Masayang nilisan ni Hero ang silid aralan pagkatapos ng kaniyang huling klase. Byernes na at walang pasok kinabukasan kaya sobrang hyper niya sa hapong iyon.
Sino ba naman ang hindi, 'di ba? Weekend na kinabukasan, ibig sabihin ay bibisitahin na naman siya ng kaniyang ina.
Hindi magkasama si Hero at si Julien sa araw na 'yon dahil umalis ang kaibigan kasama ang daddy nito. Sabi ay may pupuntahan daw silang importante.
Hindi na nagtanong pa si Hero kung saan sila pupunta dahil wala naman siyang kinalaman doon. Ayaw niya ring makialam sa mga bagay na dapat si Julien lang ang nakakaalam. Minsan lang kasi ito lumalabas, kapag may importanting lakad lang silang dalawa ng daddy nito.
Ang alam niya ay nag-iisang anak si Julien at nakuwento nito ang tungkol sa kanilang business na mamanahin nito. Sabi ni Julien sa kaniya ay balang araw ito na ang magpapatakbo ng paaralang kanilang pinapasukan.
At isa lang ito sa marami nilang business.
Hero is still a kid, and it must be a lot for him to understand those business matters, but he knew Julien is very wealthy.
"Hey, faggot," rinig niyang tawag ni Christian sa kaniya nang mapadaan siya sa tinatambayan nitong puno kasama ang dalawang kaibigan.
Hindi nalang niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala rin namang patutunguhan kung sasawayin niya ito dahil alam ni Hero kung gaano katigas ang ulo ni Christian.
Hindi ito nakikinig kanino man.
Well, maliban kay Julien.
"Bingi ka ba o sadyang takot ka lang sa akin dahil wala ang knight and shining armor mo?" pangungutya nito sa kaniya. Tumawa naman ang dalawang kasamahan nito.
Kahit nabibigatan sa dalang bag at mga libro ay nilakihan nalang ni Hero ang kaniyang mga hakbang. Mabilis siyang naglakad pero ramdam niyang nakasunod si Christian sa kaniya at ang dalawa nitong kasama na sila Tim and Garry.
Sila ang mga trying-to-be-Julien sa school at palaging nam-bu-bully ng mga estudyante sa tuwing malaman nilang wala si Julien sa campus.
At ngayon ay parang balak ng mga ito na siya naman ang gawing biktima.
"Kausapin mo naman kami," tawag nito sa kaniya mula sa likuran habang tumatawa.
"Ayoko at huwag niyo akong sundan."
Nagpatuloy parin si Hero sa paglakad hanggang sa marating niya ang main building kung saan ang kanilang dormitoryo. Mabilis niyang pinasok ang malaking building.
"Hoy, bakla!" sigaw ng tatlo paglagpas nila sa guwardiyang nakabantay. "Hintayin mo naman kami."
"Lubayan niyo nga ako kung hindi isusumbong ko kayo kay headmistress!" balik sigaw niya at mabilis na inakyat ang hagdan.
Because of the heavy load Hero was carrying, he's having a hard time climbing the stairs.
Wala siyang choice kundi ang maupo at ipunin muli ang kaniyang lakas nang mangalahati siya sa pag akyat sa hagdanan. Palagi kasing si Julien ang nagdadala ng mga gamit niya kaya hindi siya nasanay na umakyat sa hagdan na maraming dala.
Dumagdag pa ang aquaflask niyang halos puno parin ng tubig dahil wala naman si Julien para ubusin ang laman niyon. Ito lang kasi ang palaging nakakaubos sa tubig na baon niya araw-araw.
Pagtingin niya sa baba ay nakita niyang nakasunod parin ang tatlo sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya paakyat sa hagdan at hinayaan nalang niya ang mga iyon na lapitan siya, kaysa naman maubos ang enerhiya niya sa kakaiwas sa mga 'yon.
"Nakasampong hakbang ka pa nga lang, napagod kana agad?" sabay na nagtawanan ang tatlo. "Ganiyan talaga siguro pag bakla, mabilis mapagod."
"Hindi ako bakla!" saway niya sa tatlo pero tinawanan lang siya ng mga 'yon.
BINABASA MO ANG
HENPECKED 01: Julien Rousseau [BXB] [MPREG]
RomanceHENPECKED 01: JULIEN ROUSSEAU THE SWEETEST MAFIA BXB | MPREG It's a common misconception that mafias are ruthless, heartless, and emotionless. However, Hero sees them differently. From his perspective, mafias defy the stereotypes portrayed on the in...