Chapter 26: Hugot

219 2 0
                                    

Yhurie's POV

Three days na ang nakalipas buhat ng mangyari ang insidente sa bahay na sangkot si Raze at Blade. Mula nang halikan ako sa pisngi ng kumag na yun talagang by instict na iniiwasan ko siya. Nakipag-change seat pa ako kay Mika (isa sa lipstick monsters) na super crush si Kumag kaya hindi ito nagdalawang isip na pumayag. Halata namang naiirita ang kumag dahil nilalandi siya nito. Magdusa siya. Mas matatanggap ko pa kung sinapak niya na lang ako. Why did he had to treat me like a vulnerable girl who doesn't deserved to be hit when I've done wrong. Di ba normal lang naman sa mga lalaking manuntok pag may kapangahasang ginawa sa kanila? Dapat itinuring na lang niya akong lalaki. Feeling ko minaliit niya ako. Nasugatan ang ego ko. Oo nakiusap akong huwag niya masyadong laksan ng suntok pero hindi naman yun rason para halikan niya ako sa pisngi. Oo na ako na ang OA... E hindi naman kasi ako sanay sa ganon e. Lalo lang naging awkward. Pag nag-aattempt siyang lumapit, by instinct kumakaripas na ako ng takbo palayo. Naduduwag ba ako? Hindi. Nao-awkwardan lang.

" Hi Yhurie, malalim ata iniisip natin ah."

"Ayyy kabayong bakla!!!" Walangya naman sino ba tong mokong na to bigla bigla na lang. Nagulat tuloy ako.

" Hahahahahahahahahahhahahahaha nakakatawa kang magulat Yhurie. Kabayong bakla talaga?"

Teka sino ba tong lintik na ito. Tiningnan ko namang maigi ang pangahas na lalaking ginulat siya pero di naman niya ito makilala. Gwapo siya, copper brown ang buhok, medyo may pagka-chinito, makinis, matangkad at may muscles din naman. Sino ba tonh mokong na to?

"Ganoon ba ako kagwapo para titigan mo ako ng ganyan Yhurie? *smirk*" At nag- smirk pa ang loko. Kilala ko ba to?

"Eh sino ka bang mokong ka?" Naiinis ako kaya hinawakan ko ang collar niya kaya bahagyang nagusot ang polo niya. Ayaw ko kasi sa mga FC at pinapasuspense pa bago sagutin ang tanong ko. Impatient na kung impatient. Pake ko!

"Woah chill friend, si Joffer to. Ang bilis mo namang makalimot." Napatulala ako at unti-unting inalis ang hawakbko sa collar niya. Bakit di ko siya nakilala? E kasi naman di ba si Joffer na kilala ko ay may malaking eye glasses, black na parang isinaklob na bao ang hair style tapos may braces pa, kung pumorma pa e kala mo jeproks sa laki ng shirt at luwang ng pants. Ang laki ng difference sa gwapong lalaking kaharap ko ngayon.

"Putris ka Joffer di kita nakilala." Sinuntok ko siya ng mahina lang naman sa braso.

"Huy yung bibig mo Yhurie. Kagandang babae e hanep ang bibig." Saway niya sa akin. Di pa ba siya nasanay?

"Aba nagtransform ka lang pinapagalitan mo na ako ngayon, ha. Ano ba nakain mo at nagpapapogi ka?"

"For a change, saka gwapo naman talaga ako, nadepress lang ako kaya naging shabby ang pananamit ko at naging nerd ang get up ko."- Joffer

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon