"Globalization has led to a transformation in international relations by challenging state sovereignty and increasing interdependence among states, resulting in the emergence of non-state actors, shifts in power dynamics, and the need for global governance mechanisms." I read. Saglit akong tumahimik saka pilit na dina-digest itong binabasa ko.
Kaninang alas siyete pa ako kakabasa sa mga reviewers ko pero walang pumapasok sa utak ko. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Ilang minuto akong tumunganga bago muling ibinaling ang atensyon sa reading material na nasa harap ko.
"Shet, pwede bang magdala na lang ng floorwax kapag bumagsak?" I muttered to myself in frustration.
I groaned as I could feel my head already turning. Pabagsak kong isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa saka saglit na pumikit. Gusto ko ng matulog pero pinipigilan ako ng sarili na huwag dahil ang dami-dami ko pang aaralin. Nasa International Relations pa lang ako, ang dami ko pang subjects na re-reviewhin lalo na sa minor subjects. Ponyeta, kung alin pa kasi 'yung minor, siya pa 'yung ang daming dine-demand na gawain.
I sighed as I looked at my papers scattered on my table. Watak-watak na ang mga papel ko na parang hinubad na balat ng ahas. Isa-isa kong pinulot ang mga highlighters at ballpen na naka-kalat sa sahig saka sinimulan ang pagbabasa.
"Where's your Mom?"
Naagaw ni Papa ang atensyon ko ng bigla itong pumasok sa sala. Mula sa binabasa kong mga printed materials ay agad napa-angat ang tingin ko sa kanya.
"Heaven?" I answered back as I shrugged my shoulders.
Agad sumama ang timpla ng mukha niya at hindi kalauna'y isang matalim na tingin ang itinapon niya sa akin.
"I'm not fucking here for your nonsense, Datche Reese! Answer my question properly!" Agad umalingawngaw ang boses niya sa buong kabahayan na para bang isa itong kulog.
Nasa heaven naman talaga si Mama! Siraulo. Ano namang nonsense sa sinabi ko? Sinagot ko lang naman ang tanong niya. Sabi niya kase "Where's your Mom?" Edi heaven ang sagot ko! Puta alangan namang sabihin kong "nasa bulsa ko, nagkakape!" Edi mas lalo siyang nabanas 'di ba?
"Hindi kita pinag-aaral sa skwelahan na 'yan para sagutin ako ng mga pabalang!" He shouted from the top of his esophagus. "Tinatanong ka ng maayos, sumagot ka ng maayos! Tarantado ka kung ayaw mong makatikim, umayos ka, ha?" Banta niya pa.
Really? Isang word lang naman ang sinabi ko pero ang dami niyang naisagot pabalik? Akala ko ba, babae ang may dalawang bibig? Eh bakit siya ngayon 'tong parang isang dosena't kalahating kilo ang bunganga?
"Honey!"
Parehas kaming napaangat ng tingin ng marinig ang isang pamilyar na boses. The sound of her heels was seriously getting on my nerves, nakakairita sa tenga!
"Anong pinagtatalunan niyong mag-ama na naman?" Malambing na tanong niya saka lumigkis kay Papa at humalik sa pisngi.
For fuck sake, I feel like I'm gonna fucking puke, like, right here, right now!
"Lumalaking bastos 'yang batang 'yan e---" hindi niya natapos ang sinasabi niya ng agad siyang putulin ni Divina.