KEV'S POV
Agad naman akong sumunod kay pat nang bigla niya kong iwan sa gamehouse.. aba malay ko kung san pupunta itong babae na ito.. hindi manlang nagsasabi.. pero bakit muka siyang seryoso..? kanina ang saya saya lang namin tapos biglang ganyan?
Nang sinundan ko siya sa kanyang paglalakad ay napahinto ako sa nakita ko... totoo ba ito? O parang namamalikmata ako... nakikita ko sa isang shawarma house si xam at si Daniel na magkasama.. at ang loko naman! Nagpapasubo pa!
Anong klaseng palabas ba ito? Tanggap niya nalang ba basta basta ang nangyayri ngayon sa relasyon nila ni pat? Anong klaseng lalake ba yan! Walang puso!
Hinintay ko nalang ang susunod na nangyari, ayaw ko munang makisawsaw sa mga usapan nila. Tiyak rin naman na wala akong maiintindihan sa mga ipagsasasabi nila. Pero parang wala namang ginagawa si Daniel.. hindi manlang siya tumayo at lumapit kay pat kahit na nasa harapan nalang nila.. hindi manlang ba siya magpapaliwanag kung bakit niya kasama ngayon si xam?
Ay jusko naman?! Anong nagyayari sa buhay ni patricia! Sirang sira na dahil lang sakanya!
Nang nararamdaman ko na parang naiiyak na si pat ay bigla na akong tumakbo papalapit sa kanya.. alam ko naman na nahihirapan na siya.. ramdam ko.. kahit hindi niya sabihin... nararamdaman ko siya..
At tsaka parang medyo narinig ko rin na binaggit niya ang pangalan ko... pagkarating ko sa tabi niya ay agad ko naman siyang hinila kaya napasandal naman siya sa dibdib ko. Ramdam ko ang init ng pakiramdam niya. Alam kong gusto niya nang sumabog, pero pinipigilan niya lang..
At ramdam ko na rin na medyo umiiyak na siya dahil sa mahina niyang ungol.. nagulat naman ako nang bigla siyang kumalas saakin at biglang tumakbo papalayo.. hinayaan ko nalang siya...
AKWARD.... Alam niyo kung bakit? .....Kasi naman naiwan ako sa harapan ng dalawang engot na ito... nakatitig pa sila saakin... si xam na parang halatang galit na galit kung tumingin... si Daniel naman na parang worried... e ni hindi manlang siya nagsalita nung nagsasagutan sila sa harapan niya tanga!
Naalala ko tuloy yung sinabi ni xam kay pat na magpapakasal na daw sila... totoo kaya yun? Baka naman joke lang para mapaiyak si pat? Ewan ko...
Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Daniel papaalis sa mesa... hindi ko alam kung anong meron dun?! Parang tanga... ano yun? Walk out? Parang siya yung napahiya? Tanga! Ayun... kaya kaming dalawa nalng nung xam ang nandito... walang isang minute ay bigla nalang din siyang tumayo..
"hindi pa ako tapos sainyo!" duro duro niya pa ang kamya niya sa harapan ng muka ko... ang baho ng kamay niya... amoy shawarma na may halong laway ... eeewww
Hindi nalang ako nagsalita at umalis nalang din ako para sundan si pat kung saan man siya nagpunta sa ngayon...
DANIEL'S POV
Pagkatapos ng mainit na palabas na iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Except lang yung nagawa kong pagittig nalang sakanilang dalawa na nagaaway.. hindi ko kasi alam kung anong unang salita ang sasabihin ko kay pat.. parang sa tingin ko, walang kapatawaran ang ginawa ko saknya...
Sabi ko na nga ba kasi may plano lang na masama si xam e.. sana hindi nalang ako sumama sakanya... pero ang major problem ko ngayo talaga ay ang kung paano ako makakabawi kay pat... babawi pa ba ako? May lakas pa ba ako nang loob para magpakita saknya? Papatawarin niya ba ako?
Marami akong tanong sa utak ko habang may nagsasagutan sa harapan ko kaya hindi na ako nakapagsalita... angp pinakanakakagulat lang talaga na nasabi nix am ay yung MAGPAPAKASAL NA DAW KAMI!!! Wtf lang?..
Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ilalabas ko sa muka ko nung narinig jkong sinabi yun ni xam sa harapan naming dalawa ni patricia.. alam kong masakit para sakanya yun... pero hindi kasi ako handa para makapagreact.
BINABASA MO ANG
another broken fairytale
RandomPROLOUGE Natatagpuan nga ba talaga ang pag ibig sa paligid? Minsan nasasalubong mo na di mo lang napapansin minsan nakausap mo na, di mo lang maalala, meron pa ngang nakakatuluyan nila, kababata pa nila, Hindi naman talaga hinahanap ang pag-ibig, da...