Braville Kojou Clifford's Point of View
I'm holding my breath. Run as fast I could. I sense the slow motion of the environment, the sound of animals, the cars in highway, and the nuisance voices of humans. Her heartbeat, it will vanish anytime. A tentative guess, but possible to happen.
It was my fault again.
It's like a bullsh*t curse I had.
Pero kung hindi ito ginawa nang traydor na pesteng dilang iyon, hindi sana mangyayari ito. Nahabol ko pa sana si Grixheah kanina at napatay ko ang ibang Aunerdrians kung hindi lang dahil sa kaniya.
"Scarlet! Malapit na tayo!" Habang tumatakbo niyuyugyog ko siya upang magising.
Ngunit ni isang ungol man lang o tunog wala akong marinig.
Kailangan ko siyang idala sa mansion.
Hindi kailangang magbuwis ng buhay dahil lang sa akin. Hindi ko hahayaang mamatay siya at balewalain ang pagsasakripisyo niya.
Napahinto ako nang bukas ang malaking pinto ng mansion. Pumasok ako at napakagulo ng loob. Nagkalat ang dugo sa dingding at maraming nabasag. Patay na ang ibang katulong nila Xheah at maraming bangkay ng Grimions ang nagkalat. Kung ganoon, pati ang mansion sinalakay nila.
"Aunerdrians" naningkit ang mga mata ko at napakuyom ng kamao. Magbabayad sila.
Hintayin lang nila ako.
Agad akong bumaba papunta sa basement ng mansion. May mga kagamitan na maaring makatulong sa kaniya. Inalis ko ang mga kagamitan sa isang malaking mesa at nilagay si Scarlet sa ibabaw nito. Agad akong pumunta sa kwarto ko para kumuha ng dugo sa fridge. Teka anong type ng dugo niya?
"Aish." Inihilamos ko ang palad ko sa aking mukha.
Kumuha ako ng puting T-shirt ko at binuhat ko na lang ang fridge at pinunta sa basement.
Kumuha ako ng bimpo at binasa sa maligamgam na tubig. Pinunasan ko ang natuyong dugo sa kaniyang leeg gamit ang basang bimpo. Kinuha ko ang mga kagamitan na panglipat ng dugo. Inisip ko kung anong dugo ang kakailanganin niya. Type A. Naalala ko ang pagsipsip ko sa dugo niya kaya ko nalaman. Isa lang iyon sa abilidad ko kung natikman ko ang dugo mo. Agad ko siyang sinalinan ng dugo.
Nahihirapan parin siyang huminga. Napatingin ako sa pulang kasuotan na gamit niya.
Ipinikit ko naman ang aking mata habang pinunit ko naman ang gown na suot niya.
Tandaan niyo, wala akong balak gawin na kamangha-mangha o nakakapanindig balahibo.
Sa pamamagitan nito, makakahinga siya ng maayos.
Pagdilat ko, may nakita akong malaking sugat sa kalamnan niya. Napakunot ako ng noo. Paano siya nagkaroon ng sugat? Kasinlaki ng kamao ko ang sugat niya. Alam ba ng babaeng ito na may sugat siyang ganito? Sa hitsura niya kanina parang wala lang siyang iniindang sakit.
Kumuha ako ng dugo ko at in-inject sa hita ni Scarlet. Makakatulong ito upang mabilis na maghilom ang sugat niya. Kung baga, makakabilis sa pag-epektibo at paggalaw ng mga White Blood Cells niya. Naabsorb ng katawan niya ang lahat ng dugo na sinalin ko kaya magiging okay na siguro siya. Hinimas ko rin ang hita niya kung saan ko in-inject ang aking dugo.
"Scarlet." Bulong ko.
Idinikit ko ang tenga ko sa kaliwang dibdib niya at pinakinggan ang tibok ng pusong humihina.
"Scarlet?" Tinignan ko siya at muling pinakinggan ang pintig ng puso.
"Scarlet!" Nataranta ako nang hindi ko na ito marinig.
BINABASA MO ANG
My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED)| REPUBLISHED
Vampire"Her Blood cursed through my veins sweeter than Life."- Kojou "I couldn't help myself, couldn't help the way I felt as I recalled the pain and bliss rushed of a Vampire Bite"- Grixheah A bitch girl from a wealthy family was challenged to conquer her...
