Phylod 10: Atrocity

6 2 0
                                    


Braville Kojou Clifford's POV

"Xheah!" Binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Hindi ko pupwedeng gamitin ang vampire instinct ko dahil maraming tao.

Buhat-buhat ko si Grixheah. And blast it! Marami ng dugo ang tumutulo sa kamay ko. Isa akong bampira at malamang umiinom ako ng dugo. Since I started to suck Xheah's blood lagi na akong na-te-tempt sa kaniya. Bloody flesh and tempting smell? God knows. Sobra na akong pinagpapawisan dahil sa pagpipigil.

Nawalan na siya ng malay dahil sa sugat niya. Nagsisilabasan na ang mga itim na ugat sa braso niya at nangingitim na ang braso na natamaan sa kaniya.

Black arrows can paralyze and poison vampires. Pero bakit nangitim ang sugat niya? Bakit siya naapektuhan? So, ginawan na nila ng paraan para maapektuhan ang mga tao sa lason na naririto? How convenient for them.

Naamoy ko na naman ang kaniyang dugo. Kainis. Nararamdaman ko na ang paglabas ng mga pangil ko. Dinagdag pa ang mga makikinis na leeg ni Xheah. It's seducing me. Her flawless skin, seducing me.

I was about to exit the main gate when a weird person blocked my way. Or maybe its not a weird person. An Aunerdrian Vampire blocked my way while he pointed at me the black arrow. How rude.

Agad akong umiwas dahil tatama ulit kay Xheah ang arrow. At hindi na ako makakapayag doon.

"It's me right? Ako ang gusto niyo. Huwag na kayong mangdamay ng tao!" Hindi niya ako pinakinggan at patuloy siya sa pag-atake. Habang ako, patuloy na umiiwas habang karga si Xheah. Her life is at risk, kaya gagawa ako ng paraan mailigtas lang siya. Kasalanan ko rin ang lahat. Kung hindi ako pumunta dito sa mortal world, walang madadamay. Kung hindi ako pumayag na maging tutor ng anak ng leader ng Grimions. Hindi ito mangyayari kay Xheah.

"Arg!" Muntik ng matamaan si Xheah.

Hindi ito pwedeng magtagal. Kung laging nasa tabi ko si Xheah, mapapahamak siya. I need to use my power.

Isinantabi ko muna ang katawan ni Xheah kung saan siya ligtas. Then I faced the rebel.

Aunerdrian Vampires are rebels. Ayaw nilang mamuno ang Royal Blood sa Vampire Empire. They don't agree to the oracle kaya siguro nandito sila ngayon para ako'y patayin. Di ba?

"Stop this madness." Hinarap ko ang Aunerdrian Vampire and I think she's a girl.

Nababalutan ang katawan niya ng itim na damit and black mask. Nakalugay ang brown hair niya habang nakatutok sa akin ang mapupula niyang mga mata. Palalabasin ko na sana ang apoy ko nang bigla siyang nawala.

Agad akong napatingin sa likod ko. She's fast.

Bumangga ang katawan ko sa isang pader. Damn it.

Lumapit siya sa akin at sinipa ako sa kalamnan. Itinutok niya sa akin ang black arrow.

"You're so assuming my prince," nagbigay siya sa akin ng tawa. 

"You were tricked. I know that you're intelligent enough to know all the things but we're wrong. Dapat magsearch kana para madagdagan iyang nasa kokote mo! You are all naive!" Natahimik ako sa mga sinabi niya. Ano ang dapat kong malaman? Pinakawalan niya na ang black arrow.


Scarlet Zhychin's Point of View

Isinarado ko ang gate ng Grand stand pagkatapos makaalis nila Kojou. Kailangan kong alisin ang mga ala-ala nila sa nangyari kay Grixheah. Walang mortal ang pupwedeng makaalam nito.

Naglabas ako ng electric fluid at ginawang arrow. Itinutok ito sa taas at hinagis.

"Electromone!" Pagkarating nito sa taas nagsikalat ang electric fluid sa taas na parang ulan. At tiyak akong lahat sila mababasa nito. Lahat sila makakalimot sa pangyayaring ito.

My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED|REPUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon