Blood in the rust
Through Frozen dust
Unification of cold ground
Let a Vampire be bound 
"Vampires has the power to turn you in their own kind"
The power to rebuild
The Power to Fight
Isisilang ang pinakamakapangyarihang bata na magdadala ng dugo ng isang royal blood vampire. Ang magiging pinakamalakas sa kasaysayan ng mga bampira sa buong mundo. Ang magiging dahilan ng karumaldumal na mga pangyayari. 
At naisilang ang batang magbibigay pintig sa nagbagong puso.
PHYLOD 20: BLOOD LUST
Ruffert Saminae's Point of View 
Kararating ko lang dito sa mansyon. Kasama ko ang kapatid kong si Leo.
"How nasty. You let them ruin your house kuya." Habang binaligtad niya ang isang bangkay na nakahandusay sa tabi ng pintuan.
Napahawak ako sa singsing at pinaglaruan habang pinagmamasdan ang paligid ng bahay ko. 
Katulad parin sila ng dati. 
Madudungis at maruruming higad.
"Sir'..." napatingin ako sa baba ng may humawak sa paa ko.
"Kinuha nila ang dalawang anak niyo, pati ang anak ng mga Moranium." Kinuha ko ang baril ng isa sa mga nasa likod ko na grimion at itinutok sa bungo ng isang 'to.
"Dapat ka lang mamatay kung gano'n." tsaka ko ginalaw ang sintido ng baril. 
Tumalsik ang dugo niya sa puti kong suot at sa pagmumukha ko.
"Sir." Inalay ng isa sa mga kasama ko ang pamunas ngunit di ko ito pinansin at umakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto ng prinsipe. 
Hmm. 
Nagulat na lang ako nang lumitaw siya sa harapan ko at natumba ako ng wala sa oras.
Scarlet Zychin's Point of View
"Stay alive, Red. Just stay alive, remember who you are." 
Naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Ang pakiramdam ng mga nag-iinit kong dugo at ang pakiramdam ng tuyo kong lalamunan. Napabangon ako at napatingin sa bintana. 
Naririnig ko ang mga huni ng hayop sa labas, nakikita ko ang mga maliliit na bagay, ni ang pinakamaliit na kayang makita ng isang microscope. Ang pagbagal ng palagid. Kahanga-hanga. 
Ngunit. 
Lumiliyab sa init ang buo kong katawan.
Dugo.
Dugo.
Dugo ang sinisigaw ng isip ko.
Napalunok ako at napatingin sa kamay ko.
Nakikita ko ang mga ugat ng kamay ko, ang dugong dumadaloy rito.
Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at agad ko na lang itong kinagat at sinipsip ang dugo. Napatigil naman ako nang may marinig akong mga yabag na papasok dito sa kwarto.
Parang nabuhayan ang mga dugo ko at parang sumasabog sa saya ang mga laway ko. 
Naamoy ko ang hininga niya.
Nang pumasok siya sa pintuan agad ko siyang sinunggaban.
Kinagat ko ang leeg niya at sinipsip ang sariwang dugo na dumadaloy rito.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED)| REPUBLISHED
Vampire"Her Blood cursed through my veins sweeter than Life."- Kojou "I couldn't help myself, couldn't help the way I felt as I recalled the pain and bliss rushed of a Vampire Bite"- Grixheah A bitch girl from a wealthy family was challenged to conquer her...
                                          