PAT'S POV
Kinakabahan naman ako sa mga gagawin ni Daniel? Ano bang balak niya at kailangan niya pang ipakilala ako sa tito niya, pero nabanggit niya kasi na wala ang parents niya kaya sa tito niya nalang ako ipapakilala.
"okay ka lang??" si Daniel na nag wave pa sa harapan ng muka ko. Hanggang tenga pa ng ngiti niya saakin.
"am—oo naman! Bakit naman hindi he.he." medyo pa sarcastic ko naming tawa sakanya pero hindi niya napansin.
Sa kalayuan naman ay may namataan ako na malaking lalake na naglalakad may hawak na maraming pagkain, sa tingin ko ay yun na ang tito ni Daniel, good looking a? pareparehas silang lahat, pati nga yung lance kanina ang gwapo niya e. kaya no wonder na gwapo din yung papa niya diba??
"andyan na si tito" nagmamadali namang tumayo si Daniel at nag bless sa tito niya.
"tito!"
"Daniel!! Mabuti naman at nakabisita ka saamin, at may dala ka pang magandang binibini" sabay naman na sumulyap ang tito niya sakin. Napaiwas nalang ako ng tingin sakanila. Nakakahiya naman kasi.
"ahm—oo nga pala! Patricia, siya si tito Jo. Tito Jo siya si patricia."
"nice to meet you patrica! Boyfriend mo ba si Daniel? Naku! Hindi mo pag sisisihan yan! Kasi isang mabait na bata ito!"
"pero hindi ko p---
"laging sumusunod yan saakin! Hind siya marunong mambastos ng babae, hindi din siya palaaway!"
"tito, hindi pa po kam---
"andito siya lagi para tumulong saamin, hindi yan maarte! Pinalaki siya ng mabuti! Hindi rin yan matapobre! At gentleman yan!" buti naman at natapos na siya sa pagsasalita niya naku naman!
"pero tito naman! Nililigawan ko pa lang siya. Kayo naman! Derederetsyo kasi kayong mag salita e!" si Daniel na napakamot pa ng ulo.
"oo nga po, hindi po kami." Maiksi ko naman sabi sakanya
Napatingin naman siya saakin at biglang tumawa
"hahaha!!! Ganun ba? Pero alam ko naman na dun narin yan pupunta!" napasigaw pa siya sa pagtawa niya.
Napayuko nalang ako sa sinabi niya at napatingin naman saakin si Daniel na sobrang lapad ng ngiti, nakakaasar kaya kapag ganun makangit si Daniel saakin, parang may ibang ibig sabihin..
"yan ang gusto ko sayo tito Jo e!"
"sige! Kain na muna kayo! Masasarap yan!, sa ngayon ay libre muna lahat yan! Para sainyo lang!" tinapik naman ng tito niya ang likod ni Daniel. At uluyan ng umalis.
Napatingin naman ako sa mga pagkain, muka naman lahat na masarap... mamahalin na restaurant nga diba? Ano pang inaasahan mo.
KEV'S POV
Ano kaya ang nangyari kay pat? Mag iisang oras na akong nag hihintay dito, pero wala namang lumalabas. Napatingin naman ako sa wrist watch ko. 11:46 na malapit na ang first subject niya. 12:30 pa naman ang simula nun?
Saan naman siya dinala ni Daniel? Hindi manlang siya mag tumawag o magpadala ng text. Hindi niya na ba ako maalala? Nakasama niya lang si Daniel ganun na siya?
RIING RIINGGG!!
Baka si pat na ito!!
[hello? Kevin? Pwedeng magkita naman tayo?]
"hana?"
[pwede ba Kevin? Nasa school grounds ako, kailangan ko lang ng kausap thank you]
"pero hin—
BINABASA MO ANG
another broken fairytale
De TodoPROLOUGE Natatagpuan nga ba talaga ang pag ibig sa paligid? Minsan nasasalubong mo na di mo lang napapansin minsan nakausap mo na, di mo lang maalala, meron pa ngang nakakatuluyan nila, kababata pa nila, Hindi naman talaga hinahanap ang pag-ibig, da...