CHAPTER 12: The Payment

98 1 0
                                    

Lea’s POV                         

Mula nung nawala si BF di ko pa sya nakikita. Pero sabi ni Kuya Zed nakauwi na rin daw kahapon. Di naman sinabi kung saan ba galing si BF. At speaking of BF, nakita ko syang kinakaladkad ang lalaking nakasuot ng malalaking eye glasses. Halos madapa-dapa na nga ito sa lakas ng paghila ni BF. Kawawa naman yung guy kung sino man yun. Pero dahil namiss ko si BF nagtatakbo ako papunta sa kanya…

”BF!!!!!!!!!!!!!!!! Namiss kita!” nagtatakbo ako habang sinisigaw ang pangalan nya at dahil di ko napansin na may bilog na bato pala sa daraanan ko, na-slide ako at nadapa na parang nasagasaang palaka.

*tugssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh* sound epek ng pagbagsak ko.

“Arayyyyyyyyyyyyyy!” ansakit ng tuhod ko! Bakit ba pag mga gantong eksena lagi na lang akong minamalas. Nakakahiya tuloy. Pinagtawanan pa ako ng mga tao dito. Badtrip talaga parang ayoko ng tumayo dito. Nakakahiya talaga T___________T

“Tumayo ka na dyan! Hindi ka nakaka-aliw tingnan sa ganyang posisyon!” pagkatingala ko, nakita kong nakaluhod sa harapan ko si BF na nakalahad ang kamay. Gusto ko ng maiyak dahil sa sobrang touch ako sa best friend ko. Twing nadadapa ako, nandyan sya para itayo ako. Sya na talaga ang the best sa lahat.huhuhu. Tinanggap ko naman ang kamay ni BF at tumayo. Patuloy pa rin sa paghalakhak ang mga nakakita sa’kin. Mapasukan sana ng bubuyog ang esophagus nyo! Sa isip-isip ko.

“Oh ano pa ginagawa nyo dyan? Di maka-move on teh? Tapos na ang palabas kaya umalis na kayo dahil pag nagtagal pa kayo, mahal na ang bayad. Mahal kaya talent fee ng best friend ko!” Ikaw na talaga BF! Minsan nya lang akong tawaging best friend pero twing naririnig ko yun parang heaven lang. Kaya nayakap ko na lang si BF! Narinig ko namang may pumapalakpak kaya napabitaw ako!

“Galing mo talaga Yhurie! Napaka-swerte ko at naging kaibigan kita!” Hanudaw????? Nagjo-joke ba tong lalaking to? Pano sya magiging friend ni BF? Eh allergic nga yan sa mga lalaki maliban sa mga kapatid nya.

“Oyy Joffer wag ka dyang O.A!. Tara na sa canteen! Ilibre mo ako!” ayyy iniwan aketch??? Di man lang nagpaliwanag o ipinakilala man lang yung kasama nya???

“Teka BF! Waittttttttttt!”

Nandito kami sa Canteen at ini-interview ko si Joffer na friend pala talaga ni BF. So classmate pala sya ni BF at loner sya kaya naglakas-loob syang i-approach si BF kahit daw natatakot sya dito. Cool daw kasi si BF kaya gusto nya itong maging ka-close kahit papano. Naikwento rin nya na nag-resign ang professor nila ng dahil kay BF at kay Blade daw. Pero no hard feeling naman yung prof. Kahit kelan talaga to si BF walang patawad. Kinukulit ko nga rin si BF kung san sya pumunta nung nakaraan at tumawag nga yung Kuya nya na nawawala sya. Sabi naman nya sa susunod nya na lang ikukwento. May pa-secret-secret pang nalalaman ee. Ayaw lang sigurado nitong magpa-istorbo sa pagkain nya. Nilibre kasi kami ni Joffer na parehas na naming friend. At syempre si BF ang pinakamapag-samantala pagdating sa freebies. May ice cream na sya, may pasta, siopao, cake, pizza, at zagu. Bakit ba napakatakaw ng isang to. Isang buong table puro pagkain lang nya. Tapos lahat nakatingin sa kanya pero parang wala naman syang pakialam. Basta talaga pagkain maaasahan mo to e. Buti na lang mapera to si Joffer.

“Ahh Lea matanong lang. Ganyan ba talaga ang appetite ni Yhurie pagdating sa pagkain? Parang di kasi halata sa katawan nya. I mean….di naman kasi sya mataba!”-  bulong ni Joffer

“Nako masanay ka na dyan! Matindi lang talaga ang panunaw nyan. Basta sa pagkain wala yang pakialam kung ano sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga sa kanya busog sya. Walang pagkaing mapapanis pag yan kasama mo sa bahay! ” –sagot ko na pabulong din

Kapag ang Tomboy Na-in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon