Chapter 10: Where am I?????????????

103 1 0
                                    

Lea’s POV

“Kuya Zed napatawag ka?” Ano kaya kelangan neto? Ngayon lang tumawag sakin tong Kuya ni BF ah.

“Itatanong ko lang kung magkasama kayo ni Butchee? Di pa kasi umuuwi eh.” Nakakatawa talaga nickname ni BF. Ako at ang pamilya nya lang nakaka-alam ng nickname nya. Pero anudaw??? Si BF wala pa sa kanila??? Eh nasuspend nga klase. Saka di ko sya nakita kanina kala ko nga di na pumasok.

“Eh Kuya Zed wala po dito si BF. Di ko nga sya nakita kanina dahil sinuspend yung klase at may meeting ang University Staffs.”

“O? Eh di naming makontak ang cp nya. Unattended! Saka di naman yun gumagala ng ganitong oras!” Hala ano na nangyari kay BF di kaya pinadukot sya ni Nicolo???? Myembro daw kasi yun ng gang. Lagot… Pano ko sasabihin to kina Kuya Zed????

“Kuya Zed medyo kinakabahan ako… Pero di kaya na-kidnap sya???” okay yun ang lumabas sa bibig ko. Sobrang kinakabahan na rin kasi ako. Alam kong malakas si BF pero babae pa rin sya at mapapatumba pag napagtulungan.

“Huwaaaaaaaaaaaaaaattttt???????????? Tssskkk… Di to pwede mangyari kay Butchee. Geh Lea I’ll hang up. Kailangan kong mahanap si Butchee.” Nag-panic talaga si Kuya Zed. Narinig ko rin sila Kuya Lance at Tim na nag-aalala. Nako narinig ko pang nahimatay si Tita Lucy nung narinig yung tungkol kay BF. Nako BF asan ka ba??? Kinuha ko na din ang cp ko at nag-g.m na nawawala si BF.. Pero naalala ko na walang magagawa ang mga friends ko sa Canada. Di nga nila kilala si BF eh.. Hanubayan nababaliw na ako sa pag-iisip. Kaya naman isang paraan lang ang naisip ko. Tinawagan ko si daddy at sinabi kong ipa-blatter si BF para pag may nakakita sa kanya alam agad. Pero napagkamalan lang akong baliw ni Daddy. Isinasali ko pa daw sya sa kalokohan ko. At iyon binabaan ako dahil nasa kalagitnaan daw sya ng meeting at nag-excuse lang daw sya.

“What to do?????????????????”

Yhurie’s POV

Ansakit na ng mga binti ko kakalakad. Naligaw na’ko ng tuluyan dito sa kakahuyan. Kanina pa ako nag-iikot at parang pabalik-balik rin lang ako. Yung cellphone ko na-lowbat na sa kagagamit ko ng flashlight para makita ang dinadaanan ko. Ngayon, tanging liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw ko. Eto ako ngayon nakaupo sa malapad na bato at gutom na gutom na. Kundi dahil sa mambabarang na yun, di ako mapupunta dito. Nako natabunan pa ng ulap ang buwan.. Dumilim naman lalo. Di naman sa takot ako sa dilim, baka lang kasi mamaya tutuklawin na ako ng ahas di ko pa alam. Mahirap na, lalo at wala namang nagrorondang security guard dito.

Maya-maya pa nagsimula na muli akong maglakad kahit medyo pinupulikat na ako. Pero kamalas-malasan ko lang naman, biglang nagsimulang bumuhos ang ulan.

“Katapusan ko na ba to??? Mapapasma ang katawan ko nito!” nasabi ko na lang sa sarili ko at hilong hilo na rin ako. Unti-unti na kong nanlalambot. Magkahalong gutom at pagod ang nararamdaman ko. Bakit ba ako ipinanganak na bobo sa mga direksyon??? Tsskkk..  di ko na talaga kaya. Unti-unti ng bumibigat ang talukap ko at parang nagiging jelly ang mga tuhod ko. Siguro hanggang dito na lang ako at tuluyan ng babagsak sa gitna ng malakas ng ulan. Nawalan na ako ng balanse at ang kokonting gising na diwa ko ay napapitlag nang may naramdaman akong sumalo sa katawan kong malapit ng bumagsak.

“You really wanted to risk your life huh? Tsk” yun ang huli kong narinig mula sa lalaking sumalo sa akin at tuluyan nakong nawala sa huwisyo.

Raze’s POV

“Young Master you don’t have to tire yourself! There’ll be a meeting between the University Staffs about the upcoming Fresh men night. And according to my informant, the said event will be open for some outsider elites too. But the security will be strictly monitored.”- Mr. Lim

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon