Sinara ko ang shower tsaka ako nagtapis ng towel. Nasa kama ang bathrobe ko kaya nakatowel akong lumabas ng shower room ko.
"Isang dalaga na nagngangalang Ricah Prime ang natagpuang patay sa likod ng Saminae Academy kanina lamang po. Puno ng kagat sa kaniyang katawan ang biktima. Hindi malaman kung hayop nga o tao ang may kagagawan nito sa kaniya. Pagkatapos kunin ang bangkay bigla na lamang itong nawala. Naniniwala naman ang iba na may kumuha sa kaniyang katawan ngunit hindi matukoy kung sino. Nag-iimbestiga na rin sila kung sino ang may kagagawan nito sa naturing na dalaga." Nagulat ako sa nakita ko sa TV pagkalabas ko ng banyo. Nakakadiri ang hitsura niya, parang nawalan siya ng dugo at kinain lahat ng laman niya.
Nakatayo rin si Kojou sa harap ng flat screen kong TV habang tutok na tutok na nanood.
Humawak ako sa braso ni Kojou sa takot. Hindi kasi ako makapaniwala na patay na siya tapos nawawala ang bangkay niya.
"Siya..siya 'yong sa school noong first day." Nakita ko kasi ang picture niya sa TV upang malaman ang mukha.
"Siya ang babaeng sinabuyan mo ng hot chocolate." Saad ni Kojou na nasa TV parin siya nakatingin.
Naguilty naman ako sa ginawa ko. Hindi ko akalaing patay na siya.
"Mabuti 'yang patay na siya para hindi na siya sagabal sa dinaraanan ng tao." Napatingin siya sa akin ng masama.
Bumitaw ako sa kaniya at kinuha ang bathrobe ko.
"Alam mo Kojou mamamatay ang sino mang tao. Lahat tayo, kaso lang mas nauna siya kaya malas niya lang." tinanggal ko ang towel sa katawan ko at nilagay ang bathrobe.
"Right?" Napatingin naman ako kay Kojou.
"Wh-what happened to you?" may tumutulo kasing dugo sa ilong niya.
O-M-G I just did that?
Binato ko siya ng unan.
"Ang pervert mo! Bakit hindi ka lumabas?! At bakit nasa kwarto kita!" I snapped out nagwala na ako sa kahihiyan. Wala nga talaga akong utak! Leche! Hindi ko alam na may lalaki dito sa kwarto ko at tinanggal ko 'yung towel na walang kamalay-malay! Nanosebleed pa ang mokong! Ang Gago!
" Ang bastos mo ! "Hinampas-hampas ko na siya sa braso.
"Ang sabi mo sa akin kanina dito kita tuturuan at baka after kong turuan ka makatulog ka na. At sabi mo rin kanina maghihintay lang ako rito. And dapat masaya ka nga at sinunod kita. At hindi ko kasalanan kung naghubad ka diyan."
"Arr!!" Hinampas-hampas ko pa siya. Tagos hanggang sa buto ang kahihiyan ko ngayon. Stupid Grixheah!
"Huwag kang mag-alala wala akong nakita." Habang pinupunasan niya ng panyo ang ilong niya.
"Ano ako uto-uto? Eh nanosebleed ka pa nga eh! Maghiwalay-hiwalay sana iyang mga mata mo! At saka wala ka bang utak? Dapat lumabas ka muna." Ibabato ko sana ang frame pero nahagip niya ang kamay ko.
"Remember my rules? Enough for that. Tuturuan na kita para matapos na tayo at may pasok pa tayo bukas." Napabitaw ako sa hawak ko at umupo sa study table. Kumuha naman siya ng isang upuan at nakitabi sa akin.
"Basahin mo ito." May inabot siya sa aking maliit na notebook.
Pagbukas ko puro math.
"Ano ito algebra? Ipamememorize mo sa akin itong mga solutions na ito at mga numbers na 'yan?"
"Wala akong sinabing imemorize mo. Ang sabi ko basahin mo. At hindi ibig sabihin na basahin lang na literal, intindihin mo nang mabuti."
"Tss." Sinunod ko naman siya. Sa lahat ng pwede niyang ituro algebra pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/322847548-288-k892607.jpg)
BINABASA MO ANG
My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED)| REPUBLISHED
Vampire"Her Blood cursed through my veins sweeter than Life."- Kojou "I couldn't help myself, couldn't help the way I felt as I recalled the pain and bliss rushed of a Vampire Bite"- Grixheah A bitch girl from a wealthy family was challenged to conquer her...