Chapter 8

3.3K 134 5
                                    

Chapter 8 : Jealous or Not

"Drama mo 'te? Iniwan ka?" Si Joy, naruon kami sa convenience store at matamang naghihintay sa sunod na customer.

"Iniwan agad? Di pwedeng bagong gising lang?" usal ni Rez, tinawanan siya ni Joy. Yan sila, ganyan sila mag usap.

"E, bakit ka tulala diyan?" Napa-baling ako sa kanila, naroon sila sa pwesto ng cashier.

"May iniisip lang.." Mahinang sagot ni Rez, nahaluan ng lungkot ang tono niya.

Napansin ko nitong umaga na hindi siya ganung kaganado. Isang bagay na malabong mangyari dahil kilala na namin siya, madalas ay nag-uumapaw ang sigla niya at panay ang pagbati ngunit ngayon ay hindi iyon nangyari.

Tingin ko nga'y dalawang beses lang siyang bumati, sa akin at kay Joy.

"Anyway, are you two free tonight?" biglang tanong ni Rez, nagtaka ako samantalang nabalot ng malakas na tawa ni Joy ang paligid.

"Are you asking for a date night ba or walwalan?" Nalukot ang noo ko sa tanong ni Joy, walwalan?

"Grabe ka naman, 'di pwedeng gusto lang mag-aya? At isa pa, bawal sa ganun si Seirin, baby pa 'yan.." Eh?

Napa labi ako, baby? Do I look like a baby? Disi-nuwebe na kaya ako. At ano bang walwalan ang sinasabi nila? Gala ba 'yun?

"Ginagawa mo naman bata si Seirin, pero kung sa bagay tama ka naman.." Napa simangot ako, ginatungan pa nga.

"H-hindi naman ako bab-"

"Yes, but you're someone's baby.." tatawa tawang saad ni Joy, hindi ko naintindihan, nalukot tuloy ang noo ko sa taka. "Rez, baka matunaw 'yan! Mamaya kana tumitig."

"Ngayon lang ako naka kita ng living angel." Biglang tumunog ang glass door, mukhang may customer na.

"Gaga, mamaya kana mag day-dreaming. Ayan na ang customer."

"Panira naman e, ang ganda-ganda na ng view."

Hindi ko na nasundan ang usapan nila matapos dumating ang sunod-sunod pang customer. Kahit na abala ako sa trabaho, malinaw kong naririnig ang maya't mayang pagbuntong-hininga ni Rez.

Mukhang may problema, hanga nga ako't nasasabayan niya pa ang kakulitan ni Joy. Malinaw kong naririnig ang pilit niyang pinasisiglang boses, parang katulad kasi iyon ng kay Cyron nung nagkaroon ito ng problema.

Nuon ko lang narinig na ganun siya, masiyahin at masiglang tao si Rez. Madaling malaman kung mayroon siyang pinagdadaanan, lalo na't araw-araw kong nakakasama si Rez. Nasanay na ako sa kakulitan niya, maging sa madaldal niyang bunganga.

I sighed. I wonder if what's her problem, hindi ako sanay na ganito ang isang kaibigan.

"Seirin, kumain kapa ng marami.." Batid kong sa oras na'yun naglalagay na naman ng bagong ulam si Rez sa baunan ko.

Lunch na namin kaya narito kami sa isa sa mga table ng convenience store, magkaka sabay kumain. Si Rez nasa tabi ko habang si Joy nasa harapan namin.

"Joy, kumain ka din ng marami.." Biglang saad ni Joy sa sarili, napa-baling tuloy ako. "Ako nalang mag re-remind sa sarili ko, para naman hindi ako ingit dito.." Eh?

"Ewan sayo, Joy."

"Sus, nagpapalakas ang manok ko." Hinaluan niya ng pagtawa, dinig ko naman ang pagkasamid ni Rez, nag-alala ako.

Hinagod ko ang likod niya ng sunod-sunod siyang ma-ubo. Ibinaba ko muna ang kutsarang hawak bago humarap kay Rez, bakit kasi ayaw mag-dahan-dahan?

"Maayos ka lang ba, Rez?" I asked.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now