Chapter 13

3.4K 107 8
                                    

Chapter 13 : Glimps of Her

"Seirin, this is our new home, one-storey house with peaceful ambiance.."

"From now on, you need to take care of yourself alone because no one else will do it for you."

"Listen, this world isn't always fair to you. You might not see it, but you can always feel it."

"Seirin, you need to fight for yourself. I won't always be here for you."

"Seirin.. Seir... in. Seir-

Habol habol ang hininga, marahas akong bumangon sa kama. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis sa aking mukha, sa aking leeg, maging sa aking damit..

'A-ano ang mga iyon?'.

Sigurado akong mayroon akong napanaginipan, hindi klaro, ang boses malinaw sa una ngunit ng magising ang diwa ko ay biglang tila naglaho..

Hanggang ngayon pumipintig parin sa kakaibang kirot ang ulo ko, bahagyang naka awang ang labi ko, ang mata ko mulat na mulat, subukan ko mang alalahanin ang panaginip ay tila isa na lamang iyong gawa-gawang pangyayari..

Mga salitang 'yon napaulit ulit kong naririnig, ang pag tawag at mga paalala, nagbibigay ng kakaibang kirot sa puso ko.. Hindi man malinaw ngunit ang mga pangaral, hindi ko man sabihin alam kong bitbit ko hanggang dito..

Nanatili akong wala sa sarili, nag desisyon lang akong lumabas ng makaramdan ng uhaw..

"What the hell, Flores! Stop making fun of my pancakes!"

"I'm not, I'm making it more delicious, can't you see?"

"Freak! That's not even yours, this pancakes is for my goddess only!"

"Hindi madadamot ang mga Tendilla, mamigay ka.."

"Pake alam ko, tyaka bakit ka ba nandito?"

"Do I need a reason to be here? E, ikaw, why are you here?"

"It's because I want to eat breakfast with Roku.."

"Oh, really? Is that what you call sweetness?"

"Tch, shut up!"

Nag salubong ang kilay ko sa ingay, si Seven? At si Axy? Was I still asleep, or were they really here? What time was it?

"Kuya Sev, Miss Axy, huwag po kayong maingay. Hindi po sound proof ang bahay namin, baka masigawan tayo ng kapit bahay.." Boses iyon ni Cyron, tila problemado.

"I'm sorry about our noise, Cyron.."

"Don't worry, we can make your house sound proof para hindi nakaka hiya sa neighborhood.."

"Are you serious right now, Tendilla?"

"What? My suggestion is good, what's wrong with you?"

"Psh, you're unbelievable.."

Hindi ko maiwasang mapa nganga ng maging malinaw ang usapan nila..

"Cyron.. anong.. meron?" Naka tayo ako sa bungad ng kusina, masyado silang busy sa pag-uusap kaya hindi nila ako napansin.

"Oh, Rin! Magandang umaga!" Iyon na ang masiglang pagbati ni Cyron.

"Good morning, Sei." Si Seven.

"Good morning, Roku." Axy swiftly approached, surprising me with a kiss on the cheek, reigniting a warmth in my heart. "How's your sleep?" She asked, pulling me to a seat.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now