Chapter 19: Thinking out loud

65 2 0
                                    

Lea's POV
Yessss sa wakas may POV na ulit ako. Well 2 weeks nang di ko napapansin ang BF ko dahil sa lintis na Case study na yan. First sem pa lang pinahihirapan na kami OEmGee lang. Pero ngayon I'm free. Good thing dahil weekend ngayon. It's Saturday at parehas kaming walang klase ni BF so this means Shopping for me and a lafang date with her. Madami din akong gustong itanong sa kanya kasi naman laman siya at si Raze ng V.U Secret Files at ang latest ay yung piggy back thing with Blade. Yung totoo??? Mage-end of the world na ba? Eto na ba ang epekto ng pagpapatupad ni Obama sa New World Order? It's like so impossible but how would a picture taken be denied? Unless it's edited, yet it's useless if there's no witnesses. Pero totoo daw at kahit sa department namin na kumalat dahil may pederasyon ng fan girls dun si Blade.

"Lea...uyy bakit parang seryoso ka ata? Tara na!" Nagulat naman ako dun. Katetext ko lang sa kanya na hihintayin ko siya dito sa SM Megamall e nandito na agad siya. Sinabi ko lang na treat ko siya e. Ito talagang tomboy na to, basta libre parang missile sa bilis.

"Bawal bang magseryoso? May iniisip lang ako nuh." Tiningnan ko naman yung suot niya. Naka-shirt siya ng white na may malaking mukha ni Bob Marley, walking shorts na lampas tuhod, at Nike shoes. Cool! Sa totoo lang di naman talaga tBoom ang itsura niya, ladies brand din naman ang mga damit niya at swak lang sa personality niya. Samantalang ako, well naka-dress ako nuh. Haha.

"Nag-iisip ka rin pala?Bago yun ah." Aba aba nagsisimula na naman po siyang mambara.

"Oh yesss!!! Tara na pasok na tayo BF namiss kita e." Hinook ko ang braso ko sa braso niya. Close na close ang dating di ba?

Fast forward......

Nasa department store kami. Nagfi-fit ako ng rubber shoes. Si BF nasa corner ng Nike. Deboto yan ng Nike e. Maya-maya pa.....

"Lea, wag tayo dito. Tara." Bakit biglang nagmamadali ito? Akala ko ba bibili siya?

"Bakit???"

"Nagugutom na ako."

"Agad?" Pero ano bang say ko? Kinaladkad na niya ako. Bago pa kami makaalis ng shoe corner, nahagip ng mata ko ang dalawang pamilyar na tao. Si Blade at si.......Hera ng Pitch Perfect Galz??? Di kɑya nakita sila ni BF kaya...??? I smell something fishy.

End of POV

Yhurie's POV

Sa Jolibee...

Peste bakit nga ba kailangan kong taguan yung kumag at Hera na 'yon? Peste kasi ano na bang nagyayari sa'kin. Bigla na lang umiinit ang dugo ko. Naka-abresiete pa siya kay kumag. E ano naman sa akin di ba? Ang arte kasi ng boses niya. Oo naiinis ako sa kaartehan niya. Sa kaartehan lang niya.

Flashback
"Jon, I like this one. Di ba ang cute. Saka unisex siya, try mo isukat yung isa para couple shoes tayo. Pretty please." Hera

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon