Soundtrack: What do you mean
Third Person's Point of View
Huminga ng malalim si Dylan habang nakapamulsa at nakapikit. Pinakiramdaman niya ang paligid. Iniisip niyang sapat at napakalakas ng kaniyang kapangyarihan para makipaglaban kaya't hindi siya nagdalawang isip na muling lumusob kay Scott.
Isang Royal Blood E Vampire si Dylan kaya't natural na ang paglakas ng kaniyang kapangyarihan at ang mga Aunerdrian Vampires ay mortal na kaaway ng Royal Blood Family.
Ngumisi naman si Scott at naging pula na ang kaniyang mata. Hinampas ni Dylan ang isa niyang palad kay Scott habang ang isa ay nakapamulsa. Hindi naman nakikialam ang ibang aunerdrian sa away ng dalawa at nakikinood lang.
"Huwag mo akong maliitin!" Ginamit ni Scott ang kapangyarihan niya at bigla na lang tumilapon si Dylan kahit wala pa siyang nahahawakan rito. Na parang ere lang ang umatake kay Dylan.
Lumapit si Scott kay Dylan tsaka niya ito sinakal ngunit biglang nawala si Dylan sa pagkakahawak niya.
Hinila ni Dylan si Scott patalikod at hinampas sa sahig. Nawasak ang sahig at nahulog siya sa isang palapag.
Agad na bumangon si Scott at lumipad na sinalubong ng malakas na suntok si Dylan.
Pinalitan rin ito ni Dylan ng isang suntok.
"Pasalamat kang napilitan akong pumunta rito dahil lang sa hindi siya sumusunod sa usapan." Habang nakayukom ang kaniyang kamao. Ang tinutukoy niya ay si Kojou Clifford na dapat mangliligtas kay Xheah.
"Nakakaawa ka E Vamp." Sabi ni Scott habang naghubad dahil punit-punit na ang kaniyang damit. Nainis si Dylan sa pagkakataong iyon dahil nawalan na ng gana si Scott sa laban.
"Why Scott? Ganyan na pala tumanggap ng pagkatalo." Panghihinayang ni Dylan.
"Uunahin ko muna siya kaya makipaglaro ka muna sa kanila." Ngumiti si Scott habang papunta kay Xheah habang lumusob naman ang mga Aunerdrian kay Dylan.
"Don't underestimate me Scott!" Agad na inatake ni Dylan si Scott. Agad na napatigil si Dylan sa ginawa niya nang matanto niyang may nakasaksak sa kaniya.
"I didn't underestimated you. Sadyang mahina ka lang at hindi mo pa ako kayang matalo kaya huwag kang magpanggap na kayang-kaya mo na ako." Nagulat si Dylan sa sinabi niya at naramdaman niya ang pagtulo ng dugo niya.
"Kaya mo napili si Clifford na mangliligtas sa babaeng iyon dahil alam mong makakaya niya dahil sa kalagayan mo, hindi mo kaya. Ginamit mo ang mga nilalang na Egors dahil mahina ka." Nanlisik ang mga mata ni Dylan at inis na tinanggal ang patalim sa katawan niya.
"Hindi ako mahina!" Nagsitalsikan ang mga Aunerdrian sa likod ni Dylan habang ngumiting nakatingin sa kaniya si Scott.
"Mahina ka. Gusto mo lang magpasikat." Nakangising sabi ni Scott.
Nagulat naman si Dylan nang tumalsik siya sa sipa ni Alodia.
"Huh pathetic. Ikaw ang mahina." Muli sanang masasaksak si Dylan sa sandata ni Alodia kung hindi siya niligtas ni Saphire, ang kaniyang Egor.
Bumangon si Dylan at daretsong pumunta sa altar. Hindi niya matanggap ang ginawa sa kaniya ni Scott kaya't muli niya itong inatake.
Sa oras na iyon humarang muli sa kaniya si Alodia at bumaon na ang patalim sa katawan ni Dylan.
"You never learn." Sabi ni Scott at sinipa niya si Dylan.
Habang ang Egor ni Dylan ay natalo ni Alodia.
Pumunta na sa itaas ng altar si Scott kung saan nakahandusay si Grixheah.
"She's... hot." Hindi maiwasang mapangiti ni Scott dahil patuloy siyang naaakit ng katawan ni Xheah. Kanina niya pa din iniinda ang sakit na hatid nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/322847548-288-k892607.jpg)
BINABASA MO ANG
My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED)| REPUBLISHED
Vampiros"Her Blood cursed through my veins sweeter than Life."- Kojou "I couldn't help myself, couldn't help the way I felt as I recalled the pain and bliss rushed of a Vampire Bite"- Grixheah A bitch girl from a wealthy family was challenged to conquer her...