chapter 5

8 0 0
                                    

...
3rd year na kami. Wohoooo sa wakas. Konting kembot na lang.

"Biscocho, paula denise" halos maluha luha akong nagpaalam kila honey, mike at thea nung tinawag pangalan ko na kabilang sa section B. Wala akong magawa. Tss :( sobrang lungkot. Yung tipong di na kami magkakasabay magrecess kase magkaiba oras namin. Pero sana kahit sa lunch magkasabay sabay pa rin kami kahit minsan.

...

Nakakalungkot talaga. Nag aaral naman ako mabuti pero bakit sa section B ako napunta. Buti nga magkatabi lang yung room ng section A at section B e. Pwede pa ko sumilip silip sa kanila sa loob pag vacant. Hehe

"Ok class i will be your adviser for the whole year MR. ALBERT ANTIVEROS" nung una naiiinis kami sa kanya kase sobrang pilosopong teacher. Minsan nababastos na rin namin sya, halos walang gumagalang sa kanya. May time nga na gusto nya na gumive-up sa section namin kase worst section daw kami. Malas ko naman kase lagi na lang kasama ako sa sinasabihan ng worst section. Pero proud ako sa taong to kase natiis nya kami. At habang tumatagal naman unti unti na nya kaming napapatino lahat at napapamahal na rin kami sa kanya.

...

Christmas party ata yun ng nag iyakan kami lahat pati adviser namin. Pagpapasalamat , paghingi ng tawad at pagpapatawad ang nangyari bago matapos christmas party.

...

At habang tumatagal din parang unti unti ko n di napapansin na magkahiwalay pala kami ng section nung mga kaibigan ko nung 2nd yr. Kase sobrang dalang talaga namin na mag usap. Kung makapag usap man ,wala pang 5mins kase kapos sa oras. At isa sa naging dahilan ko ng pagngiti ay yung mga bago kong nakilala na kaibigan, sila MARYJANE, RHOAN AT MARYJOY .. puro matataba yang mga yan haha.
Sir albert use to call us 1000 bratz tuwing nakikita nya kami na magkakasamang apat. You know why 1000? Hahaha
. Ako kase payat  ako daw yung 1 tapos ung tatlong mataba kong friend sila yung mga zero. Haha. Yun ang history don.

...
...
...

"Huyyyy naninilip k n naman jan!!!" Sigaw sakin ni jane (pero mas sanay ako n natal tawag ko sa kanya, Natal surname nya) nung nakita nya ko na nakasilip n naman dun sa maliit n butas ng pader sa pagitan ng room namin nila honey. Minsan kada tapos ng isang subject dito kami nag sisilipan. Nag uusap sa pamamagitan lang ng mga mata at kumpleto na araw ko, ewan ko lang si honey. Haha.

"Ang ganda nun piggy" tawag ko kay natal yun piggy hehe.

"Alin baga jaan?" Tanong nya at sumilip din sya.
"Yung singkit na babae. Sa front sit" sabi ko sa kanya habang sya nakasilip p rin don sa butas. Di ko alam kung nakita n b nya tinutukoy ko.
"Ay si panie yun e. Tropa ko yun tol. Stephanie garcia name taga bayuin. Haha ganda ng tropa ko noh?" Pagmamalaki nya. Hehe sabagay maganda nga talaga. Aaminin ko crush ko sya. Hehe unti unti ko na rin kase kinalimutan yung pagtingin ko kay honey kase alam ko naman n di maaari. Bukod sa may gusto syang iba, mag bestfriend pati kami.
Binigyan ko lang naman si piggy ng isang makahulugang tingin at ngiti.

...

"Honeybes, kaclose mo yung stephanie?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Sabay kase kami ngayun umuwe. Haha. And take note inintay ko sya makatapos maglinis ng room. How gentleman of me. Haha
"Hmmm, medyo lang bakit?"
..
"Ahh wala, mabait ba yon?"
Tanong ko agad
"Oo ata. Eh bakit nga?" Naguguluhan nyang tanong.

..
"Ah wala nga" sabay kamot ko sa batok. "Nung isang beses kase n sumilip ako dun sa butas, sya una napukaw ng tingin ko. Hehe" nahihiya kong paliwanag sa kanya. Ok lang yan bestfriend ko naman sya e. Haha

past's love VS. bestfriend's love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon