Chapter1: Astig meets Pinocchio-Fil Version

358 2 0
                                    

Lea's POV

"Oh Lea bakit ka naiyak? Sinong may gawa ha?"

"Eee *singhot* Si ano kasi *singhot* Rockey kinuha *singhot* yung lapis ko!! Waaah T,T"

"Yung tabatchoy na yun, walangya talaga! Tumigil ka na dyan sa kasisinghot! Bahala ka pag nahigop ako ng ilong mo, di ko makukuha yung lapis!"

"Eee naman Yhurie, di naman ganun kalaki ilong ko aah! Slight lang T__T! "

"Bumubusngad nga lalo pag naiyak ka! Sige magtigil ka na dyan para kang baka! Resbakan ko lang yung tabachoy!"

"Hoy tabachoy!" sigaw nya.

"Sinong tinatawag mo bata batuta? Wahaha"

"Sino pa bang porky dito? Wag nga magbobobobohan! Akina yung lapis ng kaibigan ko! Pati ba naman lapis gusto mong lantakan? Maawa ka nga sa buhay mo!"

"Hoy ikaw na tomboy ka! Lakas ding ng loob mo ah! Tatamaan ka sakin makikita mo! Lakas ng loob oh mga tol!" sabay tingin sa dalawa pang bully.

Nagngisihan naman ang mga ito at pinagtawanan sya.

Naputol ang tawanan ng mga ito ng biglang sinikmuraan ni bestfriend ang tabachoy na si Rockey. Samantalang ang dalawang kasama nito ay parang mga duwag na nagtatakbo at iniwang namimilipit sa sakit si Rockey.

"Hmmp mga wala palang binatbat! Akin na tong lapis! Bumili ka ng sayo!" sabay talikod ni bf at iniabot sakin ang precious pencil ko na nagmula pa sa Canada kaya naman iniyakan ko ng sobra.

"Sa sunod wag kang iiyak ha? Wala lagi ako para pagtanggol ka! Ingatan mo yang ilong mo! Mahirap na baka mag-oversized."

Ito ang katagang hindi ko talaga malilimutan nung first time akong napagtripan ng mga bully when I was grade 3. Kahit kelan luka yung bf ko na yun e. Umiiyak na nga manlalait pa. Bakit ko ba naging bf ang babaeng tomboy na yun? Opposite kami pero nag-click naman ang aming tandem. Isang nerd na iyakin + babaeng tomboy na prangka! Ayos din.

Ayy oo nga pala! Ako si Lea Malicsi ang BF ng bida. Awkward para sakin ang surname ko dahil it just defined the opposite. Ako kasi ang Reyna ng Lampa! T__T.

"Ayy aray ouch *boogsh*! Waah nadapa ako! Kasasabi ko lang na lampa ako e. Pinatunayan agad agad! Huhuhu!"

"Bakit pa kasi sa daan pa ako nagre-remenisce eee >_<"!

Yhurie's POV

"San kaya maganda maglaog ngayon? Makapunta na nga lang kahit saan!"

Lilinga-linga ako sa paligid at nagbibilang ng posteng mga nadadaanan. Nang biglang may maapakan akong malambot na bagay. Nagulat naman ako na isa palang taong nakadapa sa daanan ang naapakan ko sa pwetan.

"Waaah bakit mo ko inapakan? Nakita mo nang nadapa yung tao aapakan mo pa sa pwet! "

Sino ba tong lampang to! Nakatalikod pa rin habang nagngangawa at nagpapagpag ng pwetan. Teka parang pamilyar yung boses nito ah!

"Hoy! Kung sino ka mang balahura ka! Pagba--- teka ah Yhurie? O____0" gulat na gulat eh

"Tingnan mo nga naman ang bestfriend ko palang iyakin nagiging Amasona din pala?"

Takte naman oh nalimutan ko na kung pang-ilang poste ang nabilang ko! Pusang gala naman umeksena tong lukaret na to oh! =__=

"Di ka pa rin nagbabago ah! Limang taon na tayong di nagkikita pero Yhurie is forever that babaeng tomboy in the past!"

"Magtigil ka nga dyan Lea! Hindi ako tomboy, astig lang! Saka bakit nandito ka na agad? Di ka ba dun magka-college?"

