PAT'S POV
Lumipas na din ang apat na araw simula nang nagsimulang nanligaw sakin si Daniel.. muka naman talaga siyang sincere e.. parang napapamahal na rin siya saakin... parang ayaw ko na lagi siyang wala. Ayaw ko na napapagod siya...
Eto nanaman kasi ako e! nagmamahal nanaman, pero hindi naman sa hindi ko nagustuhan ang lahat ng pakulo niya..
Siya lang kaya ng lalakeng nakilala ko na maraming hinahanda para saakin... well---
KEV'S POV
"Hindi ka pa ba maliligo? May photo shoot ka! Ikaw lang daw mag isa..." tanong ko kay pat, kasi sa tingin ko kanina pa siya gising pero hindi lang siya tumatayo... ang lalim ng iniisip niya masyado.
[Siya lang kaya ng lalakeng nakilala ko na maraming hinahanda para saakin... wel--] – pat's mind..
E bakit nabitin?? Nag iisip ba talaga siya?? Kaya nga minsan ayoko nang basahin ang nasa isip niya e! para lanmg akong tanga na nakikinig sa mga katangahan niya e!
"pwede ko na bang sagutin si Daniel kev?"sabay baling naman saakin..
"aba! Anong alam ko sayo!! It's your choice.. ayokong makialam para kapag iniwan ka niyan! Another broken fairytale nanaman!! haha" napangiti ako sakanya kasi, siya lang ang babaeng kilala ko na naco-confuse na sumagot n goo sa isang lalake..
"okay.. thank you" mabilis na sagot naman niya at agad na tumayo.. nagtext kasi siya saakin e.. gusto niya daw ng kasama dito sa kwarto niya.. ang aga aga nag d-drama!
Dumiretsyo naman siya agad sa banyo. Aba ewan ko? maliligo na ata siya?...
8:23 a.m.
Pagkadating namin sa building ng tita niya ay nakita kong naghihintay si Daniel.. ano nanaman ba ang gagawin nitong mokong ito? Magpapasikat nanaman ba siya??! At bakit bap ala siya andito? Ang alam ko na nakalagay sa schedule ni pat ay mag isa siya pero bakit andito nanaman ang mokong na yan!
"bababa na ako dito!" bigla namang sabi saakin ni pat, parang ang saya saya niya, for what reason naman??!
DANIEL'S POV
Nag text saakin yung tita ni patricia na siya lang daw ang mag pho-photo shoot, pero dahil nag text din saakin si patricia na magkita daw sa building ay nagpunta talaga ako... may gagawin kasi ako ulit sa school mamaya.
Wag na kayong magtaka kung anong gagawin ko.. malamang isang surprice nanaman para sa babaeng napaka espesyal saakin.
Pero dahil sabi niya urgent daw nagpunta talaga ako.. pero hindi naman dahil dun ay wala na akong gagawin ngayon, syempre meron!
"Daniel!" tawag saakin ni patricia na nakikita kong naglalakad pa sa malayuan.
Sinalubong ko naman siya at sabay yakap sakanya... anong urgent ang sinasabi
mo?
"sina---
Bago pa man siya makasagot ay hinarangan ko na ng isang daliri ko ang bibig niya..
"pero bago yan! Ito muna ang tingnan mo"
Sumenyas naman ako sa mga tao na lumabas na sila.. marami sila na nagsilabasan mula sa isang gilid.
Lahat sila ay may hawak na card board at may nakasulat dun..
Tuloy tuloy naman nila na inangat ang mga card board na may nakasulat na
CAN YOU BE MY GIRL PATRICIA LEE GONZALES ??? <3 <3
Tumingin naman ako agad kay patricia na nagtakip ng bunganga.. I'm positive na sasagutin niya na ako... pero hindi ako umaasa..
BINABASA MO ANG
another broken fairytale
De TodoPROLOUGE Natatagpuan nga ba talaga ang pag ibig sa paligid? Minsan nasasalubong mo na di mo lang napapansin minsan nakausap mo na, di mo lang maalala, meron pa ngang nakakatuluyan nila, kababata pa nila, Hindi naman talaga hinahanap ang pag-ibig, da...