Chapter 18: Usapang Lalaki

68 2 0
                                    

Lance's POV
Nagulat ako ng may lalaking biglang sumulpot sa bahay namin habang naka-piggy back ang aming Butchee baby. So siya pala yung kapatid ni Ate Kirzten. Inglisero at gwapo din naman siya tulad ko. Di na rin ako magtataka lahi rin siguro sila ng magaganda't gwapo.

Hindi naman sa malisyoso ako pero tama ba yung napansin ko kanina? Parang alalang alala siya sa baby namin. Oo baby talaga turing ko kay butchee kahit amasona yan. Sweet ako e. Anyway, yun nga may gusto kaya sa Butchee namin tong si Blade? Kung oo, aba kailangan munang dumaan sa amin bago siya maka-3points sa baby namin. Alam kong natunugan na rin ni Kuya Zed kaya ininvite niya itong maglaro kung papasa nga ba ito sa amin. Kung protective si Butchee samin, mas protective kami sa kanya.

"Blade, let's team up." -Zed
Naunahan ako ni Kuya. Gusto ko sana siya maka-team up din pero mas okay na rin sigurong mas makalaban siya. Hindi ko alam kung magaling siya. Let's see.

Let's get serious this time.

Tim's POV
Team up kami ng Kuya Lance. Kahit di sabihin ng dalawang utol ko alam ko na kung bakit nila niyaya tong si Boy Inglisero na mag-basketball. Oo, kahit para kaming aso at aso ni Butchee (oo dalawa kaming asong nagbabangayan, ayaw kasi ni Butchee sa pusa) aba protective pa rin ako diyan. Yung mga classmates ko nga nakita lang pictures niya sa fb gusto na siyang pormahan kaya ang ginagawa ko sinisiraan ko siya sa mga kaklase kong ulupong. Sinasabi kong humihilik siya, may alipunga, nananaksak na lang bigla sa mata, etc. Pero secret lang natin yun ha? Hehe. At least napoprotektahan ko pa rin siya. Ngayon kailangan ko namang magseryoso. First time na may lalaking naglakas loob pumasok sa bahay namin maliban samin at sa ibang relatives and family friends, kahit friends namin di namin pinapupunta sa bahay dahil wala lang. Magkakaalaman na.
End of POV

Nagsimula nang maglaro ang tatlo. Si Zed at si Lance ang nag-jumpball at si Lance ang nakahampas ng bola. Agad na nakuha ni Tim ang bola ngunit bigla siyang naharangan ni Blade. Matindi ang depensa ni Blade. Nakaposisyon si Tim na parang titira pero ng itaas ni Blade ang kanyang kamay para harangin ito, isang fake shot lang pala at akmang ipapasa ni Tim ang bola kay Lance. Pero bago pa makuha ni Lance ang bola, agad na naka-recover si Blade at nakuha agad ang bola at agad na nagshoot ng 3 points.  Bakas ang pagkabigla ng tatlo dahil bihira lang ang  nakaka-recover ng ganoon kabilis sa fake shot technique ni Tim.

Nag-high five si Zed at Blade dahil sa kanila ang unang score .

"You're great. Do you play for your school?" -Zed

"No. I just play once in a while."- Blade

"Really. So why don't we have a bet?? Kung matalo kayo ni Kuya Zed sasagutin mo lahat ang aming katanungan ng buong katapatan at kung ikaw ang manalo feel free to ask whatever you want. The first team to get 10 wins. Deal?" Lance

"Deal." Blade

Dikit ang labanan.  Ang team nila Lance ay may 7 puntos samantalang 8 puntos na nag team nila Blade at Zed. Man to man defense ang ginawa nila kaya napaka-higpit ng labanan. Seryosong seryoso na si Lance at Tim desidido silang manalo. Si Lance at Tim ang may pinakamagaling na teamwork sa HU . Nakay-Zed ang bola at pinasa niya ito kay Blade, ishu-shoot na sana ni Blade para sa 2 points na kailangan nila para manalo nang parang palos na dumulas sa kanya ang bola at mabilis na nakuha ni Tim at agad na naipasa kay Lance. Mabilis namang nag-aim para sa 3 points si Lance. Sinubukan itong harangan ni Zed at Blade pero masyadong mataas ang bola dahil palobo ang tira ni Lance. Parang nag-slow motion saglit ang bola at viola..  Pasok ang three points ni Lance.

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon