Chapter 4: Yhurie in S3 Armour

130 3 2
                                    

June 4, 2013

Unang araw ng pasukan sa Valdemort University. Dahil nakapasa si Yhurie at Lea sa exams, isa sila sa mapapalad na nagkaroon ng full scholarship. Katunayan nag-top 2 silang dalawa sa pataasan ng score sa lahat ng kumuha, si Yhurie sa College of Engineering at si Lea sa Psychology. Hindi na rin sila pinapunta pa ng V.U dahil ang school na mismo ang nagregister sa kanila at nagsend ng schedule ng subjects via email. Hindi na nila kinailangang magtiis sa mahabang pila at makipagbuno sa kapwa estudyante para di maubusan ng subjects. Tanging paghihintay lang sa araw na ito ang pinagkaaksayahan nila ng panahon.

Yhurie's POV

"Butchee gising na!" pagyugyog sa kin ni Kuya Zed kung di ako nagkakamali. Di ko naman maimulat ang mata ko sa sobrang antok. Late na din ako nakatulog kagabi ee. Excited na kasi ako sa pasalubong ni Lea, saka medyo kinakabahan na ewan.

"Huy gising na kakain na! Aba may pasok ka pa!" yugyog uli ni Kuya.

Kinapa ko naman yung katabing table ng kama ko at kinuha ang cp ko para tingnan ang oras.

"Kuya Zed naman ke aga aga pa! Alas nuebe pa pasok ko!" sabay dapa at talukbong ng kumot.

"Oh Kuya di pa ba gumigising yang si Butchee?" rinig ko naman si Kuya Lance na pumasok na rin sa kwarto ko.

"Di pa nga ee! Kanina ko pa to ginigising!" sagot ni Kuya Zed.

Bahala kayo dyan inaantok ako e. Bakit ba nambubulabog ang mga ito? Kakasira ng tulog. Naputol pa panag-inip ko! Tatalon nako sa balon kasama si Inu-yasha e kaso pagtingin ko sa mukha ni Inu-yasha, bakit naging kamukha nya si Vice Ganda tapos sumayaw ng gentleman. Bago sa halip na de saiga ang hugutin nya nung lumabas si Naraku, eh talong ang ginawa nyang ispada. Ano bang panag-inip yun? Tapos badtrip pa to sina kuya. Tsk tsk. Basta tutulog ako hindi pwedeng si Vice at Inuyasha maging iisa. Di pwede. >0<

"Butchee baby gising na!" isa pa to si Kuya Lance ayaw paawat.

"Nako Kuya Lance di yan madadaan sa lambing kelangan dyan ginagamitan ng dahas!" si Kuya Tim naman ang pumasok ng kwarto ko. Parang may masama tong balak ah. Wala ako pake kelangan kong tapusin panag-inip ko!

"Ayaw mo talaga bumangon Butchee ah pwes eto sayo *boogshh*"

"Waaah Kuya Zed si Kuya Tim oh! Kuya Lance tulungan mo ako!" bigla ba namang bumagsak sa likod ko at ginawa akong kutson! Ang bigat kaya nya. >.<

"Di ako aalis kung di ka babangon dyan! Si Da Rock ata to!" si Kuya Tim sabay pakita ng muscle.

Da Rock pala hah? Humanda ka Kuya Tim! Wrestling gusto mo, wish granted! Wahaha. Sa isip isip ko.

"Babangon na ako! Alis!" akting muna kunwari galit galitan. XP

"Sure Butchee" agad namang bumangon si Kuya Tim pero bago pa sya makatayo, lumukso ako sa kama at *booogsh* nagmala-John Cena ako, sabay Boo sa mukha ni Kuya Tim katulad ng signature gesture ni John Cena. Sabay takbo pababa bago pa nya ako maabutan.

"Haha wala ka pala Tim kay Butchee eh! Wahahaha" halos mamamatay sa katatawa si Kuya Zed at Lance. Kahit nasa baba na ako tawa pa rin sila ng tawa. Kawawang Kuya Tim. Haha.

"Oh Yhurie ano nangyari dun at parang mga baliw mga kuya mo?" tanong ni Mama.

"Wala yun Ma! Napasukan ata ng masamang hangin kaya naluko na yung mga yun!" pag kasi sinabi kong ni-wrestling ko si Kuya, magkakaron ng misa ng wala sa oras.

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon