CHAPTER 5

26 9 0
                                    

PAT'S POV

Nagising ako kasi naalimpungatan ako ngayong 5:10 am... ang aga ko namang gumising ngayon???!! Tumayo nalang ako kasi hindi naman na ako inaantok. Ang sa pagkakaalam ko ang mga excited lang ang hindi makatulog, except lang kung may insomnia ko diba??

Minsan minsan lang naman ako magising ng maaga, I mean ngayon lang talaga.

Naglakad nalang ako papunta sa banyo para maligo, napatingin naman ako sa sofa kung saan dun natutulog si kev. Halatang halata at bakat na bakat ang katawan niya dahil manipis lang ang suot suot niyang t-shirt.

Konting galaw niya lang ay apektado na lahat, ang ganda ganda ng katawan niya, alagang alaga. Buti nalang at mabait si kev, kasi siya ang nag turo saakin na alagaan ang katawan ko.

Parang siya na ang nagging guide ko.

Pag katapos kong maligo nagpalit nalang ako kaagad.

KEV'S POV

Nagising naman ako kasi pakiramdam ko kanina pa may magulo sa tabi ko. Pagkadilat ko naman ay bumungad saakin ang glorious na mga mata ni pat. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya na napakamahal. Naalala ko pa nung sinamia niya akong bumili ng pabango niya, nag iisa nalang kaya nakipag away pa siya para lang makuha.

Alam niyo kung mag kano?? Wag niyo nang alamin...

Kanina pa ba siya nandito sa tabi ko?

Dito na pala ako nakatulog sa may sofa sa kwarto niya, ang kulit niya kasi kagabi e. gusto niya daw mag movie marathon pero hindi naman siya nanonood, iba iba kasi ang nasa isip niya.

Puro nalang si Daniel, Daniel, Daniel,.. hindi siya maka move on sa ginawa niya, masayang Masaya siya sa ginawa ni Daniel sakanya.. blah blah blah

"good morning kev!!" sabi naman saakin ni pat sakin, masyado naman atang masya ito? Overjoyed? Sa sobrang overjoyed niya maaga siyang nagising?? Haha nice one

"kanina mo pa ba ako pinapanood na matulog?" tanong ko naman sakanya at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"ha? Hindi a! asa ka naman!"

"weh? Di nga?"

"may pagkain na sa baba, baba ka na lang para kain na tayo okay?" palusot niya naman at nag iba ng topic, halatang ayaw niyang sagutin yung tanong ko sakanya. Haha

"ok-ay"

"kev? Anong sched ko ngayon? Marami ba?"

Sasagutin ko na sana siya nang biglang niyang sinara ang pintuan. Bakit naman siya nagmamadali? Puro kasi Daniel Daniel Daniel Daniel Daniel Daniel ang iniisip niya e!! lagi nalang siya!!! Daniel Daniel Daniel blah blah blah!!!

PAT'S POV

s

Nagmadali akong nag sara ng pinto para hindi na siya makasagot, para naman bumaba na siya agad para kumain.... Hindi naman sa umiiwas ako sa mga tanong niya pero sa totoo lang ay kanina ko pa talaga siya binabantayan na matulog, ang cool niya kasi kahit na tulog siya :D

Nag luto lang ako ng dalawang itlog at dalawang ham... its so perfectly cooked.. perfectly overcooked. Haha :D natutong kasi, hindi ko naman sinasadya..

Pero hindi naman maarte si kev e, kakainin niya lahat kahit na tutong man o hindi. Pero syempre hindi siya kumakain ng panis.. tanga ba siya?

"may sched ka sa tita mo ng 8 sharp, nag text din saakin si Daniel na mag lu-lunch kayo mamaya, ipapasyal ka raw niya sa resto ng tito niya, and yung pasok nalang nating hapon sa school yun lang naman sa ngayon" tuloy tuloy na sabi ni kev habang dahan dahan din ang pagbaba niya sa hagdan.

another broken fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon