Grixheah Saminae's Point of View
It's almost 8 pm. Nasa kwarto parin ako kasama ang hairstylist at makeup artist ko.
Pinagmamasdan ko lang ang aking sarili sa harap ng salamin habang ako'y inaayos.Ang ganda ko. Dapat kuntento na ako kung anong mayroon ako ngayon kaso hindi. May kulang parin.
"Ayan tapos na!"
"You're so fabulous and beautiful, bagay nga kayo ni Jeonirc." hindi ako kumibo sa sinabi nila. Tapos na ako kay Jeonirc. Hindi ko na siya kailangan at hindi ko na siya mahal.Si Kojou lang ang gusto ko, wala ng iba.
'Kaya wala kang magagawa Kojou, sa akin ka lang'
Scarlet Zychin's Point of View
Ang sexy naman yata ng binigay na gown dress sa akin ni Xheah. Itinataas ko ang gown na suot ko dahil nakikita ang cleavage ko. Natatakot tuloy akong lumabas.
"Scarlet, oras na para bumaba." Nagulat ako nang may kumatok sa pinto.
Si Kojou.
Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mga pisngi ko. Nako Pervert pa naman ang nilalang na ito.Itinaas kong muli ang gown, iyong hindi makikita ang cleavage ko. Pero, Arg, bumababa.
Agad naman akong pumunta sa pinto nang ito'y bumukas. Kaso late na ako, nakapasok na siya. Bakit ko nakalimutang i-lock iyon?
"Let's go." Habang inaayos niya ang white tuxedo niya. Napayuko naman ako.
Okay lang kaya? Baka ang pangit, hindi ko bagay.
"I said let's go." Natapisod naman ako nang hinila niya ako. Ngunit agad niya rin akong sinalo. Nagtinginan kami sa isa't-isa. Parang may hinihintay akong sasabihin niya.
"Turuan mo akong sumayaw mamaya hah." Bigla siyang ngumiti at itinayo ako nang maayos. Sa tingin ko, pangit nga ang make-up ko. Di ko rin ata bagay ang glamorous red gown na ito at ang 4 inch black heel. Tumingin naman ako ng masama kay Kojou.
"Bahala ka sa buhay mo, ang pangit ng suot mo." habang patabog na lumabas. Nang malapit na sa hagdan, dahan-dahan akong bumaba at baka matapilok.
"Wow! Ate Scarlet, ang ganda-ganda mo!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Althea nang makababa ako. Mukhang hindi siya makakapunta sa party. Napatingin naman ako kay Flourence, hindi rin sila nakabihis.
"Hindi ba kayo sasama?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Hindi eh, kayo lang ang invited." Sagot ni Flourence. Bakit kami lang? Napatingin naman kami sa malaking pinto ng mansion nang ito'y bumukas. Parang may anghel na pumasok sa loob.
"Kuya Jeonirc!" Sinalubong naman ni Althea si Jeonirc ng yakap.
"How about your sister?" tanong niya kay Althea.
"Nasa taas pa eh" Napatingin naman ako sa taong nasa tabi ko ngayon, Si Kojou.
Ang gwapo niya sa suot niya.
Agad ko namang binawi ang tingin ko nang tinignan niya ako.
"Wow." lumapit naman si Flourence kay Kojou.
"Magpapakasal na ba tayo? Teka lang hah, magbibihis lang ako." Natawa naman ako sa sinabi ni Flourence. May gusto rin pala siya kay Kojou.
Napatingin naman ako kay Jeonirc na parang naamaze sa nakita niya. Tinignan ko naman kung anong tinitignan niya sa taas. Pababa ngayon ng hagdan si Grixheah suot ang itim na gown niya, kumikinang rin ang mga crystal na nasa gown. At nakasuot siya ng coat dahil siguro masiyado ring sexy sa bandang likod niya. Ang ganda niya, para siyang prinsesa. Napatingin naman ako sa mga taong nakatingin sa kaniya ngayon habang siya'y bumababa. Kuha niya lahat ng atensyon ng tao, kahit si Kojou namamangha rin sa nakita niya. Pero sa akin kanina, ni isa wala siyang compliment na binigay.
![](https://img.wattpad.com/cover/322847548-288-k892607.jpg)
BINABASA MO ANG
My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED)| REPUBLISHED
Ma cà rồng"Her Blood cursed through my veins sweeter than Life."- Kojou "I couldn't help myself, couldn't help the way I felt as I recalled the pain and bliss rushed of a Vampire Bite"- Grixheah A bitch girl from a wealthy family was challenged to conquer her...