Hero woke up when he felt someone poking him. Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata at doon napagtantong hindi iyon ang silid niya.
"Nasaan ako?" mahinang tanong niya sa sarili.
"Nasa dorminotryo po kayo ng Rousseau International School For Children, Sir. Mismong ginanapan ng party kagabi." Agad na binalingan ni Hero ang nagsalita.
Nakita niya ang may katandaang babae, probably kapareho niya ng height. Nakasuot ito ng blue na t-shirt na sa tingin niya'y uniform ng mga katulong sa school. Bukod doon ay may dala rin itong mga gamit panlinis kaya mas nakomperma niyang katulong nga ito sa school.
Dahan-dahang nagsibalikan ang alaala kagabi sa utak ni Hero. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at napagtantong ito ang room nila dati ni Julien. Pareho parin naman ang mga kamang naka-display pero ang mesa nila noon ni Julien ay nag-iba na. Bukod doon ay wala ng nagbago.
Speaking of Julien.
"Manang, alam niyo po ba ang balita tungkol sa may-ari ng paaralang 'to?" tanong niya dito. Gusto niyang malaman kung umuwi na nga si Julien dahil kung oo ay siguradong tama ang hinala niya kagabi.
"Ano po ba ang gusto ninyong malaman, sir?" balik tanong nito sa kaniya.
"Gusto ko lang sanang malaman kung umuwi na ba ang amo ninyo?"
Sana nga ay hindi tama ang kaniyang hinala. Magandang balita ang pagbabalik ng dating kaibigan pero may isang parte rin sa kaniya na tutol sa ideyang iyon. Siguro dahil takot siyang malaman bakit nagawa nito iyon e magkaibigan lang naman sila.
"Sa pagkakaalam ko po ay uuwi ang pamilya ngayon mismo sa araw na 'to. Kaya nga po kami nagge-general cleaning ngayon," sagot nito.
So I was wrong.
Tumango nalang siya at tumayo. Mukhang nakaabala pa siya sa trabaho nito.
"Sige po. Maraming salamat," paumanhin niya sa babae.
Ngumiti naman ito. "Okay lang po, sir. Kakarating ko lang din naman."
Nginitian niya rin ito pabalik at saka nagsuot ng sapatos bago kinuha ang coat na suot niya kagabi at tuluyang umalis. He's pretty sure that the guy was the one who took off his coat while he was asleep. Who else could it be? Wala namang ibang tao kagabi bukod sa kanilang dalawa.
Pagkababa ay muling bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari. Simula noong una siya nitong hinalikan sa gitna ng dancefloor hanggang sa halikan nila sa loob ng kwarto. Hero could still feel the sensation inside him. It was entirely new to him because he had never experienced making out before. He's a total virgin!
But who could the guy from last night be? He was the only one Hero didn't recognize at the party. Everyone else was familiar to him. If it wasn't Julien, then who could it be?
Hero brushed aside all thoughts of what had happened and began walking outside the building. Pagkarating niya sa main gate ay agad siyang pumara ng tricycle at nagpahatid pauwi sa kanila.
Hero's heart continued to race, the memory of the guy flooding back relentlessly. Those delectable, kissable lips; the perfect jawline; and not to mention the flawlessly pointed nose and captivating eyes that could melt anyone in the crowd behind that mask. The guy was undeniably handsome.
BINABASA MO ANG
HENPECKED 01: Julien Rousseau [BXB] [MPREG]
RomanceHENPECKED 01: JULIEN ROUSSEAU THE SWEETEST MAFIA BXB | MPREG It's a common misconception that mafias are ruthless, heartless, and emotionless. However, Hero sees them differently. From his perspective, mafias defy the stereotypes portrayed on the in...