"Weh! Parang ayaw mo atang makita bf mo ah! Nakakasakit ka na ah. Di mo man lang ako namiss? T_T

"Wag ka nga dyang magdrama! Di ba alam mo namang ayoko sa mga umiiyak! Nagulat lang ako sa pagsulpot mo! Uy tumigil ka na nga O.A na masyado. Para kang Filipino version ni Pinocchio e, sa halip na humaba ang ilong e lumalapad!"

"Luka luka ka talaga! Mga banat mo talaga. Di na kaya malaki ilong ko nuh! Lagi ko nga iniipitan ilong ko bago matulog tapos hinihilot ko sa umaga! Tingnan mo may improvement naman di ba?"

Lumayo naman ako sa kanya at tiningnan ang ilong nya mula sa pwesto kong may limang metro ang layo sa kanya.

"*evil grin* Tama ka Lea! Ang liit na nga ng ilong mo sa malayuan! Wahahahaha"

Nakakatuwa talagang asarin ng isang to!

"hmmmp dami mo talaga alam! You're really a bully!"

Tumalikod sya sakin at naglakad palayo. Ano kaya nangyari dito sa Canada? Pag ba nangingibang bansa nagkakaroon ng epekto sa normal emotional routine ng tao dahil sa climate doon? Nasobrahan ata sa winter ang isang to!

"Oy saglit! San ka pupunta? Pasama na lang ako!"

"Oy meron ka ba ngayön? Maka-snob ka ah!" sigaw ko ulit.

Ayaw talaga mamansin! Wala akong choice kundi sabihi ang cheesy words na yun. Langya ayaw ko sa mga makekesong bagay, nangingilabot ako.

"Okay! Ah I-I-I tsk >_< I missed you! Tsk! I just told you what you're craving for earlier! Okay na ba yun?"

"Hahaha okay na yun best friend! Kaw naman na-miss kita kaya dito na lang ako mag-aaral sa Pinas! Di ba lapit na enrollment! Tara hunting tayo ng University!"

"Mga pautot mo Lea ah! Buljakin ko yang nguso mo baka yan pa ang may posibilidad na tumangos!"

Inis talaga tong lukaret na to e. Kung di ko to kaibigan naku inabot sakin to ng malas. Hayst

"You're so mean Yhurie Ricafuerte! I isn't having fun anymore! =3="

"I can't believe you've been from Canada for 5 years! Until now Subject and Verb agreement is still greek to you!"

"Eh honestly the normal english conversation there is you know. . .doesn't observe the proper usage of words! I actually familiar with S and V agreement. It's just I've been used to some slang language! Pero believe me di na ko masyado stupid sa English nalilito lang ako minsan sa tamang linking verb na gagamitin hehehe" sabi naman nya habang nagkakamot ng ulo.

"As if I care! Tara na maghanap na tayo ng school na mapapasukan!"

"Hirap na hirap ako sa pag-english tapos yun lang sagot mo? Kainis ka! Alam mo namang math geek ako at poor in English. E di kaw na magaling dun! Wala ka naman sinabi sa Math. Wahahahahahahaha!"

"Tamaan ka sana ng masamang hanging para lagi ka na lang nakanganga. Walanjo to! Hindi ako bobo sa Math! Ayoko lang talaga nun! Tara na nga baka di kita matantya!"

"Hoy best friend mo ako nuh! Bahala ka wala ka pasalubong sakin! Ahehehe"

Tangerine tong batang to ah. Kung di lang ako excited sa pasalubong nya nako nako talaga.

"Sige na nga! Basta yung pasalubong ko ha?"

Ang totoo hindi ko alam kung bakit ba naging kaibigan ko to! Puro asaran lang naman pag magkasama kami. Pero atleast totoong tao sya. Di tulad ng iba dyan na kung makapagbalat-kayo e wagas lang, mga halimaw naman sa loob. Parang yung mga taong pa-demur, kala mo mahinhin pero mamaya buntis na. Wala namang bayad ang magpakatotoo di ba? Bakit ba napaka-feeler nila? Wala akong pakialam kung maraming may ayaw sa ugali ko. Hindi naman sila magpapatakbo ng buhay ko! Kung may problema kayo sa tono ng pananalita ko, sa gender ko, sa kilos ko, sa ugali ko! Pakamatay ka na lang! Pasalamat na rin ako at may lukaret na nagpapakatotoo rin tulad ko.

End of Pov

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon