CHAPTER 4

28 9 0
                                    

KEV'S POV (continuation)

"Kevin" kalma naman niyang tawag saakin pero hindi ako sumagot agad, kasi kinakabahan pa rin siya. Narinig ko naman siya na nag buntong hininga ng ilang beses.

"pwede bang magpatulong sa yo kay patricia? Sa tingin ko naman ay hindi kayo..... at kuya lang ang turing sayo ni patricia, kaya kung pwede lang naman sana ay .... Ay tulungan mo akong manligaw sakanya."

Hindi naman ako kaagad na nakaimik sa sinabi niya, bakit kaya hindi manlang niya yun inisip kanina para marinig ko naman sana at para may idea naman ako na ganito pala ang gagawin niya. Actually wala akong balak na tulungan siya kasi ayaw ko... pero wala akong magagawa... alangan naman kasi na sabihin kong ayaw ko.

Baka pagkamalan niya pa ako na may gusto kay pat. Nakakahiya naman yun. Gusto niya si patricia. Matagal ko nang alam yun pero liligawan siya? Ngayong araw na ito na kakakilala palang nila? Grabe naman!!

"ah—dipende sayo kung ano ang gagawin mo" mahinhin ko namang sabi ko rin sakanya. Nakita ko naman na medyo nabawasan na ang tension sa muka niya, hindi gaya ng kanina na halos hindi na siya maikatingin saakin.

"ang plano ko lang naman ay punuin ng sticky notes ang sasakyan niya ng "sorry I didn't mean to do that" tutulungan mo ba ako?" tanong naman niya saakin sabay taas ng kilay.

"eh bakit ba sorry? May nagawa ka ba ha!" sabi ko naman sakanya na dahan dahan ang paglapit sakanya, napansin ko naman na unti unti din siyang napapaatras.

"eh—kasi—

Halatang kinakabahan siya.. at marami siyang inisip .. may inisip siya na halikan damit ipis at marami pang iba sa hinaba haba ng inisip niya ay naintindihan ko na rin.

Parang hindi naman niya sinasadya lahat.

"kasi hindi ko namn sinasadyana napatingin sa kan---

"oo alam ko" maiksing sagot ko nalang sakanya kasi nabasa ko naman na sa isip niya lahat yun.. uulitin niya lang lahat ng inisip niya.. kumbaga praktis lang yung nasa isip niya.

"pa-paano mo nalaman?" tanong nanaman niya saakin na parang nagtataka at napatagilid niya pa ang ulo niya.

"basta, ano nga ba ulit ang plano mo?" tanong ko nanaman sakanya.

"e, pupunuin ko ng sti...................

Hindi namn na ako nag taka kasi meron na agad na sticky notes sa bag niya na nasulatan na rin ng mga sorry blah blah blah.... Parang prepared naman ata itong mokong na ito.

Halatang pinagisipan ang lahat ng gagawin niya a! pero parang desidido naman siya. Tinulungan ko nalang siya na magdikit ng mga sticky notes sa buong sasakyan ni pat. Pati narin ang pag lagay ng mga flower petals simula sa classroom hanggang sa sasakyan.

Umuwi lang din siya saglit para mag palit, nagmadali talaga siya kasi less than an hour ay uwian na.. nag bayad din siya ng mga tao para mag assist sakanya papunta sa sasakyan na may hawak na red roses bawat isa at isa isang papael kung saan may nakasulat na mga salita. Hindi ko na pinakealam kasi malalamn ko lang din naman.

20 minutes nalang ang hinihintay at maguuwian na din. Wala pa si Daniel.. ang tagal naman niya! Naging alalay pa ako ng wala sa oras!

Tapos nang naayos lahat at nakapwesto na din lahat ng mga tao na nasa kanya kanyang pwesto Nandito na rin si Daniel na naka tuxedo pa... anong klaseng panliligaw ba ito?

Masyado naman ata niyang pinag gagastusan.... Pero mas maganda na ito... alam ko na hindi niya pababayaan si pat..

Nakapwesto naman si Daniel na nasa likod ng sasakyan na may hawak na isang boquet ng bulaklak. Ako naman ang mag hihintay sa mismong labas ng klasroom nila kasi susunduin ko siya.

another broken fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon