"Bitawan mo ako!" Pinakawalan ko siya at pinaharap sa kaniya ang kaniyang munting sanggol.
Tumulo ang mga luha niya habang tinititigan ang kaniyang anak. Niyakap niya ang sanggol na parang walang katapusan, hinalikan sa noo at hinele. Sinampal ko siya dahilan upang mapaupo siya sa sahig at nilayo sa kaniya ang bata.
Nilapag ko ang sanggol sa higaan niya at tinanggal ang nakabalot na tela sa kaniyang katawan. Umiiyak ang sanggol.
Inilabas ko ang ahas.
"Anong gagawin mo sa anak ko?! Lumayo ka sa kaniya!"
Pinigilan niya ako kaya hinampas ko siya sa ulo dahilan ng pagkadugo ng parteng hinampas ko at nawalan siya ng malay. Tinuon ko ang atensyon ko sa gagawin ko. Walang makakapigil sa dapat na mangyari.
Pinutol ko ang ulo ng ahas at tumulo ang mga dugo. Agad kong pinainom sa bata ang dugo ng serpyente. Walang atubiling ininom iyon ng bata na ikinatuwa ko.
Sinugatan ko ang palad ko at pinatulo ang dugo sa bibig ng sanggol. Biglang naging pula ang mata ng sanggol at lumitaw ang parang patak ng liquido na nalilibutan ng ahas. Isang hindi gaaanong kalakihan na tatak sa kaniyang kalamnam. Siya nga ang tinutukoy ng oracle. Napangisi ako sa nangyari.
Bumalik ako sa babaeng walang malay na nakahandusay sa sahig.
Sinakal ko siya. Nagising naman siya sa ginawa ko.
"Ha..halimaw ka." Mga nanghihinang tono na sinabi niya.
Sinabunutan ko siya at ihinarap siya sa sanggol.
"Ang batang ito ang dahilan ng pagliyab namin." Halos manglumo siya sa pinakita ko.
"Halimaw ka talaga! Anong ginawa mo sa anak ko!?" Hinampas-hampas niya ako sa dibdib.
Muli ko siyang sinakal. Tumawa naman ako sa mga sinabi niya.
"Kung halimaw ako higit pa sa demonyo ang anak mo sa panahon na iyon. Wala ka ng kwenta. Nakuha ko na ang gusto ko sa'yo. Kaya upang magkaroon ka na ulit ng kwenta- " Iniangat ko ang ulo niya at hiniyaang bumaon ang patalim sa kaniyang leeg. Nagsilabasan ang mapupula niyang dugo at tumirik na ang mata niya kaya inilabas ko ang mga pangil ko. Binaon ko ang mga ito sa kaniyang nakakahalimuyak na dugo sa kaniyang leeg. Napakasarap ng dugo.
Grixheah's Point of View
"ARG! You Stupid scumbag!"sinapaksapak ko ang dibdib niya pero pinigilan niya ako.
Pumagitna sa aming dalawa itong si Scarlet. Napatigil na lang ako at napaupo. Nararamdaman ko parin ang pagkabigla at ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
I was about to look at my wrist when I felt something stings on my right hand.
"Ouch.." tinignan ko ang aking kamay at nakitang may dugo roon. Yeah right, nalapnos pala ang balat ko kanina. Nagpipigil akong hindi umiyak dahil sa sakit. First time masunog ang balat ko ng ganito.
"I..I.. I'm sorry." Paghihingi ng tawad ni Kojou. Hindi niya kasi dapat ginawa iyon. Ano bang problema niya? Pati tuloy ako nadamay, pakshet.
"Lagi ka na lang nagdadala ng kamalasan sa buhay ko!" sigaw ko sa kaniya. Wala na akong pakialam kung maraming ng taong nanonood sa amin ngayon pero kasi nakakainis lang! Nadamay pa ako sa mga lechugas na mga kaaway na iyan na alam kong wala naman akong kinalaman sa nangyari!
"Ahh..Shit" I moaned. Ang sakit lang talaga. I tried to stand up and Kojou guided me to do it.
"Careful." pinitik ko naman ang noo niya sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED)| REPUBLISHED
Vampire"Her Blood cursed through my veins sweeter than Life."- Kojou "I couldn't help myself, couldn't help the way I felt as I recalled the pain and bliss rushed of a Vampire Bite"- Grixheah A bitch girl from a wealthy family was challenged to conquer her...