang lukaret na iyon, nakaka-stress maging siya. Salung-salo ko ang kamalasan ng buhay n'ya.

May itsura nga ang naging jowa pero halos problematic naman. Si Louis kaya? Hindi ba siya nagsisi na kasama n'ya ito ngayon? Malamang, Luella. Hindi na nga bumalik.

Napabuntonghininga ako. Tinaasan ko ng kilay si Janice. Kanina n'ya pa ako tinatanong kung bakit lagi akong galit sa tuwing pumapasok ako ng classroom. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay hinayaan na lamang. Naghi-heal ako mga anteh.

"May chismis ako!"

"Ano na naman 'yan?" walang pakialam kong sagot at nilantakan ang burger sa aking harapan.

"Tungkol 'to kina Davian at Stella. Hindi ba't magkaibigan sila? Napansin kong napapadalas ang pagsasama nila ah. Alam mo na ba 'yon?"

Last week ko pa alam na nandito si Stella. Nakalimutan niya yatang sa kaniya nanggaling ang chismis na ito.

Laging umaaligid si Stella kay Dante saan man ito magpunta. Paminsan naiirita ako kasi parang girlfriend umakto ang bruha na 'yon. Sarap sigawan na 'hello, nandito ang asawa, mahiya ka naman' mabuti nalang mabait ako. Pinahiram ko muna si Dante dahil galit ito sa akin. Kung hindi baka kanina ko pa hinila si Dante mula sa bruhildang iyon.

Sino namang tangang hindi makakapansin sa kanilang dalawa. E halos pinuno na nga nila ang group page ng Dreamweaver University. Natambakan 'yung pagkapanalo ko sa intramurals. Araw-araw silang trending at usapan-usapan ng lahat. Kahit saan naririnig ko ang pangalan nilang dalawa.

Nakakairita. Halos hindi na ako makapukos sa pag-aaral dahil sa kakaisip sa kanilang dalawa. Hindi naman sila bagay. Anong nagustuhan ni Dante sa manang na iyon? Bulag ba siya? Matagal na n'yang gustong ligawan ang Stella na iyon, hindi nga lang natuloy dahil kasama n'ya ako. Ewan ko lang kung hanggang ngayon gusto n'ya parin si Stella. Wala siyang sinabi e.

Maganda naman si Stella. Medyo may pagka-morena ang atake ni bruha. Matangkad at nakahulma ng maayos ang mukha gano'n din ang katawan. Ang malaking ekis lang ay 'yung pananamit n'ya. Para siyang sinaunang tao. Hello, nasa bagong panahon na tayo ngayon, I-improve mo naman ang fashion style mo. I-ayon sa panahon. Parang iniwan na ng panahon eh. Iyon yata ang mga type ni Dante. Hindi ako na inform na mala-Maria Clara pala ang type n'ya, edi sana nag filipiniana ako.

"Ano naman ngayon?"

"Nagseselos ka?"

Muntik ko nang maibuga ang pagkain sa pagmumukha n'ya mabuti nalang napigilan ko.

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now