Chapter 22 : Game
Lumipas na ang sunod sunod na buwan, sa mga araw at sandali na'yon pinatunayan sa'kin ni Axy na hindi lang salita ang pagmamahal niya.
Naging madalas ang pagbisita niya sa aming tahanan, minsan panga'y kasama ang ilan sa mga pinsan niya, tuloy ay hindi magkamayaw ang kadaldalan, galak at pananabik ni Cyron.
Nakilala na siya ng ibang pinsan ni Axy, naging magkakasundo agad sila, talagang ka'y daldal ni Cyron habang kasama ang mga ito. Mabuti nga'y na-control niya ang reaksyon nung unang harap palang sa kanila.
Ngunit hindi roon natapos dahil ng maka-uwi kami sa bahay ay todo ang paghiyaw ni Cyron, ang dami niyang sinabing papuri sa mga pinsan ni Axy.
Lalo na kay Yve na siyang paborito at hinahangaan niya ng husto, naka ngiti ngalang ako habang dinadama ang pagdiriwang niya. Iyon lang, sapat na upang mapasaya si Cyron.
Madalas na'din kaming lumabas ni Axy, hindi nalang sa paborito niyang ice cream parlor kami napupunta maging sa paborito niyang lugar o madalas na tambayan kasama ang ibang mga kaibigan.
I was surprised when she introduced me to Airi, the girl who almost hit me with a ball. It turned out that she was also a friend of Axy's. Nakakabiglang pagkakataon nga naman.
Dumadalaw pa'rin kami sa bahay nila tuwing linggo, iyon ngalang hindi ko maiwasang magulat kung minsan, paano'y madalas naming maabutan si Elara sa bahay nila.
'Non ko lang din nalaman na best friend pala ni Yve si Elara, madalas ay sila ang magkausap.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa mga pagkakataong nagiisa ang lugar naming tatlo, nakaka frustrate kung minsan dahil ninais kong makita ang bawat reaction ni Axy sa tuwing kasama namin si Elara ngunit sobrang impossible.
Kahit naman may assurance na binibigay si Axy ay hindi ko pa'rin maiwasang makaramdam ng bigat, palaging naririyang ang kuryusidad, araw araw 'yon.
Nais kong makita ang bawat reaction nila, 'non ko lang ata hiniling na sana nagkaroon nalang ako ng kakayahang makakita.
But I didn't want to be immature while Axy was doing everything to make me feel secure.
It wouldn't be fair to her, hindi tama alam ko ngunit ano namang magagawa ko kung kusa ko 'yong nararamdaman. Wala akong control sa puso ko pagdating sa bagay na'yon.
"Rin!" Nagbalik ang diwa ko sa pagsigaw ni Cyron, "Nais mong ipalagay ang initial mo? At ang isa initial ni Axy?" He asked, naka ngiti akong tumango.
Naririto kami sa plaza, sa harap nang isang tindahan ng bracelet, nais ko kasing bumili ng bracelet para kay Axy at para sakin. Hiniling kong ipalagay ang initial ko, maging ang initial ni Axy.
Naisip ko lang na hindi ko pa siya nabibigyan ng kahit na anong handog simula ng magkakilala kami, kahit ito lang, kahit sa maliit na bagay lang nais kong may maibigay sa kanya.
Nang matapos ay isinuot ko ang isang bracelet, nagpasalamat naman ako kay Cyron. Ito kasi ang nagbigay sakin ng idea sa bagay na'to. Naisip ko na hindi naman iyon masama.
"Ang ganda, Rin! Lalo na ang initial ni Axy na naka ukit rito!"
Sinabayan niya ng hagikgik ang sinabi, napa ngiti ako habang hinahaplos ang bracelet. Inilagay ko naman sa bulsa ang isa pa, hindi na ako makapaghintay na ibigay ito sa kanya.
By five o'clock, Axy arrived. We had plans to go to her house. Her friends and cousins had invited us for a night out, hindi ko naman matangihan dahil ito ang unang beses.
"You look beautiful, love.." Nag-init agad ang mukha ko, kalalabas ko lang ng silid at naka bihis ng puting dress. Palagi naman siyang nagbibigay ng compliments ngunit hindi ako masanay-sanay.
YOU ARE READING
Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1
Romance"Your voice is a whisper, soothing, and sweet. It brings me comfort, making my heart skip a beat.." - Seirin Roku Sions "Being with you, my heart takes flight. You're my beacon, my guiding light.." - Axyianna Vxy Tendilla WARNING!! Please note that...