"Hero? Open the door please," utos niya sa kaibigan. Kasalukuyan itong nagkukulong sa kwarto nito pagkatapos ng bangayan nila sa kusina.
"Umuwi ka na, hindi ka welcome dito!" sigaw nito mula sa loob.
"Come on, Hero. Kalimutan mo na 'yon." Gusto niya itong pasukin sa kwarto nito at yakapin ng mahigpit, pugpugin ng halik sa mukha, at humiga kasama nito sa kama. Pero parang wala ata itong balak na pagbuksan siya. Kanina pa niya sinusubukang paamuhin ito pero hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pinto.
Julien heard nothing from Hero again. He was about to knock again, but he stopped himself. He understood why Hero was mad at him. Hero must be scared of what he did, and Julien came to their house as if nothing happened.
Pero totoong hindi niya intensyon na takutin ito. Gusto niya lang naman gawing exciting ang muli nilang pagkikita.
ILANG oras na nagkulong si Hero sa kaniyang kwarto. Gusto niyang mawala sa paningin niya ang dating kaibigan na bigla nalang sumulpot pabalik sa buhay niya.
Ang masama pa'y hindi man lang ito nag-explain tungkol sa mga nangyari. Wala man lang itong sinabi bakit nito nagawa ang ginawa nito sa party, ang pagpapanggap nito sa interview, at ang pagkukunware nito sa mall.
Gusto niya ito bombahan ng mga katanungan pero mas pinili nalang niyang manahimik. Naiinis siya sa lalaki. Gulong-gulo ang isipan niya sa mga inakto nito sa kaniya.
Nang makaramdam ng pagkabagot ay napagdesisyunan ni Hero na lumabas. Paglabas niya sa kaniyang kwarto ay medyo madilim na ang paligid pero rinig parin ni Hero ang mga tao sa labas. Nag-iinuman at nagkakantahan.
Naisipan niyang pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain dahil nagugutom siya. May mga itinira naman ang kaniyang tiyahin sa ref bago ito umuwi sa kanila kanina kaya iyon nalang ang kakainin niya.
"O, anak, nakatulog ka ba sa kwarto mo?" tanong ng kaniyang ina. Tumango lang siya at uminom saglit ng tubig bago kumuha ng pagkain.
"Umalis na ba ang dalawa, nay?" tanong niya sa kaniyang ina. Hindi lang siya galit kay Julien, galit rin siya kay Alexander dahil hindi man lang nito sinabi ang katutuhanan.
Nagkita na pala sila ni Julien at hindi man lang siya nito sinabihan!
Betrayal gnawed at Hero's heart. He couldn't believe Alexander had lied to him, claiming he still had no idea if Julien had returned.
Inaamin niyang malayong malayo ang Julien noon sa nagpapakilalang Julien ngayon. Julien is now a towering figure of masculinity, exuding an air of maturity and confidence. With his striking features and commanding presence, he was the epitome of a grown man, undeniably handsome in every aspect. Though guwapo naman ito kahit noong bata pa, pero iba ang dating nito ngayon. Pero hindi niya parin ito kaagad na nakilala. He changed a lot!
"Nasa labas lang sila, nak, nakisali sa inuman," sabi ng ina. "Nag-away ba kayo ni Julien? Ang ingay ninyo kanina dito sa kusina," pahabol pa nito.
"Hindi naman, nay. May pinag-usapan lang," pagsisinungaling niya sa ina.
"Alam mo, nak, mas mabuting maging masaya ka nalang na bumalik na 'yang si Julien. Ilang taon rin nawala 'yong tao, hayaan mo nang bumawi sayo. Baka mag-e-explain rin sayo si Julien sa susunod na pagkakataon," sabi ng ina niya. Tumango naman si Hero bilang sagot.
Hay nako, kung alam lang nito kung ano ang ginawa ng kumag na 'yon. Hindi naman niya masabi na hinalikan siya ni Julien ng hindi lang isang beses, kundi madaming beses. Natulog pa silang dalawa sa iisang kama. At ito rin ang nagbayad ng mga pinamili siya sa mall.
He's thankful for it, but he can't just let go of those other things that Julien did just because Julien paid for everything he bought at the mall.
"Ako na maghuhugas ng mga plato, nay." Nilapitan ni Hero ang kaniyang ina na abala sa paghuhugas ng mga gamit. Kakatapos niya lang kumain at nawala ang kaniyang antok.

BINABASA MO ANG
HENPECKED 01: Julien Rousseau [BXB] [MPREG]
RomanceHENPECKED 01: JULIEN ROUSSEAU THE SWEETEST MAFIA BXB | MPREG It's a common misconception that mafias are ruthless, heartless, and emotionless. However, Hero sees them differently. From his perspective, mafias defy the stereotypes portrayed on the in...