CHAPTER 10

894 72 5
                                    

Author's Note: Hello, readers! Finally nakapag-update narin. Balak ko sana kaninang tangahali pero masyadong busy si ako, kaya ngayon nalang hehe. Don't forget to vote. Please leave some comments also.

***

Napasandal si Julien sa kaniyang upuan habang nakatingin sa nagkukumpulang papel sa kaniyang mesa. Iyon ang huling araw niya sa France at gusto niyang matapos lahat ng trabaho bago siya uuwi sa Pinas.

Ilang taon narin simula noong umalis siya sa bansang kinalakihan niya. At ilang taon narin siyang sabik na sabik na makita ang lalaking hinahanap-hanap niya sa araw-araw.

Si Hero, his best friend.

Ito ang kaniyang matalik na kaibigan simula noong grade one pa lamang siya hanggang sa huling taon nila sa Elementarya. Naputol lamang ang koneksyon nila dahil sa kaniyang pag-alis papuntang ibang bansa. Sa France. Kung saan pinanganak at lumaki ang kaniyang ama bago nito makilala ang ina sa Pinas.

Kagustuhan ng kaniyang ama na mag-aral siya sa ibang bansa. Hindi sang-ayon si Julien sa desisyon nito dahil ayaw niyang iwan ang kaibigan niyang si Hero. Pero noong sinabi ng kaniyang ama kung bakit kailangan niyang umalis sa bansa ay kaagad siyang sumang-ayon.

FLASHBACK

Kakatapos lang ng huling practice nila sa graduation. Parehong pagod si Julien at Hero dahil sa buong araw nilang practice. Nasa loob sila ng kanilang dormitoryo habang nagpapahinga.

"What's your plan for tonight, Hero?" tanong ni Julien sa kaibigan na abala sa kung ano man ang tinitingnan nito sa cellphone.

Iyon na ang kanilang huling practice para sa graduation pero hindi parin ito masyadong kumikibo sa kaniya. Julien was anxious, uncertain why Hero was acting that way.

"Susunduin ako ni mama dito, uuwi ako ngayon sa amin dahil sabi naman ni Teacher Ann na puwede na tayong uuwi sa bahay," sagot nito sa kaniya.

"You're going home and you didn't even bother to tell me?" Gusto niyang magalit sa kaibigan dahil sa hindi nito pagpaalam sa kaniya na uuwi pala ito sa kanila.

"Biglaan kasi akong pinauwi ni mama." Hindi parin ito makatingin sa kaniya. Busy parin ito sa pagpindot sa cellphone na binigay niya dito noong grade four pa lamang sila. Para bang wala lang dito na hindi sila magkikita for the meantime.

For Julien, being away from Hero was a big deal.

"But it's almost nighttime. Can't you tell your mom to go home tomorrow instead? Why leave now?"

"Kasi na miss ko na sila mama at gusto ko ng umuwi, bawal ba?" Sa wakas ay tinapunan siya nito ng tingin pero nakataas ang isang kilay nito.

Julien sighed. "Hindi naman."

Gusto niya itong sabihan na kung puwedeng ipagpabukas nalang ang pag-uwi dahil gusto niya itong makasama pero hindi niya magawa. Naiilang siyang sabihin iyon.

May pakiramdam si Julien na iyon na ang huli nilang pagkikita. Alam niyang makikita niya pa ito sa graduation pero may iba siyang nararamdaman.

"Are you going to bring all your stuff home tonight?" tanong niya dito. Gusto niyang maghanap ng magandang topic para makausap ito pero hindi siya makaisip ng bagay na puwedeng i-umpisa para mas lumalim ang kanilang pag-uusap.

"Hindi," sagot nito. "Saka na raw kukunin nila mama pagkatapos ng graduation."

"Will you be back before the graduation?" His voice was filled with hope.

HENPECKED 01: Julien Rousseau [BXB] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon