AJIE'S POV....
Nagising na lang ako ng parang may malamig na dumadampi sa katawan ko. Minulat ko na yung mata ko at medyo naaninag ko na yung malaking bagay. Psh! Tao pala to. Pero sinu to? Huling natatandaan ko naglalakad ako palayo sa tomboy na yun ah.
O________O minulat ko n ng todo ung mata ko. Nakita ko si honey.
Inilibot ko paningin ko. Di namin to bahay ah
"Honey? Nasan ako?" Tanong ko kay honey habang pinupunasan pa rin ako nung towel na basa na nilubog sa yelo.
"Bahay namin. Ok ka na?" Tiningnan ko agad yung oras sa wristwatch ko.
7:00pm pa lang . Hays buti na lang. Kala ko umaga na e.
"Bat ako napunta dito?" Tanong ko at bumangon sa pagkakahiga. Nakaupo na ko ngayon sa kama
"Lasing na lasing ka kanina. Hinatid ka ni bes dito" ayssshhhh napataklob na lang ako ng muka ko gamit yung mga palad ko.
"Hi-hinat-tid nya k-ko? Nauutal na tanong ko.
"Oo. Bat ka ba kasi nag pakalasing. Anong nangyare?"
"Ang natatandaan ko lang e...........
*flashback
Nilulunod ko ngayon sarili ko sa alak. Wala kong pakialam kung sinu mang pumigil sakin. Kasi naman yung tomboy na paula na yun.
Sigaw sigawan ba naman ako? E sa naaalala ko nga sa kanya yung ginawa samin nung tomboy na jowa ng ate ko eh.
Tapos....
Itong uno na to pa? Feeling close talaga eh boset. Onti na lang pupukpukin ko na to ng bote sa ulo. Inis ininum ko ulit yung nakikita ko na binibigay saking baso nung katabi ko..paubos na rin namin yung 1liter ng emperador lights. Medyo tipsy na rin ako. Pero dun naman talaga punta ko diba? Sa pagkahilo at pagkalasing. Kaya nga ko umiinom e.
.
.
.Binibigyan pa ko nung uno ng isa pang shot. Pero gustong agawin nung tomboy. Tsk. Pati ba naman yung shot ko? Aagawin nya?
Tinapik ko yung kamay nya at mabilis na kinuha yung baso na hawak ni uno.
"Pag sinabi kong kaya ko pa. Kaya ko pa. Bat ba nangengealam kang tomboy ka?!!!!"
Yun sinabi ko sa tomboy sabay inom nung alak sa shot glass. At mukang napatigil ko naman sya. Ayun tumahimik. Hindi ko alam pero naiiyak na naman ako. Ipinatong ko na lang dalawang siko ko sa lamesa tsaka nangalumbaba at pumikit. Umiyak ako ng walang nakakarinig, nang walang luhang pumapatak sa mata ko. Basta nakapikit lang ako .
Kung ano ano yung naririnig ko habang nakapikit ako. May mga usapan na hindi ko naman maintindihan, mga tunog ng bote na nagkikiskisan na sobrang sakit naman sa tenga habang kung ano anong ginagawa dun at kung ano ano pa.
Nung nagmulat ako . Naramdaman kong parang may gustong kumawala sa sikmura ko. Parang something na gustong umahon mula sa sikmura ko papunta sa bibig ko. Nung hindi ko na kaya, tumayo na ko at inilabas lahat ng pagkain at likidong ininum at kinain ko kanina.
Nung nasuka ko na lahat at babalik na ko sa cottage tumayo na ko, pero hindi ko inaasahang matutumba ako, inaantay ko na lang na bumagsak yung katawan ko sa buhanginan pero hindi nangyari yun.
May humawak sa bewang ko at pilit nya kong dinadala palayo dun sa cottage. Wala na kong magawa kundi sumunod kase hinang hina nako.
"Babe alam ko gusto mo rin ako" bulong nung lalaking nakahawak sakin
BINABASA MO ANG
past's love VS. bestfriend's love?
Diversosposible bang mainlove si girl bestfriend kay les bestfriend na hindi na naniniwala sa true love? ano ang mas magiging matimbang? si past love? o yung tinatawag natin na bestfriend's love note : may ilan pong totoo sa mga scene dito may ilan naman na...