CHAPTER 04

939 73 17
                                    

Tahimik na nagbabasa si Hero sa kaniyang notebook para sa exam nila kinabukasan nang marinig ang katok sa pinto ng kwarto nila ni Julien.

Napa-isip naman siya dahil kung si Julien ito'y hindi naman ito kumakatok pag pumapasok. At isa pa, may mga duplicate key naman sila pareho. Kaya sino ang kumakatok sa mga oras na iyon?

It's already 10:30 in the evening; surely, everyone is asleep by now.

Hero sighed before rising to unlock the door. Sigurado naman siyang walang multo sa kanilang dormitoryo dahil sa tatlong taon niyang naninirahan dito ay hindi naman siya nakaramdam o nakakita ng kakaiba.

He was about to grasp the doorknob when Julien's voice echoed in his mind, "never open the door if it's not me. And never open it if you only hear knocking."

Oo nga naman. Paano kung may masamang tao pala sa labas at balak na pasukin ang kwarto nila? O di kaya'y mga bully na gusto siyang pag-trip-an dahil wala si Julien?

He sighed and turned back to his chair but stopped midway when he heard knocking again, but this time, he could already hear Julien's voice.

"Open the damn door, Hero!" sigaw nito mula sa labas na tila ba'y nagmamadali ito.

Mabilis na bumalik si Hero sa tapat ng pinto at agad na pinagbuksan si Julien.

"What took you so long to open the damn door, Hero?! What were you doing?!" asik nito habang bitbit ang malaking box at isang bouquet na nakapatong dito.

Napaurong naman si Hero sa pagtaas ng boses nito. "May ginawa lang naman."

"That's why I was asking, what did you do? Are you with someone?" tanong nito at nilapag ang dala sa kama nito.

"Wala naman ah? Saka ikaw lang din naman ang nagsabi na huwag magpapasok ng kung sino sa kwarto," depensa niya dito.

"Hero, I was just asking because you've been hanging out with that Alexander guy these past few days, and I don't like him. Who knows if you invited him here?"

"Nakipagkaibigan lang naman 'yong tao e," nakangusong sagot niya.

"Nakipagkaiban tapos halos sabay na kayo sa lahat? You even refused to eat lunch with me here in our room because you said you'll go with Alexander."

"Inaya naman kitang sumabay sa amin ah?"

"And you still chose to have lunch with him, even after I had made it clear that I didn't want you to. Did you just see me as an option?"

"Hindi ganon."

"Well, that's how I see it," sabi ni Julien at nagtungo sa banyo.

Walang ganang naupo si Hero sa kaniyang kama habang malungkot na nakatingin sa pinasukang pinto ni Julien.

Wala naman siyang ibang intensyon kaya siya nakipagkaigan kay Alexander. Gusto niya lang magkaroon ng maraming kaibigan.

Si Alexander ay ang bagong transferee sa Rousseau International School For Children. Galing itong Australia at lumipat lang sa Pinas dahil sa business na pinatayo ng daddy nito.

Walang masyadong pumapansin sayo pag bago ka pa lang sa school at maswerte ka kung may maunang mag-approach sayo. Kaya naman nang lumapit si Alexander sa kaniya't nakipagkilala ay agad silang naging magkaibigan.

Para kay Hero, wala namang masama sa kaniyang ginawa dahil hindi naman masamang makipagkaibigan. Labis na hindi niya lang talaga maintindihan si Julien kung bakit ito nagtatampo e palagi naman niya itong inanyayahang sumama sa kanilang dalawa ni Alexander.

"Why are you crying?" rinig niyang tanong ni Julien.

Tumingin siya dito at doon niya lang napagtantong tumulo na pala ang kaniyang mga luha. Ayaw niya talagang nag-aaway sila ni Julien.

HENPECKED 01: Julien Rousseau [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon