Chapter 11 : Drooling, Beating, Singing,
"Seirin.." Yakap yakap ako ni Cyron sa baywang habang umiiyak, kanina ko panga inaalo. Malamang ay nagulat lang siya sa nangyari, 'non lang kasi kami naharap sa ganun.
Masakit parin ang katawan ko pero hindi na gaano, mas masakit ang pisnge kong nasampal kanina, mukhang nagka-sugat pa ang gilid ng labi ko.
"Cyron, tahan na.." Mahinang usal ko.
Gumalaw siya at humarap sakin. "Kasalanan ko e, dapat hindi nalang kita iniwan dun..." Umiling-iling ako.
"Hindi naman natin alam na mangyayari 'yon, huwag mong sisihin ang sarili mo, pakiusap, Cyron.."
"How can they do this to someone soft and precious like you.." bulong niya, humihikbi. "Gustong-gusto ko silang balikan, gawin lahat ng ginawa nila sayo.." Dumapo ang palad ko sa kanyang pisnge at marahang umiling, tumututol sa kanyang sinabi.
"Cyron, masama ang manakit.. Ipagpaubaya nalamang natin ang lahat sa karma.."
Hindi ko nais na mangyari ulit ang nangyari kanina, walang madudulot ang pananakit, maging ang galit. Kung maaari, hayaan nalang naming karmahin ang mga taong iyon..
"You're so delicate, Rin.. That DeLuca doesn't deserve your mercy.."
Bumalik siya sa pag yakap sakin, parang batang ayaw masaktan ang magulang. Natutuwa naman akong pinigilan niya ang mga ito, iyon ngalang ang paraan niya hindi ko nagustuhan.
Alam ni Cyron kung gaano kong iniiwasan ang ganito. I hate violence of all thing. I just can't stand it, masyado akong mahina para sa ganung bagay.
At dahil sa naranasan kanina, tila mayroong isang pagkatao ko ang nagising sa akin. It's frightening, ang isang bagay na kinaiiwas iwasan ko dumating sa puntong 'to.
"Cyron, as much as I don't want to disturb you but Seirin needs to change her clothes.." Boses iyon ni Seven, nasa malapit. Hindi naman tumutol si Cyron at agad na lumabas kasama si Seven.
Nuon ko lang naalalang hindi pa pala ako nakakapagpalit, kaya pala ang lagkit. Dito ako sa clinic ng school dinala matapos kong mawalan ng malay kanina.
Bumuntong hininga ako, ang dali ko talagang manghina..
"Roku.." Nagbalik ang diwa ko, bumaling ako kay Axy. "Come on, you need to change.." Sumunod nalang ako ng alalayan niya akong tumayo at dalhin sa banyo.
"Axy.. ano.. ako na." Bigla akong nahiya ng tatalian niya sana ang buhok ko, pero as usual wala na naman ang nagawa, basta't gamitin niya ang maotoridad niyang tono palagi nalang akong talo.
Umalis siya sandali sa harap ko, hindi naman ako kumilos kasi iyon ang bilin niya. Nais ko mang tumutol ay wala akong magagawa, mas makulit pa siya sa makulit.
Maya maya'y nasa harapan ko na siyang muli, isinandal niya ako sa sink. Naitukod ko dun ang mga kamay habang naka tingala sa kanya at hinihintay ang nais niyang gawin.
Lumapat ang malamig at basang tela sa aking mukha, namalayan ko nalang pinupunasan na niya ang mukha ko pababa sa aking leeg.
Hindi ko man intensyong maramdaman ngunit ang puso kong talunan, iyon na naman, nagkukumahog sa pagtalbog. Ang epekto niya tila tumitindi, bawat sigundo na magkasama kami, ang paglapat ng balat namin kahit hindi naman dapat, ang lahat ng epekto, nagbibigay ng kakaibang takbo sa puso ko.
Ang binuong ritmo, nakasulat para lang sa taong ito.. para akong napaglalaruan, isang paikot ikot na hantungan.. saya, pananabik, kakaibang sakit, mga bahagi ng liriko na inaawit para lang sa pusong lito.
YOU ARE READING
Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1
Romance"Your voice is a whisper, soothing, and sweet. It brings me comfort, making my heart skip a beat.." - Seirin Roku Sions "Being with you, my heart takes flight. You're my beacon, my guiding light.." - Axyianna Vxy Tendilla WARNING!! Please note that...