Chapter 29: Ishoot mo na ang ball Challenge Part 1

52 2 0
                                    

Third P. POV
Tuluyan ng pumasok sa loob ng gym si Yhurie. Nakita niya ang mga babaeng naka-jersey ng sleeveless at short shorts.

"Ganoon ba talaga kaiksi ang jersey ng mga babae? Juicecolored makikitaan na sila." Isip isip ni Yhurie na napailing na lang.

Naglakad naman siya papunta sa may bleachers at palinga-linga tula naghahanap kung sino ang mag-eentertain sa kanya para sa try out. Pati ang Men's team nakaupo sa bleachers. Pawis na pawis ang mga ito at tila katatapos lang ng training dahil makikintab na ang mga braso nito dahil sa pawis.

Muntik naman siyang napatalon sa gulat nang may malaking boses ang sumigaw sa kanya.

"Hoy Tomboy! Anong gingawa mo dito?"

Slow notion siyang bumaling sa nagmamay-ari ng boses. Naramdaman naman niyang halos nakatingin sa kanya ang mga tao doon. Sa katunayan siya lang ang naiiba na naroroon dahil lahat ito ay varsity players.

"Picolo? Ah este Nicolo?" Tanong ni Yhurie nang makita ang pangahas na tumawag sa kanya.

"Hahahahaha, Pare si Picolo ka pala e Hahahaha." Tawang tawa na panunukso ng isang matangkad na may itsurang mukhang kano na lalaki na isa sa mga varsity. Maging si Nicolo, siya yung dating nambully kay Lea na nasampiga ni Yhurie nung first day, ay naka-jersey din. Ibig sabihin varsity din ito.

"Shut up Luke!" Gigil na sambit ni Nicolo.

Bahagyang lumapit pa si Yhurie at hinarap si Nicolo. Maging siya ay nagulat na varsity player pala ito ngunit di niya iyon pinahalata.

"O dude, long time no see." Pabiro pang sumalute si Yhurie kay Nicolo na lalonnamang ikinalaki ng butas ngbilong nito sa inis.

"Akala mo ba nalimutan ko na ang ginawa mo sa aking tomboy ka???" Buong galit na sigaw nito kay Yhurie. Tumalsik pa ang ilang patak ng laway nito na mabilis namang iniwasan ni Yhurie.
Narinig naman niyang nagtawanan ang mga lalaki at babaeng varsity sa inasal niya.
Umakto pa siyang kinakalikot ang kanang tenga niya na parang naiingayan siya at nabibingi sa kaharap.

"Para kang babae sa sobrang ingay. Saka wala naman akong sinabing kalimutan mo yung ginawa ko sa'yo di ba?" Parang tamad na tamad niyang pahayag.

B1: Wow so siya pala yung nakapagpatumba kay Nicolo? Astig.

B2: Yeah first time napatumba si Nicolo ng ordinaryong estudyante. Interesting.

B3: Unbelievable chick..

Kanya kanya ng opinyon ang mga nasa paligid niya. Hindi alamn ni Yhurie kung imagination lang niya o talagang nagiging mukhang toro na ang kaharap niya lalo na at may piercing pa ito sa ilong.

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon