Chapter 9

3.2K 107 1
                                    

Chapter 9 : Cyron's Friend

"Seirin!"

Nag-angat ako ng ulo, nagtataka kung bakit naririto si Cyron sa convenience store. Itinigil ko ang ginagawa, oras na ba ng kanilang uwi? Sa hula ko'y mag-aalas-dos palang dahil kanina lang kami nag lunch.

"Seirin, hintayin kita hanggang time mo." Usal nito, ano? Huwag mong sabihin nag-ditch siya ng klase? Nalukot ang kilay ko sa isiping iyon. "Oh, bakit nangungulubot kilay mo? Hindi ako tumakas sa klase 'a."

"E, bakit naririto ka? Alas-kwatro pa ang uwi n'yo." Naramdaman ko ang pagtabi niya sa'kin. Mayroong customer kaya ginawa ko ang trabaho habang hindi nawawala ang attention sa kanya.

"May inaasikasong special event sa school, maaga kaming pinauwi. Malapit narin kasi ang festival kaya medyo busy ang mga teachers.." Paliwanag nito, nakaka intindi akong tumango. Alam ko namang hindi magagawang tumakas ni Cyron, nais ko lang malaman ang dahilan niya.

"E, dapat pala diretsong umuwi kana para makapahinga."

"Gusto kong maka sigurong maka-uwi ka sa oras.." natigilan ako at napa labi ng may maalala. "Nag-aalala ako kasi nitong mga nakaraang araw, madalas ka nang umuwi ng gabi. Sino ba kasi 'yang Axy na friend mo?"

Tatlong araw na rin ang nagdaan matapos nung huling kita namin ni Axy...

Kilala na ni Cyron si Axy, na kwento ko kasi na sumama ako sa kanya nung araw na ginabi ako umuwi. Pero hindi ko ikinwento ng buo, ewan, pakiramdam ko dapat sarilihin ko na lang muna ang pangyayaring 'yon.

"Ipapakilala kita pag nagkita ulit kami, Cyron."

Hindi ko ngalang alam kung paano aakto sa harapan niya, nahihiya ako sa huling encounter namin the last time, kahit na dapat nga hindi ko 'yon maramdaman. Isipin ko panga lang ang nangyari, katakot-takot na pagtalbog na sa puso ang dinarama ko.

Kakaiba talaga, nuon naman hindi ganun ang epekto niya sa puso ko. I was thinking if I had a heart problem because everytime there's a chance, everytime she's near, everytime I felt her presence, everything seems in chaos, especially my heart that is always pounding so insane.

May dalawang klase ng ritmo, isang nagagalak at nananabik at isang hindi maintindihang sakit. I was thinking if that was a good sign for me, ngayon lang ako nakaramdam ng ganun, talagang bago sa akin. At hindi ko alam kung tama bang patuloy ko iyong maramdaman.

"Oh, Cyron!"

"Uy, Miss Rez!"

"Hinihintay mo si Seirin?"

"Oo, sabay kami uuwi.."

"Naks, sweet.."

Iyon na ang parehong maingay na bunganga ni Cyron at Rez, nagbalik tuloy ako sa sarili. May inasikaso si Rez sa storage room kaya ngayon niya lang nabati si Cyron. Habang si Joy naman, wala nag day off. Siguro nagka problema na naman sa lola't lolo niya.

Since the night Rez got drunk, we haven't talked about what happened. Simula din nung bumalik siya sa pagtatrabaho mukhang naging maayos naman siya pero ramdam ko padin ang tamlay.

Buti nga hindi na gaano ngayon..

"Ay siya nga pala, malapit na birthday ko. Invited kayo ha.." ramdam ko ang pagdaan ni Rez sa likod ko at pumwesto sa cashier.

"Uy! Advance happy birthday na agad!" Natawa si Rez sa kakulitan ni Cyron, napa ngiti naman ako. Mukhang excited ito, ganun ang tono niya.

"Kulit mo, Cyron.."

"Cute talaga ko.."

"Ay, nabingi ata ako.."

"Grabe ka naman.."

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now