CHAPTER 10 | THICK AND THIN

43 28 1
                                    

"What the actual fuck?" Ito ang naging bungad sa akin ni Ferrero matapos niya akong pasadahan ng tingin. Buti na lang ay alam ko agad kung saan ko sila hahagilapin.

Sa pinakang likod na gate na ako dumaan para walang masyadong tao.

Kung sa main gate kase ako dadaan ay kitang-kita sa CCTV na ganito ang itsura ko at baka kwestyunin pa ako sa OSA. Baka mag-cause pa ng panick sa ibang studyante kapag nakita nila akong pulang-pula dahil sa takot.

Tuluyan ko ng inalis ang hoodie na nakatalukbong sa ulo ko dahilan upang malutong pa sa balat ng baka na mapamura si Chavez. Agad niya akong nilapitan at mabilis na sinipat ang katawan ko habang halos magdikit na ang mga kilay.

"Who the fuck did this to you?" Bulalas niya at ng walang makuhang sagot mula sa akin ay agad siyang humarap kay Tuazon na galit man ngunit nanamatiling kalmado.

"Putanginang hindot 'yan! Iniingatan ka namin tapos ganito— putangina, tara Tuazon! Sugudin natin!" agad na sabi niya saka tinapik si Tuazon na ngayon ay masamang-masama ang tingin sa sugat ko.

Napamasahe ako sa batok ko dahil sa mga naging reaksyon nila. Sinubukan ko silang patahimikin ngunit maski si Ferrero ay masyadong nag-iinit. Kitang-kita ng mga mata ko kung paanong gumagalaw ang buto niya sa magkabilang panga niya dahil sa pagngangalit ng bagang niya.

Nasa ilalim kami ng pinaka-tagong batibot sa loob ng Univ. Kami-kami lang kasing apat ang palaging tumatambay dito lalo na kapag vacant namin.

"Tumahimik muna kase," mahina ang boses na pakiusap ko saka itinukod ang kamay sa mesa upang suportahan ang sarili.

Nang makita ni Ferrero ang itsura ko ay mabilis pa sa alas tres niya akong pinaupo sa tabi niya saka inabot ang aqua flask niya.

"Drink this." Aniya saka ako inalalayan. Binuksan niya ang bote saka ito iniabot sa akin.

Halos natapon ang laman ng aqua flask niya ng agad ko itong mabitawan dahil sa sobrang panginginig ng katawan ko.

"Puta talaga, ako na ako na!" Agad na singhal ni Chavez saka ako inalalayan. Siya ang mismong nagpainom sa akin ng tubig ngunit agad akong napangiwi ng tumama ang bunganga ng bote sa parte ng labi ko kung saan may pasa.

"Putangina talaga! Ay puta— hindi ako nagbibiro! Umiinit talaga ang dugo ko!" Impit na sigaw ni Chavez. Pilit niyang iniiwas ang tingin sa akin ngunit hindi niya maiwasan dahil siya 'tong nagpapainom sa akin.

"Chavez, kumalma ka—" Pagpapatahan ni Ferrero ngunit hindi napigilan ni Chavez ang huwag mapasigaw.

"PUTA FERRERO! KUMALMA? PARANG ANG DALING GAWIN, HANO?" Napahilot siya sa sentido saka pabulong na napamura. Itinuro niya ako saka muling nagmura. "PUTA, TINGNAN MO ANG HITSURA NG ISANG 'YAN! DAIG PA ISINALI SA GLADIATOR!"

Agad na pumagitna si Tuazon sa kanilang dalawa para umawat.

"Boy kalma! Puta, dapat smooth transition lang." Biro niya pa sa seryosong tono. "Lalong nanginginig 'yung isa dahil sa inyo." Kalmadong saway ni Tuazon. "Dito pa kayo mag-aaway eh." Dagdag pa niya.

Saglit silang natahimik at tila ba parehong kinakalma ang mga sarili.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanila. "Pahiram damit boy. Puro ako dugo." Pagbabasag ko sa katahimikan. Agad silang nagkatinginan at muling ibinaling ang tingin sa akin.

FRACTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon