Chapter 21: Kung magunaw man ang mundo....

65 2 0
                                    

Yhurie's POV
After almost two hours natapos din ang San Andreas. Nakakakilabot at nakakatakot kung mangyayari yun sa tunay na buhay. Si Ate Kirzten nakakatawa bigla na lang napapatili tapos mapapayakap kay Kuya. Si kuya naman feel na feel. Kung hindi lang cute si Ate Kirzten e. Eto namang si Kumag full attention lang sa movie. Feeling ko kanina naging dating place lang yung movie theatre. Puro couples. Hindi naman ako nabibitter, di ko lang gusto yung ibang nakita ko lalo na yung mga naririnig ko. Pakiramdam ko nga ang lakas ng radar ng auditory nerves ko para marinig ko halos lahat ng kalandian sa paligid ko.

Mga eksena kanina sa sinehan
Girl1:Hon paano pag end of the world na? Ano gagawin mo?
Boy1: Yayakapin kita ng ganito kahigpit at hahalikan kita ng ganito katagal *tsuppp*

Napakalandi naman ng dalwang to, magugunaw na nga ang mundo kalandian parin ang pinapapairal. Plano ba nilang mamatay ng malandi?

Girl2: Sweetheart natatakot ako paano kung mangyari yan at mamatay tayo?
Boy2: Wag kang mag-alala dahil matagal na nan tayong patay na patay sa isa't isa di ba?

Eeeh ang korni. Magugunaw na rin lang ang mundo jejemon pa din.

Girl3: Mahal paano kung pagtapos ng movie, biglang nagkatotoo yung pinanood natin? Anong secret mo ang ipagtatapat mo.
Boy3: Mahal wag kang magagalit ha kung sabihin kong crush ko ang kuya mo.
(Nasampal siya ni Girl at nagwalk out)

May itsura yung lalaki e charing pala. Epic grabe...

End of flashback eksena

Para akong baliw na tawa ng tawa habang naglalakad palabas ng sinehan.

"Huy Iron Man, nababaliw ka na ba?" Si kumag panira ng moment.

"Wag ka ngang panira Kumag. May naalala lang ako." Kahit hiyang hiya ako dahil para nga akong tanga kung makahalakhak kanina lang pinanindigan ko pa rin ang pagiging mataray ko.

"Wow ang sweet naman nila may endearment pa. But Iron man and Kumag???"- Kirzten

"It's a long story, and NO it's not an endearment" Sabay pa kami ng Kumag psh

"You even say the same exact words at the same time." Zed

"Isa ka pa kuya." Tingnan ko nga ng masama. Parang natakot naman kaya iniba na lang ang usapan.

Si ate Kirzten naman nagyaya sa botique ng mga hair clips and accessories. Girls thing na hindi ako interesado. Pero dahil si Ate Kirzten nagyaya ako pati si Kumag at si Kuya kasama sa loob. Seriously? Iba ang convincing powers niya grabe.

"This is so gay." Narinig kong bulong ni Kumag. Agree ako sa kanya this time pero itong si kuya e talagang nakikipaglambingan pa kay Ate Kirzten.

"Babe bagay sa'yo to."
Si kuya habang hawak ang isang silver coated na hair clip na may flower na design.
Sinukat naman ni Ate K.

Ang ginawa ko naman nagtingin tingin na lang din ako ng mga clips, etc. Wala namang mawawala sa akin e. At yun na nga may isang hairclip na nakakuha ng atensyon ko. Silver coated clip din siya na may cute star design. Ewan ko pero parang gusto kong bilhin kaso medyo mahal at iisa na lang ito. Pamasahe lang dala ko e tapos ibinili ko pa ng icecream kanina dahil pwede naman ako sumabay kay Kuya. Nakakahiya naman pag humingi ako kay Kuya baka asarin lang ako. Wala akong kaalam-alam na tinititigan ko na pala ito.

"Yhurie baby may bibilhin ka ba?" Ate K

"Ah wala. Tara na."
Goodbye na lang. Kahit na love at first sight ako sa'yo.

Fastforward....

"Butchee we almost forgot, may party nga pala kaming pupuntahan 6pm na at 7pm ang party. Sige kailangan na naming umalis." Patay ako. Hindi man lang ako nakapagsalita. Tumakbo na agad silang parang nagtatanang Romeo and Juliet. Magwa-one, two, three ba ako pauwi. Konsensya ko naman.

"Patay." Ito na lang nasabi ko.

"Bakit?" Nandito pa nga pala si Kumag.

"Di ko alam kung paano ako makakauwi."

"Ganoon na ba kalala ang sense of direction mo?"

"Hindi!!!!! Wala ako pamasahe okay? Binili ko na sa DQ kanina yung pamasahe ko!!"

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA" Nang-aasar ba to? Makatawa kala mo wala ng bukas.

"Anong nakakatawa?"

"Ang cute mo kasi." Hanudaw??? Cu-cute daw ako? Yung puso ko biglang naging O.A sa pagtibok bigla. *pak *pak *pak *Sinampal sampal ko ang sarili ko para matauhan.

"Why are you hurting yourself? Namumula na oh" Pinigilan niya ang kamay ko, tapos hinaplos niya ang pisngi ko. Yung OA kung puso naging Super OA na. Magugunaw na ba ang mundo? Parang sa loob ng katawan ko nangyayari ang matinding lindol sa San Andreas ah.

"Ah e ka-kasi...." Nauutal na ako. Nakakahiya na to. Di ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako.

"I'll take you home." Ang daming bakit sa isip ko. Bigla bigla na lang kasing magiging mabait, magiging cold, tapos mabait ulit. Mas matindi pa ang mood swings nito sa akin e. Sa kabilang banda, para naman akong baliw, nakangiti na pala ako habang hawak hawak ng kumag na to ang kamay ko. Siguro nga kung bukas magugunaw na ang mundo. Susulitin ko na lang kung anumang kasalukuyang nangyayari sa akin ngayon at iyon ay kasama ang kumag na 'to. Sige na nga ibababa ko na ng konti ang pride ko. Maging masaya lang ako kahit ngayon lang.

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon