CHAPTER 01

1.7K 75 10
                                    

Dear Hero Gonzaga,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Hero Gonzaga,

You've been accepted into Rousseau International School For Children. We're excited to welcome you into our vibrant community of learners. Get ready for an enriching journey ahead!

Warm regards,

Dr. Kerri Ann Dorsey
School Principal
Rousseau International School For Children

***

Maagang nagtungo ang mag-inang Gonzaga sa paaralang lilipatan ni Hero. Natanggap kasi bilang scholar si Hero sa isang pribadong paaralan na para lamang sa mga mayayaman.

"Anak, magpakabait ka sa loob ha?" ang bilin ni Elma sa sampong taong gulang na anak.

"Opo, mama. Promise po, hindi ko bibigyan ng sakit sa ulo si teacher," nakangiting sagot ni Hero sa ina.

Maluha-luhang niyakap ni Elma ang anak. Simula sa araw na 'yon ay isang beses sa isang linggo nalang niya makikita ang si Hero. Stay in kasi lahat ng estudyante sa Rousseau International School For Children at isang beses sa isang linggo lang nila puwedeng dalawin ang mga bata.

Kahit mabigat sa kalooban ni Elma na malayo sa kaniyang anak ay wala siyang magawa. Kagustuhan ng kaniyang anak na makapag-aral sa pribadong paaralan at alam niyang isa itong malaking oportunidad para dito.

"Anak, babalik ako sa lunes ha? Kung may problema, sabihin mo agad kay mama ha?"

Mangiyak-ngiyak na tumango ang anak. "Opo, mama."

"Osiya, pumasok na tayo para mahanap na natin ang iyong silid," aniya sa kaniyang anak at sinubukang itago ang lungkot na nadarama.

Rousseau International School for Children is one of the most prestigious schools for children around the world. Halos lahat ng mga mayayaman ay dito nag-aaral. Anak ng business man, artista, mga politiko, at iba pa. Ang paaralang ito ay nagtuturo ng mas advance na topic kaysa sa mga pampoblikong paaralan, kaya ang tanging nakakapasok lamang dito ay ang mga batang may matataas ang IQ level. Kung kaya't isang malaking oportunidad ang makapasok sa paaralang ito.

Sobrang saya ni Elma at mayroon siyang matalinong anak na si Hero.

"Ayun dito sa sulat ay nasa room 18 ka raw, anak," wika ni Elma nang tingnan ang papel na bigay ng paaralan kasama ang acceptance letter.

Nitong mga nakaraang lingo lamang nila na tanggap ang sulat galing sa paaralan. Kasama na doon ang iba pang mga papel na kailangan nilang dalhin pagpasok sa campus.

Pagkapasok sa gate ay halos malula ang mag ina sa ganda ng paligid. May mga magagandang tanim na nakapalibot sa daan. May fountain din sa gitna nito.

Hindi nila magawang tingnan sa labas kung ano ang nasa loob ng paaralan dahil may matataas itong pader, kaya hindi nila alam na ganoon pala ito kaganda. Sa di kalayuan ay may isang building. Matayog, malaki, at sobrang gara kung tingnan. Nagmukhang palasyo ito dahil sa ganda ng desinyo.

HENPECKED 01: Julien Rousseau [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon