Chapter 2 : Her Savior
The first thing I felt when I woke up was the soft and comfortable bed. I didn't move or make any sounds, wanting to ensure that I was in a safe place.
Ang lugar na ito ay hindi ko kilala, ang amoy ng silid ay ibang iba sa amoy ng aking silid. I remembered what happened, sa tantya ko umaga na, hindi ko alam kung saan ako dinala nung babaeng tumulong sa akin.
"Bakit ka nagdala ng babae dito?"
"Don't get the wrong idea, I'm just helping her."
"At kailan kapa naging matulungin?"
"Tsh, ang dami mong tanon— Ouch! Why did you do that?!"
"Gumalang ka sa mas nakatatanda sayo, dumbass!"
"Pare-pareho talaga kayong bugnutin."
"I'll get going now, ayusin mo, Axy. Kapag ito nalaman ni Lola, mag dasal dasal kana."
"Oo na, lumayas ka nanga— Ouch! Nakakadalawa kana!"
"Matuto kang gumalang sa mas nakatatanda sayo."
Axy? That's the name of the person who saved me. I'm sure of it..
Narinig kong nagpaalam muna ang isa bago ito umalis. Sino kaya iyon? Malamang kapatid? Pinsan? Bumuntong hininga ako, I shouldn't think about this.
Isang tunog mula sa cellphone ang nagbalik sa diwa ko. Malapit ang tunog ngunit kalauna'y paunti unting humina. Sa aking palagay lumayo siya ngunit kahit ganun dinig ko padin.
"Did you caught them?" Tanong niya mula sa taong kausap.
I decided to get up and lean my back against the bed's backrest. Nakakangalay humiga ng hindi binabago ang posisyon.
"Good, I'll deal with them later. Yeah. Bye."
Sino naman ang tinutukoy niyang nahuli? Hindi kaya iyong mga lalaki kagabi? Hindi talaga siya nagbibiro ng sinabi niyang magkikita sila sa kulungan?
Kung sa bagay, sino ba ang magbibiro kung ang tono mo ka'y seryoso.
"You're awake." Hindi iyon tanong ngunit isang pahayag. Tulad kagabi, hindi nagbago ang kanyang tono.
Tango ang tugon ko ngunit tila hindi niya iyon nagustuhan. "You can't talk now?" Iritable ang kanyang tono, naibaba ko tuloy ang ulo sa kaba.
'Galit ba siya?'.
"Ma déesse." Umangat ang ulo ko ng magsalita siya ngunit sa hina ay hindi ako sigurado. "Talk." Ganun na ang pagtigil ko ng halos magtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa maotoridad niyang boses.
Malamig, may diin, nang uutos at sadyang ka'y seryoso.
Nangatal ako. "Ano... Ang pangalan ko'y—" Tama bang sabihin ko sa kanya? Nag dalawang isip ako ngunit sa huli itinuloy ko din. "Seirin." Nakasasakal ang katahimikan matapos nun, ramdam ko ang tinging pinupukol niya.
Nakakatakot siyang kasama sa iisang silid.
'Gusto ko ng umuwi'.
"Seirin? That's it? Seirin what?" Her voice demanded my whole existence.
"Seirin Roku Sions." Lakas loob kong saad, mahinhin na natural na sakin. Mabuti nalang at hindi ako nautal. Nakakahiya kung nagkataon.
Lumubog ang kama sa bandang gilid ko, ramdam ko ang presensya niya roon. My lips automatically parted when I felt her soft hand on mine.
"Ma déesse." Ha? Ano raw iyon? "Don't be tense. I won't hurt you." Isang salita niya lang kakatwang kusang kumalma ang katawan ko. Nawala ang diin sa tono niya hindi tulad kanina, ngunit ang kanyang tinig ay tila nangangausap naman ng bata.
YOU ARE READING
Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1
Romance"Your voice is a whisper, soothing, and sweet. It brings me comfort, making my heart skip a beat.." - Seirin Roku Sions "Being with you, my heart takes flight. You're my beacon, my guiding light.." - Axyianna Vxy Tendilla WARNING!! Please note that...