chapter 17 - senior life :)

4 1 0
                                    

Umaga na pala *hikab . Hayssss antok pa ko *inat ng braso at binti.

Makaligo na nga baka sakaling mawala yung antok ko. Pumasok n ko sa banyo at naligo. Bago ako magbuhos tumingin muna ako sa salamin at sinipat sipat pogi kong muka.

"Ilan na naman kayang babae ang magkakagulo sa gwapong mukang to?!" Sabi ko habang hawak hawak yung chin ko at pangisi ngisi ng parang kay lucifer.

.
.
.

Pagkatapos ko maligo nag ayos na ko. Dahil mabait akong bata, di ako nakauniform haha. Ok lang yan first day naman eh.

After ko magpapogi lumabas n ko ng kwarto at nag almusal. Bawal magutom ngayon. Mahaba haba yung speech ni lolang principal namin kasi nga 1st day.

"Ma alis na po ko"
Lumabas yung mama kong maganda sa kwarto nya. Binigyan nya ko ng 50pesos at kasunod nun nagmano na ko.

.
.
.

SCHOOL....
San ko ba hahanapin mga baboy kong tropa? Naglakad lakad muna ako sa ground, baka sakaling makita ko. Hanggang sa may mahagip ako ng mata ko

"Hellllloooooo MA-E" bungad ko sa kanya nung nakita ko syang nakaupo sa corridor ng school at binigyan ko sya ng isang malawak na ngitttttiiiii. Syempre good vibes dapat kahit number1 at nag iisa ko syang enemy sa school. MA-E na tawag ko sa kanya simula nung nag fourth year kami. Magkahiwalay po yan ah. As in tagalog yung basa. MA-E .. ganda diba? Ang unique. Hehe

"Ang aga aga panira k ng araw" masungit na sabi nya. Hayyyssss di pa rin nagbabago. Umupo ako sa tabi nya.

"Ok lang yan. Di n naman tayo magkaklase eh. Di ko na makikita araw araw yung nakabusangot mong muka, section A ka na eh. Nakita ko dun oh" sabay turo dun sa listahan ng names na mga nakalagay sa may pinto ng bawat rooms.

(_ _")

"Ah sige MA-E babay :) magbabait ka dun ha. Tsakaaaaaa...... mamimiss pala kitang kaklase" malayo na yung natakbo ko nung maisip ko yung sinabi ko kay MA-E.

Napatigil ako bigla sa pagtakbo.

Hala ka. Ano yung nasabi ko. Tsk.. bakit ko sinabing mamimiss ko yun. E mas maganda nga na di ko na sya classmate eh. Tsk.

.
.
.

Nagpunta na muna akong canteen para bumili ng tubig at nakita ko n rin don sina roan at majoy. Si majoy, tibo din to haha. Remember nyo nung 3rd year kami? Kasama sya sa 1000bratz n pinakilala ko sa inyo kaya lang di namin sya masyado nakakasama non e. Puro aral kasi, di mo makausap ng maayos kasi puro libro at notebook kaharap.

Ewan ko lang ngayon. Haha. Mukang nawalan n ng pag asang makakapunta sya sa section A kaya sumama na samin. Masaya naman kase kahit lower section e. Magulo ,maingay , makulit. Compare sa section A ,puro aral mga estudyante dun. Heheh

"Tol ,panghe. Musta bakasyon?" Tanong ko sa kanila.

"Tragis ka bantot ang tagal mo" reklamo ni roan. Nagbeso beso naman kami ni majoy. Pero hindi yung cheeks to cheeks ah.. yung hawak sa kanang kamay tapos tapik sa balikat. Yun. Hindi yung pangbading na beso. Haha

"Bahay lang ako tol. Ikaw?" Tanong ni majoy

"Bahay lang din. Ano ? Pagod k n mag aral? Hahah sabi ko naman kase sayo section B talaga destiny natin apat e haha" sabi ko sabay tapik sa balikat nya.

"Haha oo nga kala ko mapapapunta n ako section A ngayon e ,painum nga" natatawa nyang sabi sabay hablot nung hawak kong mineral. Haha ganyan kami parang magkakapatid.

past's love VS. bestfriend's love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon