Chapter 27: Like it or Not, You must Like it

71 2 0
                                    

Yhurie's POV

Nandito na ako sa kwarto ko at nakahilata. Nagawa ko na rin yung assignment namin sa Calculus at Advanced Trigonometry. Nakakadugo siya pero sapat lang. Si Lea kaya kumusta na? Nakaka-miss din pala yung baliw na yun. Nasa PAPJA (Philippine Assoc. of Psychology for Junior Affiliates) Convention kasi ang mga Psychology students at 1 week sila dun. Ayun iniinggit ako ng walangya puro post ng selfie at pictures sa insta. Tssk.

Anyway alam kong nagtataka kayo kung paano ako naka-responde agad kay kumag kanina. Sino ba namang di mabilubulabog sa iritan at sigawan ng mga tao kanina? Si kumag naman parang shunga na nag-slowmo pa ng baling ng ulo sa papalapit na bola. Si ako naman biglang gumana ang adrenaline at naging turbo palapit sa kanya at agad na na flying kick ang bola. Ano ba ginagawa niya sa may soccer field alam na may naglalaro tapos tulala pa ang mokong.

Ayoko na lang isipin kung gaano kagwapo este kashunga ang itsura niya kanina. Itong si Joffer naman saglit ko lang maiwan sa may acacia e agad namang nadumog ng malalanding piranha. That's the curse of being gwapo, madaling maka-attract ng malalandi. Kaya nung tumakbo ako, nakisabay na rin siya ng takbo sa akin. Para kamingbmga takas sa preso o siya lang dahil sandamakmak na malalanding pulis pulisan ang humahabol sa amin kanina kundi lang ako wais nako. Sana naman hindi araw araw ang ganoong eksena. Si Joffer kasi.. Kung di ko lang yun kaibigan e. Pasalamat siya.

Knock***knock***knock

"Butchee basketball tayo." Kuya Zed

"Kuya pass muna ako. Sakit ulo ko e." Daing ko. Inaantok kasi ako at wala ako sa mood.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa ang tatlong kuya ko. Kanya kanya silang upo sa tabi ng kama ko. Si kuya Lance, sinalat ang noo ko, si Kuya Zed pinakaramdaman ang leeg ko at si Kuya Tim, sinalat ang siko ko.

"Hindi ka naman nilalagnat Butchee ah." In chorus nilang sambit. Dapat sabay sabay? Eto talagangbmga ito OA na sa pagka-protective sa akin. Tssss. Di ko alam kung matutuwa ba ako o mawi-weirdo-han sa inaasal ng mga kapatid ko pag may dinadaing ako. Ipinagkatiwala kasi ako sa kanila ni Mama. Nasa probinsya pa rin kasi ito at siya ang nag-aasikaso doon.

"Sabi ko masakit lang ulo ko at di ako nilalagnat. Inaantok lang kasi ako." Sabi ko naman sa kanila.

" Okay baby. Sweet dreams." At isa isa nila akong kiniss sa forehead bago lumabas. Bakit ba ang susweet ng mga kuya ko sa akin? Nakaka-guilty naman dahil di ako sweet sa kanila. Sa ibang paraan na lang ako babawi.
With that thought in mind hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Fast forward...........

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Photograph by Ed sheeran. Oo alam kong napaka-solemn ng alarm ko at most likely lullaby pa nga ito. Walang basagan ng trip, e sa yun ang favorite kong pakinggan e. Araw araw 8am ako kung magising kahit hapon or medyo tanghali pa ang klase ko. Nanunuod pa kasi ako ng anime sa GMA.

Medyo awkward ang umaga ko ngayon. Bakit kaya napakatahimik? E karaniwan namang parang rapido ang mga bibig nila kuya sa umaga e. Makalabas nga muna.

Nagkakamot pa ako ng tiyan at medyo nakapikit nang lumabas ako sa kawarto at akmang bababa ng hagdan nang...

"Good morning Yhurie!"

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon