CHAPTER 14

23 9 0
                                    

PAT'S POV

Nasa harapan na kami ng resto na tinext saakin ni Daniel. Pero ilang minuto na ang nakalipas ayaw ko paring bumaba.. nate-tense ako sakanya. Parang gusto ko nalang sumabog. Kakaiba kasi yung feeling..

Tsaka ang masama pa dun.. nandito kami sa resto kung saan nakipagbreak saakin si kit. At hindi lang si kit ang nakipag break sakin dito sa restaurant na ito marami na!. kaya ba pinangalanan na heartbreak resto ito?!!! Ipasara ko ito e!

"baba ka na! kanina pa tayo andito. Hindi naman ako aalis, hihintayin kita kahit anong oras pa kayo matapos ni Daniel na mag usap diyan" si kev na kanina pa naiinip saakin. At kanina pa din siya nag kakamot ng ulo niya dahil saaakin. Aba! Maghintay lang siya! Hindi naman siya yung makikipagkita e!

"saglit lang just another minute"

"anong just another minute?! E hindi ko nga alam kung ilang beses mo nang sinabi yang just another minute mo e! kanina ka pa nag de-delay!!?"

"oo na! oo na! bababa na o!" dahan dahan ko namang binubuksan yung pintuan ng sasakyan pero nakatingin parin ako kay kev, para ipamuka sakanya na aalis na ako, nag taas pa ako ng isang kilay sakanya.

"bye"

Pagkapasok ko palang ng pinto ay nakita ko na agad si Daniel na nakaupo sa may mismong first table for two, hay salamat at dalawa lang kami... akala ko may dadalhin siyang babae.

"patricia!" tawag naman saakin ni Daniel at inalalayan akong maupo sa harapan niya.

"ahmm.. may kailangan ba tayong pag usapan Daniel? Bakit kailangan ngayon pa tayo mag coffee at dito sa lugar na ito." Cool ko lang na sabi sakanya.

"ahm.. kasi alam mo patricia..."

"alam mo din daniel kung may balak kang makipaghiwalay sakin, okay lang naman pero sana naman yung rason mo e sapat para nga maghiwalay tayo!!" dineretsyo ko na siya kasi ayoko ng paligoy ligoy na usapan.

"haha.. alam mo parehas talaga kayo ng ex ko? Kasi ganito din yung reaksyon niya nung niyaya ko siyang mag coffee. Ganyan ba talaga ang reaksyon ng mga babae kapag niyaya silang mag coffee ng mga lalake? Parehas pa kayo kung manumit. Kaya nga lagi kong naaalala yung ex ko sayo e.." nagulat naman ako sa sinabi niya kasi bakit niya ba ako kino compare sa ex niyang bulok. At kahit naman na Makita ko yung babaeng yun alam ko naman na mas maganda at mas sexy parin ako..........

"ha?" sabi ko lang sakanya at nagtaas ng isang kilay

"I mean.. hindi naman ako makikipag break, bumabawi lang ako sa pag alaga mo saakin kahapon." Tatawa tawa niya pang sabi sakin. Nagmuka pa tuloy akong maldita kanina.

"ganun ba?!"

KEV'S POV

Antagal naman nilang matapos na mag-usap, hindi naman talaga makiki pag break si Daniel kay pat e, masyadong nag iisip lang si pat ng hindi maganda masyado siyang nag ju-jump sa conclussion. Nakakatuwa nga siya kaninang umaga e. hindi ko lang mailabas yung tawa ko nung nasa loob ako ng kwarto niya kasi baka ma-offend siya. Pero pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto niya ay hindi ko na napigilan ang pagtawa. Hindi ko lang alam kung narinig niya yun.

Nagmuka siyang desperada sa ginawa niya e. at hindi lang yun!?! Nag muka pa siyang insta tanga! Haha. Ang sama kong kaibigan ano? Ang sama ko pang guardian.

Sa di kalayuan naman ay nakikita kong naglalakad si pat na ka-eskort si Daniel sa tabi niya, Masaya pa silang nag-uusap. Muka naman wala silang problema ano?

"kev tara na?" hindi ko napansin na wala na pala yung tinititigan ko sa malayo kasi nasa harapan ko na sila. Masyado na akong out of my mind. Lumilipad sa malayo ang isip ko... grrrr

another broken fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon