PATRICIA'S POV
TOOT TOOT TOOT
Bwisit na alarm clock yan! Ang aga aga! Wait! Ang aga! May pasok ako! Tumingin naman ako kaagad sa oras.
8:56 AM shit!! Late na ako sa first class ko! Shit!! Shit!! Omygod!!!
"sabado ngayon"
"waahh!!" napatalon naman ako sa narinig ko na boses lalake sa gilid ko, hindi ko manlang napansin na nakaupo sa side table ko si kev. Parang multo naman ito na agad agad sumusulpot, grabe????
"hindi na kita ginising para makabawi ka sa puyat mo" sabi niya tapos naupo sa tabi ko
"ganun ba? Sa-salamat nalang kev, may sched ba ako ngayon?" pag iiba ko ng topic sakanya. Sabay punas sa mata ko na medyo nanlalabo pa.
"ahmm, let me see, ah, oo! May isa kang photoshoot, nag promise ka rin saakin na ililibre mo ako ng lunch at magkikita kayo ni kit mamayang 12 oclock" napatigil naman ako sa narinig ko.
Oo nga pala, may sched kami ni kit ng sabado, grabe, bakit niya pa nabanggit parang nawala tuloy ako sa mood ko, aisshh naman tssk.
"so-sorry oo nga pala!" si kev na bigla namang tumayo at nag act ng matanda na magsalita, pero atleast nakakagaan ng loob ko si kev, nakakatuwa kasi siya, alam niya kung ok ba ako o hindi. At alam niya rin kung paano ako patawanin.
"ano? Hindi ka pa ba maliligo? 9:30 kaya yung photo shoot mo?" bigla naman niyang tanong saakin, medyo wala pa kasi ako sa sarili ko, feel ko may hang over pa sa nangyari kahapon.
"opo sir! Maliligo na po ako" maiksi ko naman sagot sakanya at nag diretsyo agad sa banyo.
"waaaaaahhh! Ang lamig ng tubig!!! Ahhh" bigla nalang akong napasigaw ng binuksan ko ang shower, nakalimutan kong ilagay sa hot... arrrggggg grabe! Ang ginaw!!!!
KEVIN'S POV
Bumaba nalang ako agad para ayusin ang agahan namin ni pat. Buti hindi masama ang umaga niya dahil sa nangyari kahapon? Ang pagkakakilala ko kasi sakanya, mga ilang buwan bago maka get over sa mga break ups niya. Pero ngayon, aba!! Himala, wala pang bente kwatro oras okay na siya! Ayus din siya e.
Inayos ko naman ang niluto ko na bacon and egg at itinabi ang sinangag na kanin. Nagpalaman din ako ng tuna sandwitch baka kasi mamaya magutom siya sa photo shoot niya.
Ang bata bata palang ni pat pero nag tatrabaho na siya, parehas kasi kaming first year college, pero siyempre ako mas matanda sakanya hindi nga lang halata.
Dun kasi siya kumukuha ng pera at allowance sa sinusweldo niya sa pag momodel, pero nagpapadala naman ng pera ang mga magulang niya. Masyado kasing magastos itong si pat. Nagaya ata saakin.
TIIIIIIIIIIIIIIIINGGGG
"araay" medyo napasigaw pa ako kasi parang may matinis na tunog akong narinig. Medyo kinabahan ako kasi kapagnakakarinig ako ng ganun ay may masamang mangyayari. Hindi saakin... kundi kay pat.
Ang masama lang dun ay hindi ko siya pwedeng iligtas, o ilihis sa dapat mangyari. Ang pwede ko lang gawin ay ang paalalahanan na kailangan niyang umiwas sa mga bagay na ganito...
Maraming beses na rin na naaksidente si pat kasi hindi siya sumunod sa mga bagay na sinabi ko sakanya. Pero I think she already learned her lesson. Minsan kasi walang isang salita si pat e.
pero natututo naman siya. Kasi last accident ay na hand injury siya, nahulugan ng bato, sinabihan ko naman siya na wag siyang lumapit sa mga building na may ni re-renovate sa taas, at sinabi ko rin na magiingat siya sa bato, pero tinawanan niya ako.
BINABASA MO ANG
another broken fairytale
RandomPROLOUGE Natatagpuan nga ba talaga ang pag ibig sa paligid? Minsan nasasalubong mo na di mo lang napapansin minsan nakausap mo na, di mo lang maalala, meron pa ngang nakakatuluyan nila, kababata pa nila, Hindi naman talaga hinahanap ang pag-ibig, da...