Chapter 15 : Territorial
Two days have passed, and during those days, Axy did nothing but take care of me. Siya na ang nag alaga sakin na akala mo'y sobrang lala naman ng tinamo ko.
"Are you really sure? You should take more rest, Roku.." Naririto kami sa sala, naka bihis na ako dahil papasok ako sa trabaho.
"Axy, dalawang araw na akong wala duon, tyaka maayos na talaga ang lagay ko.." She doesn't want me to go to work yet; ang kulit niya. Dapat nga kahapon ako babalik kaso pinigilan niya ako, ngayon pinipigilan na naman ako.
"Fine." I smile. Her hand creeps around my waist. In just two days, I've gotten used to her touch. She's been even clingier these past few days.
"But on one condition, Roku.." Nalukot ang noo ko, condition? "Ihahatid kita at susunduin.." Mahina niyang usal, ang ulo'y sumisiksik na naman sa aking leeg. Hindi ko maiwasang mapa nganga.
"Axy, ano.. hindi mo naman kailangan gawin 'yon.." I can handle myself, at nakakahiya sa kanya. Kahit naman magkaibigan kami hindi ko pa'rin siya nais ma-abala.
"Yes, but I choose and I will always choose to do this.. So, don't be cutely stubborn, hmm?" Nakagat ko nalang ang labi, iyon na naman ang nakakabaliw niyang mga salita, it always makes my heart race insanely.
"O-okay.." Wala na naman akong nagawa, I lose it again because of her words, idagdag pa ang nakakakiliti niyang paghinga sa leeg ko. Tuloy parang may gumagalaw na namang kiti-kiti sa tiyan ko.
"Axy, wala ka bang trabaho?" Nasa loob na kami ng sasakyan ng itanong ko 'yon.
Ang totoo'y ito ang tumatakbo sa isip ko nitong mga naka lipas na araw, parang ka'y dami niyang oras upang sumulpot sulpot sa aming bahay.
This past two days, si Axy ang palagi kong kasama, siya ang nag alaga at nag asikaso sakin. Naging mas malapit kami, mas lalo ko din siyang nakilala, she likes hugging me, lalo na ang pag siksik sa leeg ko. Nagtataka nga ako, nasa Manila ang bahay niya tapos naririto siya sa probinsya, hindi kaya siya hinahanap ng magulang o mga pinsan niya?
"I do, but I asked Zyga to take care of it for now." Zyga took care of her work? I wonder what kind of work she does. "She was just helping me because she knows my reason."
I nod slowly, smiling. "Ganun pala.." She's lucky to have such a good cousin.
"How about you, Roku?" I turn to her, not quite catching her question. "Tell me about your work."
"Uh.. ano.. sa convenience store ako nag ta-trabaho, mayroon akong dalawang kasama, si Rezzi at Joy. Mga kaibigan ko sila. They handle the cashiering and other tasks, samantalang ako naman ay sa paglalagay ng mga binili sa paper bag.. Uh.. duon na ako naka toka, hindi ko kasi kaya ang cashiering pero minsan tumutulong naman ako sa kanila like for example they need a hand on something."
Naka ngiti kong inilahad ang mga 'yon, ito ang unang beses kong magsalita ng ka'y haba. Ang saya pala sa pakiramdan, mas lalo lang akong ginanahan mag kwento dahil si Axy ito. Sakanya, pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat.
"How about your boss? Is it a man or woman?" Nagtaka ako sa tanong niya ngunit sinagot din.
"Lalaki, Axy. Si Mr. Nelson Mancini. Mabait siya, nagawa niya akong tanggapin sa kabila ng kakulangan ko.."
"Of course, Roku. Kahit sino'y tatanggapin ka, you're beautiful, innocent, sweet and hard working.. It is their lose if they didn't hire you." Mabilis nitong usal, nagulat ako ngunit kalaunay natawa. Ang.. cute niya lang sa tuwing tila natataranta.
Ano ang kinalaman ng maganda at inosente sa trabaho? Lalo akong napa hagikgik, she's really something.
"Your laughter sounds like music to my ears, Roku. It always makes my heart skip a beat." I stopped laughing, feeling warmth spreading across my cheeks.
YOU ARE READING
Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1
Romance"Your voice is a whisper, soothing, and sweet. It brings me comfort, making my heart skip a beat.." - Seirin Roku Sions "Being with you, my heart takes flight. You're my beacon, my guiding light.." - Axyianna Vxy Tendilla WARNING!! Please note that...