CHAPTER 16 | UNSPOKEN TENSION

30 22 1
                                    


"Congratulations to the both of you, Mr. Herrera and Miss Rivera. You did well."

Agad umingay ang paligid dahil sa ingay ng mga palad nilang sabay-sabay pumapalakpak para sa amin.

Isang plastikadang ngiti ang iginawad ko sa mga panelists saka marahang nag-bow. Nakangiti sila sa aming dalawa at kung ano-anong kaek-ekan na mga papuri ang mga pinagsasabi nila.

"Thank you so much." Pormal na saad ni Herrera saka ngumiti rin. Nagtama ang paningin naming dalawa at hindi na ako nabigla ng lihisan niya lang ako.

Natatawa na lamang akong napailing. Takte, ang hirap paamuhin ng damuhong 'to. Buti lang ay tapos na ang presentation namin. Wala na akong ibang iisipin kundi ang darating na Midterms. Kami ang pinaka-last na nagpresent dahil ako lang naman ang nagpatagal. Kung hindi sana ako na-late last time e last week pa dapat kami tapos.

Matapos naming magpresent ay unti-unting nabakante ang espasyo ng Room. Nagsialisan na ang mga panelists pati na ang ilan sa mga kaklase namin. Tanging ako, si Herrera at ang tatlong itlog na lamang ang natira sa loob.

Naglandas ang paningin ko kay Herrera. Kanina ko pa napapansin ang paminsan-minsan niyang pagtapon ng tingin sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Simula nang huli naming pagkikita ay hindi ko pa siya kinakausap o kinukulit man lamang. Ni-restrict ko pa nga siya sa Messenger e, as if naman na may biglang mabait na espiritu ang sasapi sa katawan niya para lang i-chat ako 'di ba?

Wala eh, nawala agad angas ko sa sinabi niya. Biglang naglaho 'yung kapal ng mukha kong landiin siya.

"Congrats."

Muli ay napatingin ako sa gawi niya. Alam ko namang kay Kalliandra na boses iyon kaya't parang kidlat na binawi ko agad ang mata mula sa kanila. Maaliwalas ang mukha nito at malawak ang pagkakangiti nang lumapit ito sa lalaki.

"Thanks, Kallie." Sagot nito pabalik. Pasimple kong tiningnan ang mukha at reaksyon niya pagkasabi niya noon.

He's smiling widely as if he won a lottery. Parang may sariling buhay ang mga mata ko at agad itong napaikot. Ramdam na ramdam ko kung paanong nakunot ang noo ko dahil sa inis na bumabalot sa akin.

"Are you free later? Nagaaya sila Vlad." Aniya ng babae saka malanding tumawa.

Matagal bago hindi nakasagot ang lalake. Ako naman ay parang tangang nagkukunwaring inaayos ang laptop, samantalang ang totoo ay nage-eavesdropping na ako sa kanila. Nawala lamang ang atensyon ko sa kanila ng biglang lumapit sa akin sila Ferrero at pabirong sinuntok ang balikat ko.

"Siya ang main character ngayon guys. Ano, disney princess? Samgyup?" Alok ni Ferrero saka pumunta sa harap ko. Kinuha niya ang laptop mula sa kamay ko at siya ang nagbitbit.

Agad namang nanglaki ang mata ni Tuazon saka nakangiting lumapit sa amin. "Tara! Saan? Magsaysay o X-Ave?" Hindi naman halata ang pagiging excited sa boses ni Tuazon. Agad siyang umakbay sa akin at ipinakita ang lampas isang daang mga ngipin. "Siyempre, libre mo. 'Di ba?" Anas niya dahilan upang pabiro ko siyang pektusan.

Ang scammer eh.

"May bagong bukas na resto sa sentro. Try natin dun." Suggestion ni Chavez na agad naman naming sinangayunan.

"Sakto may dala akong Car." Agad kaming napalingon sa katabi kong si Tuazon ng may ngisi sa labi. Shet, pwede na kaming gumala kahit saan~ may sasakyan na ang utol namin.

Abot tenga ang ngiti ko saka ako mas lalong lumapit sa kanya upang iakbay din ang kanan kong kamay. Mayabang ang ngiting ipinukol niya sa akin kaya't mas lalo akong natawa.

"Rich kid talaga 'tong hayup na 'to." Komento ko. "Ang tanong, may gasolina ba?" Pang-aasar ko.

Mas lalong lumawak ang ngising nakaguhit sa labi niya. Inalis niya ang pagkakaakbay ko at siya mas diniinan ang pagkakaakbay sa akin.

"Siyempre, kayo ang magpapagasolina sa 'kin."

Siniringan ko lang siya saka marahas na binaklas ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

Tila ba isang banig na nalukot ang mukha niya nang makita ang gitnang daliri ni Ferrero na nakasaludo sa kanya.

Walang lingon akong lumabas ng room kasama ang tatlong bugok. Ayaw ko silang makita. Sa boses pa lang ni Herrera ay halata ng nage-enjoy siya kasama si Kalliandra.

Tsk.

"Kung si Madrigal ang kasama ko, baka marami na akong naaral."

Edi laklakin niya ang dugo ni Madrigal nang pumutok ang sentido niya sa dami ng pwede niyang maaral, lintek siya.

Pasado alas unse nang makarating kami sa restong tinutukoy ni Chavez. Ako ang natira sa table namin dahil silang tatlo ang pinagorder ko.

Tinanggal ko ang pagkakapusod ng buhok ko at hinayaan itong bumagsak hanggang balikat ko. Saktong pagtingin ko sa maliit na salamin na hawak ko, nakita ko mula sa reflection kung paanong bumukas ang pinto ng resto at iniluwal nito sila Madrigal at Herrera. They were both laughing and smiling from ear to ear. Pinagbuksan pa siya ni Herrera ng pintuan at pinaghila pa ng upuan.

Suddenly, I want to leave this place. Parang gusto kong lumabas bigla. Nakakaasiwa silang dalawa.

Potragis!

Hindi ko kayang makisama sa kanilang dalawa sa iisang bubong. Para akong napapaso sa presensya nilang dalawa.

Pilit kong itinatago ang mukha mula sa gawi nila. Pinagdadasal ko na sana ay dumating na ang tatlong bugok para makaalis na kami dito. I fooking wanna leave this place right now.

"Rivera, ano drinks mo daw sabi ni Ferrero?" Pota.

Sinigaw pa nga. Ramdam na ramdam ko kung paanong napunta sa akin ang mata ng ibang tao.

Pasimple akong lumingon sa bandang likuran ko at halos takasan ako ng kaluluwa ng makitang nakatitig na siya sa akin. For fuck heaven sake!

"Rivera? Drinks daw?" Pag-uulit ni Tuazon sa mas lalong may kalakasan na boses.

Tarantadong bata 'to, dati ba 'tong Gago? Kung makasigaw, akala mo nasa bahay lang.

"Beer." Agad kong sagot sa kanya, hindi na pinag-isipan pa ang isinabi sa kagustuhan kong lumayas na siya sa harapan ko.

"Ha?" Lord, ayan na naman siya sa kaka-ha niya.

"Kahit ano!" Singhal ko pa. Tinanguan niya ako saka siya muling naglakad papalayo.

I could feel my palms sweating as my hands are slowly became cold as fuck.

Hindi maalis sa isipan ko 'yung tingin niya kanina. Is he really looking at me? Or was it just my imagination?

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon