Chapter 1

9.8K 230 24
                                    

Chapter 1 : Blue Eyes

Dilim.

Ito na ang lagi kong kasama buong buhay ko. Isang patpat ang nagsisilbi kong mata sa daan. Nagpapasalamat ako sa diyos dahil binigyan niya ako ng buhay, iyon ngalang may nakalimutan siyang isang bagay.

Ang bigyan ako ng kakayahang makakita.

Ngunit kahit ganun hindi ako kailanman nagreklamo. Dapat nga magpasalamat pa ako. Iyon ang laging itinuturo sa akin ng tumayo kong Ina sa bahay ampunan.

Righ. I'm an orphan, ang mga madre ang nagsilbi kong Ina, samantalang si Padre Sidro ang tumayo naming ama. Busog kami palagi sa kanilang pangaral, nakatutuwang marinig ang mga turan nila sa Diyos.

Nuong tumungtong ako sa edad na disi otso ay talagang nakakalungkot, kinailangan kong umalis para sanayin ang sarili kong mabuhay mag-isa. Isa iyon sa patakaran ng bahay ampunan.

Wala akong nagawa kahit na malaki ang pagtutol ko.

Hindi ko alam kung saan magsisimula lalo na't bago sakin ang lahat, hindi maiwasang mapagtripan sa kalye, naranasan ko ding matulog sa lansangan kahit na alam ko namang delikado lalo na't isa akong babae.

Duon ko napagtanto na mahirap pala talagang mabuhay mag-isa lalo na't mayroon akong kakulangan. Naka panghihina ng loob kung minsan, pumasok pa sa isip ko kung ano ang pakiramdam nang may pamilya.

At that point, I just wanted to give up, but it seemed that the kindness of the heavenly God wanted me to continue. Sobrang tuwa ko ng bigyan niya ako ng isang taong maituturing ko ng pamilya.

"Rin, handa na ang hapunan, pumarito ka na."

Ang kanyang pangalan ay Cyron. Mas bata siya sakin ng ilang taon. Tulad ko, namumuhay din siyang mag-isa. Walang pamilya at kasama.

Naka panlulumong isipin na sa murang edad ay hasa na ang isip niya sa takbo ng buhay, dapat ay laruan ang kanyang kapit imbis na sandok at sako sakong bigas sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Masipag si Cyron at humahanga ako sa kanya.

"Linggo ngayon ibig sabihin ay free day, gusto mo bang manuod, Rin?!" kung nakikita ko siya ngayon ay malamang ang kanyang itsura ay nasasabik, ganun din kasi ang kanyang tono.

Hindi ako itinuturing na bulag ni Cyron, palagi niya rin akong inaayang manood ng kanyang paboritong laro, ang basketball. Ang dahilan niya hindi man ako nakakakita'y naririnig ko naman.

'Nakakatuwa talaga siya'.

"May laban ang paborito kong team sa basketball, kahit malayo ako at nanonood lang gusto ko silang i-cheer, Rin! Sobrang gagaling kasi ng mga iyon kahit na pulos babae!" Ganun na karami ang kanyang nasabi, tango't ngiti naman ang aking sagot.

Narinig ko ang bahagya niyang hagikgik, nagtaka ako. "Rin, hindi ka naman pipi pero daig mo pa ang isa." Siguradong naka nguso na siya ngayon. "Simula nung nakita kita ay iyon palang ang unang beses kong narinig ang iyong tinig." Ngiti lang ulit ang naging tugon ko. Bumuntong hininga naman siya ngunit alam ko na, nagdadrama na naman si Cyron.

"Riiin! Nakakapangal umusal mag-isa, mag salita ka naman pleeeease!" Napaka drama niya talaga, araw araw na ay ganito siya. Naging mahinhin ang pagtawa ko, napaka OA naman kasi ng please niya, sobrang haba nun. "Hays, minsan iniisip ko nalang na isa kang anghel. Mula sa anyo, maging sa pagtawa at pag galaw. Lahat ay mahinhin." Sobrang daldal niya, kung ano ano na ang lumalabas sa kanyang bibig.

Kahit na dalawa lang kami sa kahoy naming bahay ay pakiramdam ko napakarami kong kasama. Cyron is talkative, palaging maraming energy sa lahat ng bagay tuloy ay hindi natatahimik ang buong bahay.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now