Tiningnan ni Hero ang nameplate na nakapatong sa lamesa. Nagtataka siya dahil ang nakalagay doon ay ang pangalan ng mismong prinsipal ng school. At sigurado si Hero na ang kaharap niya ngayon ay hindi ang prinsipal dahil babae ang assigned principal ng Rousseau International School for Children.
"Sir, kayo ho ba ang mag-i-interview sa akin?" paniguradong tanong niya dito. Akala niya kasi na ang prinsipal mismo ang mag i-interview sa kaniya. Iyon ang nakalagay sa email na kaniyang natanggap.
Isa pa, hindi pamilyar sa kaniya ang lalaking kaharap niya ngayon. Iyon ang unang beses na nakita niya ito kahit ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa paaralan kung bibisita siya sa kaniyang dating guro na si Teacher Ann.
Galing kaya ito sa ibang campus ng Rousseau Internatonal School For Children at dito lang na-assign? O bagong hire nila ito? Iyon ang mga katanungan ni Hero sa kaniyang isipan.
"Yes, I am tasked with conducting the interview today. I was also the one who called you this morning."
Saglit siyang nakaramdam ng hiya nang maalala ang sinabi niya dito sa telepono. Pinag-krus nalang niya ang dalawang daliri sa ilalim ng mesa, nagdarasal na sana ipagpaliban nalang nito ang nangyari kanina.
"Sorry po, sir," agad na hingi ng tawad niya dito.
"It's alright, but I would like to know why you were so mad?" The guy laughed slightly. "You weren't referring to me, right? Are you not a morning person? Or did I wake you up, that's why you were mad?"
Mabilis siyang umiling. "No, sir. I wasn't referring to you."
"Hmmm," tumango ito. "If it's not me, then were you arguing with your lover?"
Lover? E wala nga siyang jowa noon pa lang! Sumabog lang naman siya kanina dahil hindi na niya napigilan ang galit sa lalaking nantri-trip sa kaniya.
Pero hindi niya kailanman babanggitin iyon sa lalaking kaharap niya.
"Nako, hindi rin ho. Wala po ako niyan," naiilang na sagot niya.
"Wala kang jowa?"
Napailing ulit siya. "Wala po."
"Good..." nakangiting saad nito at saglit na kinalikot ang laptop bago muling tumingin sa kaniya. Gusto niya pa sanang tanungin ang lalaki kung bakit iyon ang sagot nito pero ipinagpaliban nalang niya iyon.
"Shall we start now?"
"Yes, sir."
Umayos ng upo si Hero at huminga ng malalim. Hindi maganda ang unang impresyon nito sa kaniya dahil sa nangyari kaninang umaga, kaya gagalingan nalang niya ang pagsagot sa mga katanungan nito sa kaniya.
"First, I'd like to know you better. Can you tell me about yourself?"
Ngumiti naman si Hero. "I'm a highly motivated and adaptable individual with a passion for teaching. I have a strong background, graduating with flying colors during college and topping the licensure examination for teachers. I excelled as the best demonstrator during our internship, which I believe makes me well-suited for this role. Teaching has been my dream since childhood. I aspire to inspire young people and serve as a bridge to help them achieve their dreams in life. Also, my desire to work here stems from my personal connection as a former student. I've always believed that this would be the ideal place for me to work."
Napabuga ng hangin si Hero nang matapos niyang sagutin ang unang tanong. Noon pa lamang ay nag-insayo na siya para sa job interview. Naulit-ulit na niya ang tanong na iyon kaya alam na niya ang kaniyang sasabihin.
"That was a very interesting introduction," nakangiting saad ng lalaki sa kaniya. "But you mentioned that you were a student here in Rousseau International School For Children, can you tell me about some of your experiences here inside the campus?"
BINABASA MO ANG
HENPECKED 01: Julien Rousseau [BXB] [MPREG]
RomansHENPECKED 01: JULIEN ROUSSEAU THE SWEETEST MAFIA BXB | MPREG It's a common misconception that mafias are ruthless, heartless, and emotionless. However, Hero sees them differently. From his perspective, mafias defy the stereotypes portrayed on the in...