Araw ng lunes. Maaga akong gumising. Hehe
Panibagong araw panibagong buhay.
Dahil sa maaga ako nagising maaga din ako nakapasok. Goodvibes lang ako. Yung mga ginawa namin? Usual lang din. Aral. Lecture si teacher,sulat sa board, quiz. Hehe ganyan lang maghapon. Tapos konting chikahan sa mga classmates.
.
.
.Di ko ata nakita yung tomboy maghapon ah. Pagdating ko sa bahay nagbihis agad ako. Kinuha ko yung phone ko. Baka sakaling may nagtext. Kaya lang wala naman.
Hayssss ang boring naman. Gabi na rin nun boring pa rin ako. Kinuha ko na lang ung libro ko at nagbasa, pampalipas oras din.
.
.
.After 3days, wala pa rin akong nakikitang pau sa school. Di na ba sya pumapasok?? E kung itanong ko na lang kaya kay honey???
Waaaaa t.t
Ayoko syang mamiss pero namimiss ko sya. Yung pang aasar lang nya sakin actually. Yung muka nya dun sa bintana nung room nila tuwing umaga, tanghali at recess. Tapos lagi syang sumisigaw ng "HI MA-EEEEE" pag nakikita nya ko, tapos abot sa tenga yung mga ngiti nya. Pati yung mga mata nya nakangiti na rin, tapos ako inaasar ko naman sya ng PAULANG hanggang sa mabwisit kami sa isat isa tapos tsaka lang kami titigil.Tuwing recess lagi akong nakatingin don pero wala akong nakikita miski anino nya. Hmmm kamusta n kaya yun? Di ko naman sya matyempuhan sa room nila na vacant sya pag sumisilip ako.
"Plak plak!!!!"
Si honey!!! Pinalakpak nya yung dalawang kamay sa harap ko."Anooooo??? Namimiss mo na?"
Hah? Namimiss? Nagulat naman ako sa tanong nya."H-hindi no?" Nauutal na sabi ko kahit miss ko na nga sya. Pero ayoko kasi talagang mainlove sa tomboy ehhhhh . Kaya pilit ko tinatanggi sa mga friends ko.
"Oo nga no? Pansin ko di ko na naririnig na sumisigaw ngayon yang si MA-E . Kamusta n nga pala si paula honey?" diniginan pa talaga nya yung pagkasabi nya ng ma-e. Loko tong si mike.
"Ahhh ayus lang yun. Nag aaral" sabi ni honey tapos nakita ko na tumitingin sila sakin habang pinag uusapan nila si tomboy.
Tsk!!! Parang nakakaamoy na tong mga to ah. Kelangan mas galingan ko pa sa pagtatago ng feelings
(CHECK !!!! ) kanina pa check nang check tong sila mike ah. Di naman kami nag eexam tsk . Mga buang n siguro
Di ko na lang pinansin at tinuloy ko na lang pagkain sa sandwich
.
.
.After a week.....
Nagrerecess kami nila honey. Naglalakad na kami ngayon papasok sa room tapos nung napadaan kami sa room nila tomboy nakita ko sya. Pero nakikinig sya dun sa teacher nila. Gusto ko sana sya kausapin pero nakakahiya naman kung ieexcuse ko pa sya..
Waaaaaaaaaaa. Dapat hindi ako ganto eh. Dapat hindi ako nalulungkot. Kasi ginawa n nya yung gusto ko. Hindi na sya nagpapakita sakin kagaya nung sinasabi ko sa kanya lagi. Pero bakit hinahanap hanap ko sya? Hinahanap nung tenga ko yung nakakairita nyang boses. Hinahanap nung mata ko yung nakakatawa nyang muka pero cute. Hinahanap ng kamay ko yung paghampas ko sa kanya everytime na mabubwisit ako sa kanya
.
.
."Uy. Ayun si paula oh" - thea
"Oo nga no? Iexcuse natin daliiii " - honey ..
"Iexcuse mo na ajie . Dibaaaa namimissss mo naaaa?" - thea. Ano ba tong mga to?"Anong namimiss kayo jan? Di ko namimiss yan. Buti nga payapa na pag aaral ko ngayon eh. Wala nang nambubwisit sakin. Tara na ngaaa!!!!"
Sabi ko tapos nakasimangot
BINABASA MO ANG
past's love VS. bestfriend's love?
Acakposible bang mainlove si girl bestfriend kay les bestfriend na hindi na naniniwala sa true love? ano ang mas magiging matimbang? si past love? o yung tinatawag natin na bestfriend's love note : may ilan pong totoo sa mga scene dito may ilan naman na...