Phylod 12: Night for a friend

5 2 0
                                    

Grixheah Saminae's Point of View

"Do you feel the same?" Gusto kong malaman lahat ng kasagutan niya. Para hindi ako umaasa.

Hindi siya sumagot. Nilipat ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok at hinila siya papalapit sa akin. Isinarado ko ang aking mga mata habang hinihintay ang kaniyang labi.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking mukha. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Siguro, umaasa akong 'Oo' ang sagot niya. Umaasa ako na sana mahal niya rin ako. 

"I can't." Napadilat ako ng takpan niya ang bunganga ko.

"I have a girlfriend. " Nagulat ako sa sinabi niya.

G-Girlfriend?!

"Ga-ganoon ba?" Habang tumingin ako sa ibang direksyon.

Lumayo naman agad ako sa kaniya. 

"Haha! Huwag kang mag-alala hindi ako umaasa! Hihi...sabi ko na nga ba may girlfriend ka na. Sa gwapo mong 'yan? Kupal lang ang maniniwala na wala kang gf." Biglang naging malungkot ang mukha niya at tumingin sa baba. 

"I'm sorry Xheah." Matamlay niyang sabi.

"Asus. Haha. Ano ka ba. Okay lang sa akin. Hindi naman ako umaasa eh." Pero sa totoo lang, ang sakit. First time kong masaktan, agad-agad. Ganito pala ang pakiramdam.

Sino naman ang girlfriend niya? 

"Si-sino naman ang girlfriend mo?" Napatingin siya sa akin nang tanungin ko iyon.

"Si Scarlet Zhychin." Sabay tingin sa ibang direksyon.

"What?! Ang babaeng iyon ang girlfriend mo?! Sa dinami-dami ng babaeng nagkakagusto sayo kay Scarlet ka pa napunta?!" Nagpout siya sa akin. Mukhang pinagtritripan ako ng lalaking ito.

He's a liar. Nagbibiro lang siya. Akala niya ata maniniwala ako. Ang pinsan ko may gusto sa kaniya pati ang kapatid ko. Tapos ang malanding Student President Council ng school na may gusto rin sa kaniya. At si Scarlet ang gf niya? Tsk. Mas maganda pa yata ako dun ah.

"At paano mo masasabi na mahal mo ako. Di ba nga may boyfriend ka na? Sino na nga ba iyon? Dila?" Boyfriend? Wala akong boyfriend ngayon ano. Binrake ko na noong first day ng school at iyon si Jeonirc.

Teka si Dylan ata ang tinutukoy nito. Iyong sinabi niyang 'Dila'=Dylan. Wait, akala niya boyfriend ko si Dylan? Sige magpapanggap ako na boyfriend ko siya. Alam kong nagsisingulang siya sa akin na GF niya ang babaeng iyon na timang. Eh di sana, pinigilan ako kanina ni Scarlet nang palabasin ko sila ni Dylan di ba?

"Ay oo nga. May boyfriend na ako. Hays. Sorry Kojou hah, sorry kung hinalikan kita. Mahal ko rin pala si Dylan. Sa sobrang mahal ko sa kaniya. Ayaw kong makipagbreak. Problema nga lang may gusto ako sa iyo at sa boyfriend ko." Bigla siyang tumayo habang nakayukom ang kaniyang kamao. God, he's creepy again.

Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. 

"Ako rin eh. Mahal ko si Scarlet kaya hindi kita pwedeng mahalin. Sorry rin sa paghalik ko sa iyo kanina ah. Trip ko lang iyon." Parang may karayom na tumusok sa puso ko nang sinabi niya iyon. Sarcastic smile ang ibinibigay niya sa akin ngayon at napakamot siya sa ulo. Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya.

"Trip huh?" Sabay tingin sa kaniyang mga mata. Naiiyak man pero kailangan kong ipakita ang Xheah na kilala niya.

"Well according to me. Pinaglaruan lang rin kita! Akala mo ba kung ginusto ko ito? Hindi! Malas ka sa buhay ko! Simula nang nakilala kita, puro kamalasan na lang ang nangyayari sa buhay ko!" Nakakainis talaga siya! Arg.

Ibinulsa niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang pantalon. Wala parin siyang suot na shirt.

Lumapit siya sa akin at humarap sa mukha ko. 

My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED|REPUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon