CHAPTER 14

687 59 8
                                    

Pag-uwi ni Hero sa kanila ay nasa pintuan na kaagad ng bahay nila ang mga karton na naglalaman ng mga pinamili niya kanina sa mall. Apat na karton lahat iyon kasali na ang bigay ng lalaki sa kaniya.

"Hero, bakit ang dami naman ata nito?" bungad kaagad ng kaniyang tiyahing si Jeva nang makapasok siya sa kanilang bahay. "Nadoble ang nasa listahan tapos may isang karton pang tsokolate ang dumating pagkatapos ihatid ng mga staff sa mall ang mga binili mo."

Natigilan si Hero sa narinig. Sigurado siyang hindi siya bumili ng mga tsokolate, niisa nga'y hindi siya pumulot sa mall e. Paanong may mga tsokolating dumating? Isang karton pa?

"Sure ka po, tita? Bakit apat na karton lang ang nasa labas?" Napuno ng kuryusidad ang tono sa boses ni Hero. Sa kaniyang pakiwari ay may kinalaman na naman ang hinayupak na nantri-trip sa kaniya.

"Ay nako, nandoon na ang mga karning manok at baboy sa loob ng ref, nilagay ko na at baka bumaho bigla," sagot nito sa kaniya.

Napa-isip si Hero. Kung wala na doon ang karton kung saan nakalagay ang mga karne, ibig sabihin ay mga tsokolate ang laman ng isa sa mga karton na nasa may pintuan.

Kaagad niyang tinungo ang apat na karton sa labas at inisa-isang binuhat iyon papasok sa kanilang bahay. Binuksan niya ang mga iyon at nakita nga niya ang isang karton ng tsokolate.

"Alam niyo po ba kung kanino galing ito, tita?" Kinakabahan si Hero sa mga oras na iyon. Tila gustong kumawala sa dibdib niya ang puso niya.

"Hindi," umiling-iling ang kapatid ng kaniyang ina. "Kaya nga ako nagtanong sayo e," pahabol pa nito.

Napabuntong-hininga nalang si Hero. Gusto na niyang matigil ang kahibangan na ito dahil baka kung ano na ang isipin ng kaniyang nga magulang. Una, ubalaklak, ngayon naman ay mga tsokolate.

Siguradong mag-aalala ang mga iyon pag nalamang may ekstranghero na nagpapadala sa kaniya ng kung ano-ano.

"Hayaan mo na, tita. Baka galing lang ang mga 'to kay Alexander, alam mo naman ang lalaking iyon kung anong maisip lang ang binibigay sa akin," alibi niya. Sigurado naman siyang hindi iyon galing kay Alexander.

"Okay, baka nga rin." Pasalamat si Hero at hindi na inutingkay ng kaniyang tiyahin ang tungkol doon. "E 'yong iba mong pinamili, bakit dumami? Hindi ba't kaunti lang ang nasa listahan?" pahabol na tanong nito.

"Nanalo ako ng raffle sa draw sa mall at ang prize ay doble ng mga pinamili ko," simpling sagot niya dito kahit hindi naman iyon totoo.

"Wow naman! Kailan ulit 'yan nang makapunta rin ako minsan?" intirisadong tanong nito sa kaniya.

"Last na 'yon, tita," natatawang sagot niya. "Di bale na, sasabihan kita pag meron ulit."

"Promise 'yan ah? Swerte mo naman." Natatawang tumango si Hero at pumasok sa kaniyang kwarto dala-dala ang isang box ng karton.

Siguro ay kakausapin nalang niya si Alexander na sabihing siya ang nagpadala ng mga tsokolating iyon para hindi magtaka ang ina. Total alam na naman nito ang lahat.

Hindi niya nagawang itago kay Alexander ang nangyari sa party. Pagkatapos ng interview niya sa dating paaralan ay sinundo nga siya ng kaniyang kaibigan at dinala sa isang sikat na kainan at doon siya binombahan ng mga katanungan.

Gusto nga sana ni Hero na ilihim ang mga iyon pero hindi niya nagawa lalo na't masyadong maintriga ang kaibigan, talagang hindi siya tinigilan hangga't hindi siya bumigay.

Kaya naman ay sinabi niya kay Alexander ang lahat pati narin ang pinadala na sulat ng ekstrangerong iyon. Pero kinausap naman niya ito na hayaan nalang at siya na ang bahala na alamin kung sino nga ang lalaki sa party na nagnakaw ng kaniyang halik.

HENPECKED 01: Julien Rousseau [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon